Chapter 25

1.2K 42 21
                                    

Stacy POV

"We need to talk, Nadine Albro or should I say Stacy Montenegro." nanatili akong kalmado sa panlabas pero sa loob loob ko halo-halong kaba ang nararamdaman ko.

"So pati ikaw tinatawag na din akong Stacy. Now I'm starting to pissed of it." nakangiti kong ani sa kanya. Kahit na hindi ko siya sinabihan na umupo sa harapan ko ay kusa itong umupo.

"Unang kita ko pa lang sayo alam kong ikaw si Stacy. So anong binabalak mo? Nakuha mo na si Laurence at ano? Ipapapatay mo ako? Stacy kayang-kaya ulit kitang ipapatay kahit anong oras ko gugustuhin." may bahid ng pagbabantang ani niya.

Sa tingin ba niya matatakot pa ako sa mga sinabi niya? Nakipaglaban na ako kay kamatayan pero heto ako buhay na buhay.

Tumaas ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Dahan dahan ka sa pagbabanta mo baka hindi mo namamalayan nakahandusay kana pala sa sahig at naliligo sa sarili mong dugo. You know what?  Hindi ko alam kung saan nanggaling yang galit mo sa akin. Maybe dahil kamukha ko si Stacy at nasa akin ang atensyon ng fiance mo... opss ex fiance pala." kita kong mas dumilim ang mukha nito sa sinabi ko.

"Masaya ka ba? Masaya ka bang nasisira na naman ang buhay ko ng dahil sayo? Bakit ka pa ba nabuhay? Masaya na kami pero ginugulo mo ulit. I see, hanggang ngayon desperada ka pa rin." nanatiling nakapaskil sa labi ko ang mapaglarong ngiti.

Sa loob ng ilang taon pinag-aralan ko kung paano kontrolin ang emosyon ko lalo na ang galit ko. Hindi makakabuti kung ipapakita ko sa kanya ang galit dahil mas lalo lang siyang matutuwa kung ganon ang naging reaksyon ko.

"Sabi mo nga pinapatay mo si Stacy parang siguradong sigurado ka pa na patay na siya pero bakit ngayon na nasa harapan mo ako sinasabi mong ako si Stacy? Ohh baka naman may kakambal ako at siya yun, o kaya naman magkamukhang makamukha lang talaga kami. Well let's see, kung sino ang nagsasabi ng totoo." tumayo ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa likod niya. Hinaplos ko pa ang buhok nito bago pumantay sa gilid ng mukha niya.

"Walang lihim na hindi nabubunyag Nicole. Sa sinasabi mo sa akin ngayon isa kang criminal na pumapatay." idinikit ko ang pisnge ko sa pisnge niya habang nakatingin sa salamin na nakatapat sa aming dalawa. Nagkatitigan kami doon. Tinaggal ko lahat ng emosyon sa mukha ko.

"Hindi mo pa ako kilala pero ito ang sasabihin ko sayo. Kayang-kaya kitang barilin sa ulo pero mas gugustuhin ko na pahirapan ka hanggang sa mamatay ka sa sakit at pagod." hinawakan ko ang leeg niya at binaon ko doon ang mahaba kong kuko.

"Sa tingin mo matatakot ako sayo? Mas masahol pa ako sa demonyo kung kakalabanin mo ako."ani nito sa akin, kita ko sa mga mata niya ang takot na tinatago nito. Mala demonyo naman akong ngumiti dahil nanginginig ang isa niyang kamay

"Madali ka palang matakot Nicole, nanginginig ka ata sa takot." tinanggal ko ang pagkakasakal ko sa leeg niya at umayos din ako ng tayo.

"May kailangan ka pa ba? Kasi kung pagbabanta lang ang pinunta mo dito sa tingin ko hindi ka nagtagumpay na takutin ako. Sad to say mas malala ang kaya kong gawin sa mga sinabi mo. Ang patayin ako? Sige gawin mo pero sa oras na mabuhay ako kahit na magtago kapa sa pinakadulo ng buong mundo mahahanap at mahahanap kita." Ngumisi ako sa salamin kung saan doon kami nagtitigan. "Ako mismo ang magpapahirap at papatay sayo."

Tumayo siya sa kinauupuan niya at hinarap ako. "Pinagbabantaan mo ba ako?!" galit niyang sigaw sa akin.

Nagkibit balikat ako. "Hindi yun pagbabanta Nicole. Sinasabi ko lang ang gagawin ko sayo." nang-gigigil na inangat niya ang kamay niya para sampalin sana ako pero agad ko yun sinangga at sinampal ko siya sa magkabilang pisnge.

"Nakakaawa ka Nicole yung ex-fiance mo baliw na baliw sa akin habang ikaw nandito at pinagbabantaan ang buhay ko. Let me guess pinapatay mo si Stacy para mapasayo si Laurence? So sino ang mas desperada ngayon?" tinitigan ko siya ng masama. "Ready yourself, Nicole. I will destroy every piece of you. Lalong lalo na ang pinakaiingat-ingatan mo."

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon