Stacy POV
"So ano successful ba yung plano mong pang-aakit ah?!" excited na tanong ni Nathalie sa akin sa kabilang linya. Napairap naman ako ng maalala ko na halos dalawang araw akong hindi tinantanan ni Laurence dahil doon.
"Oo successful pero naloka ako ng dahil sayo alam mo ba yun?! Dahil sa suggestion mo dalawang araw niya akong hindi tinantanan take note ahh inaasar pa ako ng loko." umirap pa ako kahit na hindi ako nakikita ngayon ni Nathalie.
"Normal lang yan ano ka ba! Nga pala yung sinabi ko sayo nung isang araw. Ano pumayag ba siyang makipagkita sa akin?" ewan ko ba sa babaeng to gustong gustong makita si Kevin lalo na ng makita niya sa news na divorce na kami.
Yes kumalat na sa media na wala na kami ni Kevin pero nanatiling pribado ang dahilan ng paghihiwalay namin naikinapapasalamat ko sa kanya.
Hindi din kami dumalo sa mga tv show para lang ibigay ang mga sagot namin sa mga tanong nila. Mas mabuti na din na hindi nila malaman ang dahilan dahil kailangan ko din ng privacy sa buhay ko.
"Oo ibinigay ko na din yung number mo kaya hintayin mo na lang na siya ang tumawag sayo." bored kung sagot sa kanya.
Napalayo ko ang hawak kung cellphone ng magtitili ito dahil sa kilig.
"Ohh myy goshhh! Anong isusuot koo?! Dapat yung maganda ako, mag dredress kaya ako? Dapat light make up lang para naturall! Tatawag na kaya siya? Aayain na kaya niya ako ngayon?" napairap na lang ulit ako dahil alam kung mamaya pa siya matatapos kaya naman pinatay ko na lang ang tawag kaysa naman marinig ko ang mga kabaliwan niya.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagprima sa mga documents. Habang binabasa ko ang isang papeles ay may kumatok sa pintuan ng opisina ko.
"Come in." ani ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa binabasa ko. Bumukas naman ang pinto at sumara. Sa pag-aakalang secretary ko ang pumasok ay hindi na ako nag-abalang iangat ang ulo ko para tignan ito.
"May problema ba?" tanong ko ng hindi magsalita ang secretary ko.
"Hey you didn't even bother to look at me." naangat ko ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Laurence.
"Ohh you're here." nakangiti akong tumayo da pagkakaupo ko at nagtungo ako sa kanya para yumakap.
"Lunch na hindi ka pa ba kumakain?" tanong niya habang nakahawak sa balikat ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa bewang niya bago umiling.
"Hindi pa," tumingin ako sa wall clock sa opisina ko. "Hindi ko namalayan ang oras."
"Hindi kumain kaninang umaga kaya nag-alala ako sayo baka mapano ka. Kung wala ka ng mahalagang gagawin kakain tayo sa labas." dinampian pa niya ako ng halik sa labi.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. "Inaaya mo ba akong mag date?" nakangisi kung tanong sa kanya.
Tumikhim naman siya na parang may bumara sa lalamunan nito hindi lang yun dahil nag-iwas pa ito ng tingin sa akin na mas ikinangisi ko.
"Parang ganon na nga." nahihiya niyang sabi sa akin.
Tumaas naman ang kilay ko at nagpamewang sa harapan niya. "Ayoko nga." ani ko sa kanya. Gulat na gulat naman itong napatingin sa akin.
"Ano ulit sinabi mo? Tinanggihan mo ba ako?" hindi makapaniwalang tanong niya. Nagkunware naman ako na nag-iisip bago nakangising tumingin sa kanya.
"Oo tinanggihan kita," hinawakan ko ang balikat niya at diretsyong tumingin sa mga mata niya. "Ayoko ng lunch date lang... gusto ko magdate tayo buong maghapon." ang dating naiiritang mukha nito ay napalitan ng maaliwalas ng tingin.

BINABASA MO ANG
One More Night (Under Editing)
RomanceWARNING THIS WORK IS UNEDITED YOU MAY ENCOUNTER TYPOGRAPHICAL ERROR AND WRONG GRAMMAR! Stacy Montenegro is a baddass bitch na gustong makuha ang nag iisang Laurence Santiago pero hindi niya ito makuha-kuha dahil sa may kasintahan na ito. Ano kay...