Chapter 3

1.7K 68 5
                                    

alexyroshe im_mariz bellperdz jeciemay Ringbeee Dfate17 kayegdl sundayyo yaaaaz_29 rainelynndizon123

Po'v Stacy

"Becaus I love Nicole, I'm badly inlove with her,Stacy." hindi ko inaasahan ang pagtulo ng isang butil ng luha sa pisnge ko kaya naman agad ko yung pinahid.

Nag bago ang ekspresyon niya ng makita niya ang luha ko. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Bakit ba kasi kailangan pang kumawala ng luhang yun!

"Pasensya kana, itetext ko lang si Nana para buksan ang pintuan." tumalikod ako sa kanya at pumunta sa table ng Daddy ko. Magtitipa na sana ako sa telepono ng maramdaman kong may yumakap mula sa likod ko.

Sa gulat ko hindi ako nakahinga ng maayos. God bakit niya ako niyayakap ngayon! Anong gagawin ko? Tang*na naman oh!

"I'm sorry I didn't mean to hurt you." malambing nitong pagkakasabi at mas  hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa bewang ko habang ang ulo naman niya hinalikan ang balikat ko.

"Laurence alam mo sa ginagawa mong to umaasa na naman ako. Alam ko mahal mo si Nicole pero hindi mo yun kailangang ipamukha sa akin. Oo mahal kita... mahal na mahal kita at nasasaktan ako kasi may minamahal kang iba." humarap ako sa kanya nilakasan ko ang loob ko na makipagtitigan sa kanya.

"Sa bawat ginagawa mo mas sinasabi mo lang sa akin na agawin kita sa kanya. Tell me may parte ba ako dyan sa puso mo? Kahit konti? Kasi kung wala paano mo ieexplain tong mga aksyon mo?" napayuko siya at hindi na makatingin sa akin.

"Laurence pinapaasa mo ako!" mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Hindi ko sinabi sayo na mahalin mo ako!" may bahid ng pangu-ngutyang ani nito. Natawa ako sa sinabi niya ganon na pala ang tingin niya ngayon?

"Hindi nga! Dahil hindi ko din naman ginustong mahalin ka!"n
nagulat siya sa sinabi ko nakatingin siya sa akin na para bang nabingi lang siya sa narinig niya.

"Ayokong mahalin ka alam mo ba yun? Pero ang hirap eh! Ang hirap-hirap mong hindi mahalin! Nakakainis kasi kahit na nagmumukha na akong desperada sa ibang tao sige parin ako ng sige!" kinagat ko ang labi ko para pigilan yung hikbing gustong kumawala.

Akala niya ba madali lang ang mahalin siya? Hindi! Nasasaktan ako! Umaasa na sana mahalin niya din ako! Napapagod din ako eh pero ayoko namang sumuko.

Tumalikod ako sa kanya at tinawagan ko ang numero ng leadline namin. Nakailang ring naman yun bago may sumagot.

"Hello, sino po sila?" boses ni Nana Selya.

"Nana Selya ako po to si Stacy. Nana pabukas na lang nung pinto ng office ni Dad." hindi kona hinintay na sumagot si Nana at binaba ko na ang tawag.

Bumaling ako sa kanya na nakatitig sa akin. "Hintayin mo na lang bubuksan na ni Nana yung pinto"walang emosyon kong sabi. Pinatatag ko ang sarili ko na para bang walang nangyaring kahit na ano.

Na parang wala akong sinabi na sa kanya. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Tahimik lang kami hanggang sa bumukas ang pintuan.

Ako ang unang lumabas ng pinto. "Nana pahatid na lang po siya sa gate. Magpapahinga na po ako." magalang kong sabi saka ako nagtungo sa kwarto ko.

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon