HUMARAP AKO sa salamin para tingnan kung maganda ba sa paningin ang suot kong black dress na lagpas hanggang tuhod. Itinaas ko ang kamay ko at ipinadaan sa beads na nakapalibot sa collar, 'tsaka may maliit na puso, kulay pula sa gilid ng dibdib ko na gawa sa malalaking beads. Ipinusod ko sa gilid ng aking tainga ang umaalon-alon kong buhok at medyo may basa-basa pa, hindi ko na masyadong napatuyo.
Ngumiti ako nang matipid at bumuga ng hangin. Siguro naman ay hindi ako magmumukhang maliit kahit nakasuot ako ng puting converse shoes at sa haba ng suot ko. Pagkatapos kong matiyak ang kasuotan ko ay umikot ako para kunin ang nakapatong kong phone sa ibabaw ng swivel chair. Nagitla ako matapos kong maisara ang pinto ng kuwarto ko nang makita si mama na nakakunot-noo pagkaharap ko.
Habang magkasabay kaming nagmamartsa pababa ni mama sa hagdan ay nakita ko sila papa at Brix na nakaupo sa sofa. Naka-switch on ang TV at abala silang nanonood. Umukit ng ngiti ang labi ko sa nakita. Naimpluwensyahan ni Brix si papa na manood ng k-drama. Hindi ko masasabing kasing-adik ni papa ang kapatid ko, pero tuwing Friday hanggang Sabado, kapag nagigising ako ay naabutan ko silang nanonood pa rin. At lalabas kami ni mama ng madaling araw ay maiiling kami dahil hindi pa sila natutulog.
"Makikipagkita ka na naman kay Chrysler, anak?"
Tumango ako. "Para sabihan lang siya na hindi na kami magkikita," sagot ko.
Kagabi lang nila nalamang na nagkikita kami ni Chrysler. Inaasahan kong wala silang sasabihin, pero nagkamali ako dahil pinagsabihan nila ako kung ano ang dapat kong gawin. Gaya ng sinabi sa akin ni Jazz ay ganoon din ang gusto nilang gawin ko kung maluwag sa aking kalooban. Lalo na si mama na takot na takot siyang may mangyaring hindi maganda sa relasyon namin ni Jazz. Tinanong ko naman kung ano iyon at bakit? Sabi niya ay ayaw niyang matulad ako sa kaniya na labis ko namang ipinagtataka.
Nag-aalala ang mukha niyang nakatingin sa akin. "Anak-"
"Ma, huwag kayong mag-alala. Hindi ako makikipaghiwalay kay Jazz." Lumapit ako at saka tinapik-tapik nang mahina ang balikat niya.
Pagtapak ng aming mga suot na sapatos sa sahig ay napahinto ako dahil nakatingin pa rin sa akin si mama. Nilingon ko siya nang nakataas ang dalawang kilay. Binale-wala ko ang pagkunot-noo niya. Alam kong hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ko.
"Good morning!" Papa cheerfully greeted.
"Good morning, papa. Have a nice day!"
Kinunutan ko lang sila ng noo at nginitian nang mahuli kong nagkatinginan silang dalawa at inilabi ako ni mama. Nailing na lang ako sa kanila. Ano ba ang iniisip nila? Hindi ko naman gagawin ang ikinatatakot nila at hindi ko palulungkutin si Tita Richie, na masayang-masaya sa relasyon naming dalawa ng kaniyang anak.
Mahinang tumikhim si papa, sapat na para maagaw niya ang atensyon ko. Pinamulagatan ko ng mga mata si papa nang huminga siya nang malalim at tingnan ako sa mata. His eyes are sparkling like gems. Even I can see some wrinkles on his handsome face, he still has the looks to make a woman fall for him.
I smiled at him. "Drishtelle-" he called but I didn't let him finish.
"Papa, ayos lang ako. Wala naman akong sasaktan sa kanilang dalawa." Nginitian ko rin si papa gaya ng ginawa ko kay mama kanina.
Wala siyang nagawa kundi ang tumango at pasadahan ako ng tingin hindi pa rin kumbinsido gaya ni mama kanina. Tumayo si papa, nilapitan si mama na nasa aking tabi samantalang si Brix ay pinatay na ang TV at nilingon ako habang nakaupo pa rin siya sa sofa.
"Ate-" Itinaas ko ang kamay ko sa harap niya dahilan para hindi rin niya matapos ang sinasabi.
"Brix, hindi ko sasaktan si Jazz," maagap kong sagot at binigyan din siya nang nakasisigurong ngiti.

BINABASA MO ANG
Today is the Day
Roman d'amour"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020