Laurence POV
Natigilan ako sa sinabi niya, inaasahan ko na na siya nga si Stacy pero hindi ko aakalain na aamin siya sa akin ng ganito.
"Stacy." mahinang usal ko habang nakatingin sa kanya. "I-ikaw ba talaga yan? Hindi mo naman siguro ako binibiro d-diba?" nauutal kung anas sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napakurap ako sa biglaan niyang ginawa pero kalaunan ay tumungon din ako ng yakap sa kanya.
"Sa tingin mo hahayaan kitang halikan ako kung hindi talaga ako to?" may konting ngiting kumawala sa mga labi ko.
Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. "Hmm, hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko ngayon." napahikbi ako dahil sa pagpipigil ko na iyak.
Naramdaman ko ang kamay niyang humagod sa likod ko. "Shh nandito na ako, andito lang ako." pag-aalo niya sa akin.
Hindi ko na pinigilan ang luhang gustong kumawala sa akin. Hinayaan niya lang ako yakapin siya habang umiiyak ako. Sobrang saya ko, ngayon hindi ko na kailangan mag-isip sa gabi kung ok lang ba siya.
Kung nag iilusyon lang ako na siya nga ba ang babaeng pinakamamahal ko sa matagal ng panahon. Sobrang hirap para sa akin ang mawala siya sa buhay ko. Halos mamatay na ako ng mawala siya pero wala akong magawa.
Araw-araw at gabi-gabi kong pinagsisihan ang lahat lahat. Kung sana sa una pa lang ay sinabi ko na agad sa kanya ang nararamdaman ko at kung sana hindi ako nakilala ni Nicole edi sana masaya na kami ngayon at may pamilya na.
"I'm so sorry, pasensya na kung hindi ko ginawa ang lahat para mahanap ka. Napuno ako ng sobrang kalungkutan dahil sa nangyari, hindi ko alam ang gagawin ko ng mga araw na yun. Nang makita kitang dukutin hindi ako agad nakapag-isip. Sinubukan kitang iligtas pero nawala sila sa daan. Nangulila ako sa pagkawala mo, idagdag din na namatay ang ama mo. Sinisi ko din ang sarili ko dahil doon dahil hindi mawawala ang ama mo kung hindi ka nawala. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari—" humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin at itinapat nito ang hintuturo sa labi ko.
"Wala kang kasalanan, si Nicole ang nagpadukot sa akin kaya wala kang kasalanan." hinawakan niya ang mukha ko, umiwas ako ng pagkakatingin pero hinuli niya ang mga mata ko. "Siya ang nagpadukot sa akin, alam kong mali ang gagawin ko pero magpapakilala ako sa mga tao na ako si Stacy Montenegro, ito lang yung nakikita kong paraan para makulong si Nicole. May mga ebidensya din akong hawak para makulong siya." may butil ng luha ang tumulo sa mukha nito.
Magaan na pinahid ko ang luhang lumandas sa pisnge niya. "Shhh gagawin ko ang lahat para makulong siya. I'm so sorry hindi ko alam, pina-imbestigahan ko siya pero wala akong nakuha. Siguro masyado siyang maingat kaya walang nakuha ang inutusan ko." Sobrang gago ko dahil wala akong kaalam-alam sa mga nangyari.
Ako ang dahilan kung bakit siya nasaktan, ako ang dahilan kung bakit nasira ko ang buhay niya. Ako lahat... ako ang may kasalanan nito.
Wala sa sariling napaluhod ako sa harapan niya habang umiiyak. "I'm s-so sorry, patawarin mo ako. Ako ang may kasalanan kung bakit yun ginawa ni Nicole. A-ako lahat ang may kasalanan n-nito." lumuhod siya sa harapan ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Sabi ko naman sayo na wala kang kasalanan, alam ko na nagsisi ka at nahirapan ka din sa pagkawala ko. Alam ko na ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para hanapin ako... pero inisip ko din na sana, sana dumating ka para iligtas ako. Pero hindi ka dumating, sabi ko din sa sarili ko na gagawin kong mesirable ang buhay mo pero hindi ko yun magawa dahil mahal kita. Nang makabalik ako sinabi ko sa sarili ko na kaya ko na pero ng makita lang kita nagiba na yung pader na ginawa ko para protektahan ang sarili ko." inangat niya ang mukha ko, kita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit na ako na naman ang dahilan.

BINABASA MO ANG
One More Night (Under Editing)
RomanceWARNING THIS WORK IS UNEDITED YOU MAY ENCOUNTER TYPOGRAPHICAL ERROR AND WRONG GRAMMAR! Stacy Montenegro is a baddass bitch na gustong makuha ang nag iisang Laurence Santiago pero hindi niya ito makuha-kuha dahil sa may kasintahan na ito. Ano kay...