Stacy POVDalawang araw na simula ng bumisita ako sa mga magulang ko at dalawang araw ma din akong wala sa katinuan dahil sa nangyari. Apektadong-apektado pa rin ako ng makita ko si Laurence.
Mababaliw na din ako sa kakaisip sa kanya akala ko handa na ako pero narinig ko lang ang boses at maamo niyang mukha nababaliw na naman ako. Gusto ko siyang puntahan at sabihin na ako si Stacy.
Aaminin ko sa sarili ko na may nararamdaman pa ako sa kanya pero kung iisipin ko engage na ito ngayon kay Nicole. Mukhang masisira ang binuo kung plano sa loob ng tatlong taon.
Ipinilig ko ang ulo ko. "Hindi... hindi mawawalan ng saysay ang plano ko dahil lang sa kanya."sinabunutan ko ang sarili ko habang nakahiga sa kama. "Grrr bakit ba ayaw mong umalis sa utak ko!!"
Napabangon ako at tinitigan ng masama ang litrato ni Laurence sa laptop ko. "Ikaw! Binabaliw mo na naman ako! Bakit ba kasi nagpunta ka pa doon ha?!"sinuntok-suntok ko pa ang screen ng laptop ko dahil sa inis.
"Bwesit ka! Ginugulo mo na naman ang puso't isipan ko!"patuloy lang ako sa pagsuntok sa sceern ng laptop ko ng may kumatok sa bukas na pintuan ng kwarto ko.
"Sisirain mo na yang laptop mo kung ako sayo mismong mukha ng ex mo ang susuntukin ko."nakasandal si Kevin sa hamba ng pintuan ko habang titig na titig sa mukha ko.
"Tumahimik ka dyan kung ayaw mong ikaw ang bugbugin ko! Bakit ka ba nandito?" naiinis kong tanong sa kanya. Nagkibit balikat lang ito habang nakatingin pa rin sa akin.
"Unang-una sa lahat mag-ayos kana dahil baka nakakalimutan mo may meeting ka with the board members."napatayo ako ng wala sa oras.
"Omoo! Nakalimutan ko!" kasalanan to ng lalakong yun eh! Kung hindi ko lang siya nakita edi sana nasa katinuan ako ngayon.
Ngayong araw pa naman ang unang pagkikita namin with the board members. "Get out mag-aayos na ako." tinulak ko pa ito para masara ko ang pintuan ko.
"Napaka—" pinandilatan ko siya ng mata.
"Napaka ano ha? Sige ituloy mo!"paghahamon ko sa kanya pero napakamot lang ito sa batok.
"Napakaganda mo kako!"nandidiri nitong sabi sa akin.
"Buti alam mo." inayos ko pa ang buhok ko bago ko ibinalibag pasara ang pinto.
"Fuck! Muntikan na yung mukha ko!"sigaw nito.
"Tsee! Buti nga sayo!"balik na sigaw ko bago nagtungo sa banyo. Kalahating oras din akong nag-ayos ng sarili ko nang makuntento ay bumaba na ako bitbit ang sling bag ko.
"Ready kana ba?"makahulugan itong nakatingin sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Para namang may kakain sa akin ng buhay sa meeting."nakangiti kong sagot sa kanya.
"Tinatanong ko lang naman kung handa kana."pinagbuksan niya akong ng passenger seat.
"Bakit may hindi ba ako magugustuhan mamaya sa meeting?"taas kilay kong tanong sa kanya.
"Hmm let's see kung magugustuhan mo o hindi."may nakapaskil na ngisi sa mga labi nito.
Umiling na lang ako dahil sa inasta niya hindi na din naman ako nangulit kung ank yun dahil baka mahuli kami sa meeting.
Tumingin ako sa pambisig kong relo 8:03 am na pala ng umaga hindi ko man lang namamalayan ang oras kanina. Ito ang napapala ko dahil sa kakaisip sa lalaking yun eh.
Mabilis din naman kaming nakadating sa destinasyon namin. Huminto ang kotseng minamaneho ni Kevin sa harapan ng companya na pagmamay-ari ko.
May nagbukas ng passenger seat at inilahad ang kamay nito. "It's our pleasure to welcome you señora." anang ng lalaking naka tuxedo habang nakalahat ang kamay nito sa akin.

BINABASA MO ANG
One More Night (Under Editing)
RomanceWARNING THIS WORK IS UNEDITED YOU MAY ENCOUNTER TYPOGRAPHICAL ERROR AND WRONG GRAMMAR! Stacy Montenegro is a baddass bitch na gustong makuha ang nag iisang Laurence Santiago pero hindi niya ito makuha-kuha dahil sa may kasintahan na ito. Ano kay...