Chapter 30

1.2K 44 7
                                    

Banownas ArlynTolentino383 kyla063006 Sayraaaaa11 sunggojpeg GreenSick yelugh gandaave fordhaine _rhian_ mary-vi Alyx4nn MaxshineRin fuckinANA youngmorenalady

Stacy POV

Matagal kong pinag-isipan ang sasabihin ko kay Kevin. Ayokong maging unfair sa kanya dahil asawa niya pa din ako at legal yun. Nagpapasalamat na lang ako na sa U.S kami nagpakasal dahil may divorce doon.

Kagat-kagat ko ang kuko ko habang nakaupo sa sala. Nasa harapan ko ngayon si Kevin na inuusisa ako. Tinawag ko kasi ito dahil sinabi kung may mahalaga akong sasabihin.

"So, anong sasabihin mo sa akin?" kinuha niya ang kapeng nasa harapan niya at sumimsim ito.

Kinuha ko din ang kape ko, inimon ko yun pero napaso lang ako. "Ang initt!" nilabas ko ang dila ko dahil napaso ito. Ang tanga ko ba naman kasi hindi ko pa hinipan.

Umalis naman si Kevin pero bumalik din ito na may dala-dalang ice cube.

"Ahhh." ani niya kaya naman sinunod ko ang sinabi niya. Isinubo naman niya sa akin ang isang ice cube. "Halatang hindi mo kayang sabihin sa akin na gusto mong makipagdivorce."

Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. "Paano mo nalaman na yun ang sasabihin ko?" gulat na tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang ito, umupo ulit ito sa harapan ko. May kinuha siyang envelop sa likod niya na hindi ko napansin na nandoon.

"Alam kung sasabihin mo to dahil nagkabalikan na kayo ni Laurence." inilapag niya ang envelop sa harapan ko. "Naprimahan ko na yan, prima mo na lang ang kulang." ngumiti siya sa akin.

"Kevin." hindi ko alam kung anong dapat kung sabihin sa kanya. Alam ko din na masakit to para sa kanya pero mas pinili niya ang kapakanan ko kaysa sa sarili niya.

"Makakahanap din ako ng mamahalin ko at mamahalin ako pabalik. Kaya primahan mo na yan bago magbago ang isip ko." automatikong gumalaw ang kamay ko para pirmahan ang divorce papers.

"Paano ang media?" tanong ko sa kanya.

"Aasikasuhin ko na yun," Iwinagayway niya ang kamay niya. "Sige na umalis ka na kanina kapa hinihintay ni Laurence sa labas." napatayo ako sa sinabi niya. Papalabas na sana ako pero patakbo akong bumalik kay Kevin at niyakap ko ito ng mahigpit.

"Sana mahanap mo na ang para sayo." hinaplos naman niya ang buhok ko.

"Hmm mahahanap ko din siya sa tamang panahon." kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya, ginulo ko ang buhok niya. "Aalis na ako, uuwi pa rin ako dito hanggang sa mag propose sa akin si Laurence."

"Mabuti kung ganon akala ko iiwan mo agad ako." natawa ako sa sinabi niya.

"Magkaibigan pa rin tayo alam mo yan." hinawakan niya ang balikat ko pagkatapos ay iniharap niya ako sa pintuan, itinulak pa niya ako.

"Sige na umalis kana, wag na wag kang lilingon dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at hindi na kita hahayaan na umalis dito." napangiti ako sa sinabi niya. Kahit kailan lagi niyang iniisip ang kapakanan ko.

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon