Epilogue

2K 44 15
                                    

Stacy POV

Life is full of surprises, hindi mo alam ang mangyayari sa kasalukuyan. May mga desisyon tayo na pinagsisisihan natin sa huli pero wala tayong mababago.

Hindi man naging maganda ang takbo ng buhay pag-ibig ko masasabi ko pa ring masaya ako ngayon. May mga pagkakamali ako na hindi ko na maitatama pero alam ko sa sarili ko na hindi ko na ulit yun gagawin pa.

May mga bagay man tayong hindi natin napipigilan o may mga bagay tayong mahirap harapin lahat tayo gumagawa ng paraan para lagpasan yun.

Siguro yun din ang naging dahilan kung bakit ako naging masaya at matatag ngayon. Maayos na ang lahat nalaman na ni Kevin na buhay ang kuya nito at may sarili ng pamilya. Habang siya naman ay kasal na din kay Nathalie.

"Masaya ako para sa inyo." ngiting bati ko sa dalawa habang nakatingin sa kanila. Nasa reception kami dito sa isang resort na pag-aari ng kuya ni Kevin. Ngayon ginanap ang kasal nila kaya napakasaya ko sa kanilang dalawa.

"Salamat masaya din kami para sa inyo ni Laurence. Hindi ako makapaniwala na kasal na kami." mangiyak-ngiyak na ani ni Nathalie kaya naman nilapitan ko ito at niyakap ng mahigpit.

"Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko kayong dalawa ni Kevin siguro kung hindi dahil sa inyong dalawa ay lugmok pa rin ako hanggang ngayon." pabiro naman akong hinampas sa balikat ni Nathalie bago natatawang kumalas sa pagkakayakap.

"Ito naman nag dra-drama yung tao eh." pinunsan pa niya ang ilalim ng mata nito.

"Ang oa mo kasi eh." bumaling naman ako kay Kevin na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin.

"Alagaan mo ang bestfriend ko ah mas higit pa sa pag-aalaga mo sa akin." tumango naman siya sa akin.

"Hmm aalagaan ko siya kagaya kung gaano ko siya kamahal kaya wag kang mag-aalala." umiling naman ako sa sinabi niya.

"Hindi naman ako nag-aalala dahil alam kung mabuti kang tao." napahawak naman ito sa dibdib niya.

"Natouch ako doon." natawa na lang kami pareho ni Nathalie dahil sa inasta ni Kevin.

"Nga pala nasaan si Laurence?" takang tanong ni Nathalie sa akin kaya napatingin naman ako sa paligid.

Nandito lang siya kanina pero hindi ko man lang namalayan na umalis pala ito. "Baka may pinuntahan lang yun." sagot ko naman kay Nathalie habang tumitingin ako sa paligid.

"Ganon nalaman niyo na ba kung anong gender ng anak niyo?" napabaling naman ako sa sinabi ni Kevin at umiling.

Hinimas ko din ang pitong buwan kung tyan. "Hindi pa eh mas gusto naming malaman pag nanganak na ako. Pero may naisip na kaming pangalan kung saka sakali." napatango-tango naman silang dalawa.

"Mabuti naman kung ganon basta yung usapanan natin ah ninong at ninang kami ni Nathalie."

"Oo naman basta lakihan niyo ang pagbigay sa anak ko ng pera." pabiro ko namang sabi sa kanila. Ilang minuto pa kaming nag-uusap hanggang sa pagpasyahan ko na hanapin si Laurence. Nagpaalam na din ako kila Nathalie na aalis na kami pag nahanap ko na si Laurence.

Inaantok na din kasi ako at makakasama din sa anak namin ang pagpupuyat ko. Madami pa ring guess ang nandito dahil puro ka businessman ang mga nandito ngayon sa kasal nila maliban sa mga relatives nila Nathalie at Kevin.

Ilang minuto pa akong naghanap ng may biglang yumakap mula sa likod ko.

"Hinahanap mo ba ako?" napaharap naman ako kay Laurence.

"Saan kaba nang galing? Kanina pa ako naghahanap sayo." pagod kung ani sa kanya. Dinampian naman niya ako ng halik sa noo bago ako igiya papalabas ng reception.

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon