Part 1

1K 26 8
                                    

Stacy POV

Abala ang lahat sa paghahanda ngayong kaarawan ni Rae anak namin ni Laurence. Ito ang pang-apat na kaarawan niya at talaga namang pinaghandaan namin to ni Laurence. Mahalaga sa amin tong dalawa dahil mahalaga sa amin ni Laurence ito dahil ibig sabihin lang nun ay mas tatagal pa ang pagsasama namin ng anak namin..

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko dahil dati pangarap ko lang na bumuo ng isang pamilya kasama si Laurence at ngayon na nga ay natupad na. Madaming nangyari sa akin na mahirap ng kalimutan pero nandito naman ang pamilya ko para gabayan at mahalin ako.

Sana lang nakikita ako ngayon ni Daddy at Mommy hindi man nila masyadong naipakita sa akin ang pagmamahal na kailangan ko sa isang magulang alam ko na mahal nila ako ng buong-buo. Sana nasa maganda na silang kalagayan ngayon dahil ako masaya na ako kasama ang nabuo kung pamilya.

"Ano iniisip mo hmm?" nabalik ako sa realidad ng may humalik sa pisnge ko. Ipinulupot ni Laurence ang braso niya sa bewang ko habang nakatingin sa catering na kinuha namin na nag-aayos pa rin hanggang ngayon.

"Iniisip ko lang si Dad, wala kami masyadong alaala dahil lagi siyang busy. Iniiwasan niya din ako dati dahil sa kamukha ko si mommy pero naging ok din kami nung panahon na nalaman niyang buntis ako. Sinabi ko sa kanya lahat ng hinnanakit ko akala ko noong una na magagalit siya sa akin lalo pero hindi. Kaya naisip ko na bubuo tayo ng madaming alaala para sa anak natin. Ayokong maranasan niya yung naranasan nating dalawa gusto kong bigyan ng masasayang alaala ang anak natin para kahit mawala ako maaalala niya yung masasayang pagsasama natin bilang isang pamilya." isinandal ko ang likod ko sa mga bisig niya habang sinasabi ko yun.

Ipinikit ko din ang mga mata ko habang dinadama ko ang init ng katawan niya. "Gagawin natin yan Stacy, gagawa tayo ng mga alaala at hindi lang yun mamahalin natin siya ng buong-buo katulad ng pagmamahal sayo ng mga magulang mo. Ipaparamdam natin sa kanya yun walang labis walang kulang." napangiti ako sa sinabi niya dahil naiintindihan niya ako.

Humarap ako sa kanya ng hindi kumakalas sa pagkakayakap niya sa'kin. "Asaan ang anak natin?" kinawit ko ang braso ko sa leeg nito.

"Nasa kwarto pa natutulog binabantayan siya ni Nathalie, alam mo na nag-iinsayo yun para maging mommy." nakangiting sabi niya sa akin.

Tatlong buwan nang buntis si Nathalie sa anak nila ni Kevin sino ba naman mag-aakala na sila talaga ang magkakatuluyan akala ko biro lang ni Nathalie na type nito si Kevin dahil ganon naman siya. Nakailang relasyon na din ito pero walang tumagal kaya masaya din siya sa kaibigan nito dahil mabuting tao si Kevin.

"Kaya wag ka ng magselos kay Kevin dahil magkakaanak na sila." lagi kasi itong nagseselos sa tuwing pumupunta dito si Kevin dahil kinasal kami dati.

"Hindi ko mapigilan eh saka diba nga sinabi ni Kevin na pinikot lang siya ng kaibigan mo. Malay ko ba kung agawin ka pa niya sa akin baka makapatay pa ako." nahampas ko naman siya ng mahina sa balikat nito.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan saka ilang beses ko din bang sasabihin sayo na lasing si Kevin ng may mangyari sa kanila. Isa pa pinagtutulakan ko nga si Kevin kay Nathalie diba? Matagal na din naman kaming divorce ni Kevin pero takot na takot ka parin." nakangisi kung sabi sa kanya pero sumama lang ang tingin niya sa akin.

"Kahit na... naalala ko pa rin yung paghawak niya sa bewang mo lalo na yung paghalik niya sa labi mo alam mo ba kung gaano ako na trauma doon?" pilyo ko namang pinisil ang tungki ng ilong nito.

Pansin ko na habang tumatagal ay mas nagiging seloso ito lalo na kung nasa paligid si Kevin katulad na lang ngayong araw na ito.

"Sayo lang ako kaya dapat siguraduhin mong akin ka dahil kung hindi sisipain ko yang pinagmamalaki mo." pagbabanta ko sa kanya nanlalambing naman siyang yumakap sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon