TUMAYO AKO pagkatapos kong matuyo ang buhok ko gamit ang hairdryer. Kaninang alas-siete pa ako nagising para maghanda at hindi ako bulabugin ni Genesis kapag naabutan niyang nakatulog pa ako. Malalaking hakbang ang ginawa ko, nagmamadaling makalabas sa kuwarto para ipaalam ang pagdating ng mga bisita ko maya-maya. Pinihit ko ang seradura upang buksan ang nakasarang pinto ng kuwarto.
Lumapit ako sa kuwarto nila mama, katabi ng kuwarto ko. Kumatok ako't nagsalita, “Ma, Pa, pupunta pala sila Ate Kyla, Jazz at Genesis sa bahay para mag-review kami sa—”
Tumigil ako sa pagsasalita sa narinig kong pagtikhim ng babae sa likuran ko. Dahan-dahan kong ipinilig ang ulo para lumingon. She crossed her arms over her chest while her eyebrows knitted.
“Dapat kagabi mo pa ipinaalam, girl.” She wrapped a curl around her finger. Hindi rin nakatakas sa akin ang pag-ukit niya ng ngisi.
Imbes na sumagot ay iginala ko ang mga mata, hinahanap sila mama at papa dahil mukhang wala sila sa loob ng kanilang kuwarto. Paniguradong hindi pa umalis ang mga 'yon dahil palagi silang nagpapaalam sa amin.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. She pursed her lips.
“Kanina pa kayo rito?” My eyes darted on her hot pants, revealing her white long legs.
Her lips twitched. “Kamag-anak mo sa bagal ang pagong. Kanina ka pa namin hinihintay,” pabalang niyang sambit at saka ako tinalikuran.
Umangat na lamang ang kanang balikat ko't napaismid. Hindi naman ako nagulat kung ganoon ang ugali nito. Pababa na ako sa hagdan nang lingunin niya ako. Salubong ang dalawang kilay nito ngunit unti-unti ring pumantay nang makita niyang nakasunod ako.
Inayos ko ang lumalaylay na mainipis na strand ng kulay berdeng sleeveless shirt ko. Pati ang waistband ng maikling shorts kong kita ang kaputian ng kalahating hita ko. Nag-angat ako ng tingin at nilingon ang sala. Nakita ko sina Ate Kyla at Jazz na nakaupo sa mahabang sofa. Tumaas ang dalawang kilay nang mapagtantong nasa akin ang tingin nila. Nahihiya akong ngumiti at iniangat ang kamay para kumaway.
“Good morning!” masiglang bati ko pagkababa.
They greeted me back except Genesis. Nanatili ang mga mata niyang nayayamot sa akin. Magtatanong pa sana ako pero biglang lumabas si papa sa kusina.
Bihis na bihis. Paniguradong bibisita ulit ito sa site at mamalagi sa kaniyang opisina. Ngunit, hindi maayos ang pagkakasuot niya ng necktie. Kaswal siyang lumapit sa akin at tinapik ang balikat ko.
“Drish, ikaw na bahala rito. Nasa kusina lang naman si manang kung may iuutos kayo,” paalala ni papa.
Tumango ako sabay halik sa pisngi niya. Hinawakan ko ang braso ni papa dahilan para tumigil siya sa pagtalikod. Pagkaharap niya ay inayos ko ang kaniyang necktie. Nakikita ko lang ito kay mama, pero hindi ko alam kung tama ang pagkakaayos ko.
Umikot ang mga mata ko, hinahanap si mama nang matapos kong ayusin. Binigyan niya ako nang matamis na ngiti at ibinaling ang tingin sa tatlo.Nagulat pa ako nang bigla akong itulak ni Genesis at yumakap kay papa habang kumaway lamang sina Ate Kyla at Jazz.
“Ikumusta n’yo na lang kami sa mga magulang n’yo, ha?” nakangiting sambit ni papa. Sabay-sabay naman silang tumango.
“Tito, kinukumusta ka rin sa akin ni papa. Sabi niya miss ka na, pero parang hindi naman totoo kasi nakangisi.”
Mahina akong tumawa sa sinabi niya. Hindi na nasanay ito sa papa niyang mahilig ngumisi, pero mas nakakaasar nga kung ngumisi si Tito Mike kumpara kay Tito William. At least medyo charming para sa akin ang ngisi ni Tito, hindi tulad kay Tito Mike na parang may kalokohang naiiisip sa likod n'on.
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020