j-anlf reybam4 PiotyBee PiotyBee leyphoe tunan2000 kyla2205 alinurtt tskopss dn_asis dentoyyy dentoyyy backandup LeahMjjp
Nicole POV
"Bakit mo ba ako pinapunta—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad ko itong sinampal sa pisnge.
"Ano to ha?!" itinapon ko sa mukha ni Lorenzo ang mga litratong ipinadala sa akin sa mismong condo ko.
"Ang lakas mo namang manakot! Baka nakakalimutan mo na pare-pareho tayong babagsak." napupuyos ako sa galit habang nakatingin sa kanya.
Pinulot naman niya ang isa sa mga litrato. "Wala akong pinapadalang ganito sayo." inilapag niya ang hawak-hawak niya at sinimulan niyang usisain lahat ng mga pictures na nakuha ko sa hindi kilalang lalaki.
"Wala kang pinapadala? Eh ano yan? Sinabi ko sa inyo na burahin niyo lahat ng mga kuha niyo per bakit may mukha ako dyan!" idinuro ko lahat ng mga litratong ipinadala sa akin.
Ang laman kasi ng litratong iyon ay pagpasok ko sa lumang builing kung saan ko itinago si Stacy. Meron ding kuha na nag-aabang ako sa labas ng building at ang panonood ko na ipasok si Stacy sa naturang building.
May kuha din kung saan ko tinutukan ng baril , sinampal at sinikmuran si Stacy. "Kung sino man ang nagpadala nito sayo sigurado ako na may balak siyang patumbahin ka." iisa lang ang pumasok sa isip ko pero malabong mangyari yun dahil ako mismo ang pumatay sa kanya.
"Alamin niyo kung sino ang nagpadala nito, alam niyo na ang dapat niyong gawin sa oras na malaman niyo kung sino ang nagpadala n'yan." kinuha ko ang sling bag ko na nakapatong sa round table.
Walang paapaalam na umalis ako sa condo ni Frenan. Paglabas na ako ng elevator ng makasalubong ko si Lorenzo na halatang nagmamadali pa.
"Nicole mag-usap tayo." hinihingal niyang ani sa akin.
"Wala akong balak makipag-usap sayo kaya pwede ba umalis ka dyan sa daraanan ko." iritado kong ani sa kanya pero imbis na umalis ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Hindi ito ang panahon para sungitan mo ako. Kailangan nating makatago bago pa dumating ang mga pulis." naguguluhan akong nagpatianod sa kanya.
"Teka pulis? Bakit sila pupunta dito?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Hindi ko alam ang buong detalye pero sinabi ng kapatid ko na pulis pupuntahan nila ngayon si Frenan dahil sa isang video clip na binubugbog nito si Stacy." nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko.
"Nalaman mo ba kung sino ang nagbigay sa mga pulis?" hinila niya ako papasok sa backseat ng kotse nito. Sakto naman na nakarinig ako ng sirena at sunod-sunod na sasakyan ng pulis ang nakita ko.
"Hindi ka matutuwa pag nalaman mo kung sino." ani nito pero hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong ko dahil nakita ko ang sasakyan ni Laurence at bumaba ito.
'Hanggang ngayon mahal niya pa rin ang babaeng yun!'
"Si Laurence Santiago ang nagpadala ng video clip na yun. Hindi ko alam kung papaano niya yun nakuha pero siya mismo ang nag bigay nun sa mga pulis"

BINABASA MO ANG
One More Night (Under Editing)
RomanceWARNING THIS WORK IS UNEDITED YOU MAY ENCOUNTER TYPOGRAPHICAL ERROR AND WRONG GRAMMAR! Stacy Montenegro is a baddass bitch na gustong makuha ang nag iisang Laurence Santiago pero hindi niya ito makuha-kuha dahil sa may kasintahan na ito. Ano kay...