Chapter 20

1.2K 43 10
                                    

Nicole POV

"Inaayos niyo ba yung trabahong pinagawa ko sa inyo?!" singhal ko sa dalawa kong tauhan na si Frenan at Lorenzo.

Hindi ako makakapayag na mawala lahat ng pinaghirapan ko dahil lang may kamuka ang pesteng Stacy na yun! Sa dinami-dami ng pwedeng maging mukha ng babaeng yun bakit mukha pa ni Stacy?!

"Boss matagal na siya patay, malabo na mabuhay pa yun dahil binaril ko siya at nahulog siya sa bangin." katwiran ni Lorenzo na sumisimsim ng alak sa kupita nito.

"Oo nga boss, malamang ay patay na talaga yun. Wala kang dapat ipag-alala dahil nadispatsya na namin si Stacy Montenegro. Isa pa wala na din tayong problema dahil pinatahimik na namin lahat ng sangkot sa plano mo."

Napahigpit ang paghawak ko sa kupita ko. Sa takot na mag sumbong ang mga lalaking inutusan ko na dukutin at halayin si Stacy ay pinapatay ko silang lahat maliban sa dalawang to na pinagkakatiwalaan ko.

"Dapat lang dahil sa oras na malaman kong si Nadine at Stacy ay iisa papatayin ko kayong dalawa." banta ko sa kanila na ikinataas naman ng dalawang kamay ni Frenan na animo'y sumusuko na.

"Easy ka lang boss baka nakakalimutan mo kami na lang ang mapagkakatiwalaan mo ngayon." nakangisi na ito ngayon habang nakamasid sa buong paligid.

Nasa isang sikay na bar club kami ngayon. Madaming nagkakasiyahan pero iba ako sa kanila. Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari ngayon dahil sa pesteng Nadine na yun.

"Ganon na ba sila magkamukha kaya ka nagkakaganyan?" nilapitan pa ako ni Lorenzo, hinawakan niya ang likod ko pababa sa bewang ko bago inilapat ang labi niya sa balikat ko. "Sinabi ko naman sayo na sa akin ka nababagay diba?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hinahayaan na kitang angkinin ako kapalit nun gawin mo lahat ng inuutos ko kaga pwede? Mag tigil-tigil ka dyan sa kahibangan mo dahil kahit kailan hindi kita magugustuhan, At oo magkamukhang-makamukha sila magdasal na lang kayo na hindi siya si Stacy dahil pare-pareho tayong babagsak sa kulungan."pinaghira

mangyayari yan kung siya talaga si Stacy uunahan ko na siyang patahimik bago pa niya tayo maikanta sa mga parak." sabat naman ni Frenan.

Umupo sa tabi ko si Lorenzo, inumpisahan niyang halik-halikan ang batok ko patungon sa leeg ko pero wala doon ang atensyon ko.

Iniisip ko ang nalaman ko kahapon nagtungon doon si Nadine at nagtagal na ito sa loob ng opisina ni Laurence. Nanginginig ako sa galit ng dahil sa nalaman ko.

Bigla bigla na lang sisipot ang isang Nadine Albro na kamukhang-kamukha ni Stacy.

'Sino kaba talaga Nadine Albro? Bakit mo ginugulo ang buhay namin na pinaghirapan ko?'

Laurence POV

Nilalaro ko ang ballpen sa kamay ko dahil hindi mawala sa isip ko si Nadine. Ang nangyari kahapon at ang halik na pinagsaluhan namin. Muntik ng may mangyari sa amin kung hindi lang may umistorbo.

Mabibiyak na din ang ulo ko sa kakaisip dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko din masisisi ang sarili ko kung gusto ko ulit may mangyari sa amin na ganon. Mas lumakas lang ang kutob ko na siya ng si Stacy dahil hinding hindi ko nakakalimutan kung gaano katamis ang mga labi niya at kung gaano ito kalambot.

Nahilot ko ang sentido ko ng sumakit iyon. Hindi kasi ako nakatulog buong magdamag gusto ko ngang wag na lang pumasok pero tambak ang mga pipirmahan ko at kailangang approbahan agad-agad.

Umiling ako ng ilang minuto bago bumalik sa pagprima ng mga papeles ng may kumatok sa pintuan ng opisina ko.

"Come in!" sigaw ko. Pumasok naman doon ang secretary ko na si Daisy.

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon