TITD13

91 4 0
                                        

ITINAGO KO ang kamay sa likod ng palda ko habang naglalakad sa hallway, papasok sa unang klase ko ngayong unang araw ng pasukan. Iba talaga ang kaba ko tuwing pumapasok. Kahit hindi naman ako transferee ay hindi ko pa rin maiwasang maging kalmado dahil palagi pa rin akong kinakabahan.

Siguro iba talaga ang dulot ng first day of class kaya sobrang nakakaba.

"Girl!"

Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang malakas na boses ng may-ari ng boses. Pinangkitan ko siya ng mata. Akala ko ay magiging pasaway na naman ito, magsusuot ng short shorts pero ngayon ay nakasuot siya ng skinny jeans at red crop top. Civilian kami sa unang linggo at next week isusuot ang university uniform.

"Magkaklase tayo?" nagugulumihanan kong tanong nang hintayin ko siyang lumapit sa akin. Magkaiba na ang course namin at imposibleng magkaklase kami.

"Gusto mo ba?" She smirked and I noticed how her left eyebrows raised.

I blinked. Parang ayaw ko na gusto ko dahil mahahawa na naman kami sa kadaldalan niya't mapagalitan ng instructor sakali. Ayaw kong may sumabog sa inis na instructor ngayong first day pa naman.

Inayos niya ang manggas ng sweater ko na sinadya kong itupi. Iniiwas ko ang kanang braso ko nang isinusunod niya.

"Huwag ka ng mangarap na maging kaklase mo ako. Sa isang minor subject, magkaklase tayo sa P.E."

Umismid ako. "Wala naman akong makokopya sa 'yo sa P.E. subject," turan ko.

Tanging pagsayaw lang ang ginawa namin last year. Siguro ngayon ay pagsayaw at laro.

"Wala naman akong napala sa 'yo noong accountancy pa ako. Walang laman utak mo kaya hindi puwedeng pagkopyahan."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Mahina akong tumawa. She excels in basic accounting, Managerial Economics, and OBLICON too, but she didn't excel in CFAS. Kaya medyo nakapagtataka kung bigla siyang nag-shift kung gusto naman ng utak niya ang accountancy.

"Drish, malapit na ang time."

Tumango lang ako sa narinig, hindi na siya nilingon pa.

"Atat lang, Jazzy? Okay lang ma-late sa first subject. Ayaw mo na talaga akong makita?" pabiro niyang tanong.

"I miss you, Genesis," malambing na saad ni Jazz nang makalapit sa amin.

Umakbay ito sa akin sabay tapik sa balikat ni Genesis. Ngumiwi lamang ito sabay hampas sa ulo ng lalaking nakaakbay sa akin.

"Plastik!" she hissed and rolled her eyes before she walked away.

"Ime-meet lang naman yata ang mga professors ngayon, 'di ba?" tanning ko pagkalingon sa kaniya.

Hindi siya naimik agad kaya muli akong nagsalita. "Gusto kong makipagkita kay Chrysler."

Tiningnan ko siyang nakatingin lang sa akin. Hindi ko tuloy matukoy kung may dumi ba ako sa mukha o wala.

"Kahit ime-meet lang tayo, kailangan pa rin ang attendance. Palagi naman kayong nagkikita at hindi ka nagsasawa?"

"Hindi mo talaga alam ang pakiramdam ng in love," iiling-iling kong sambit habang tinatapik-tapik nang paulit-ulit at sa mahinang paraan.

Wala siyang kaalam-alam sa pakiramdam na in love. Palagi kong nararanasan iyong hindi na ako makapali kapag hindi ko siya nakakausap sa buong araw. Gusto ko palagi siyang may oras sa akin at nagbibigay ng pagmamahal, pero nagagawa naman ni Chrysler kahit madalas ay nabibigo niya ako dahil mas marami siyang oras sa pag-aaral kaysa sa akin.

Sumunod akong pumasok nang iwan niya akong mag-isa sa hallway. Napawi rin sa wakas ang kaba kong kanina pa nanggugulo sa puso kong kalmado kanina noong nasa bahay ako. Inilapag ko ang backpack bag sa tabi ng upuan niya. Wala namang nakaupo at halatang nakareserba para sa akin ang upuan iyon dahil katatanggal lang niya ng intermediate accounting book na inilagay niya sa upuan.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon