Stacy POVBumabagabag pa rin sa loob ko ang sinabi ni Laurence sa banyo kanina hindi na din ako makapag-isip ng maayos dahil doon.
Lalo na ang paghalik niya sa akin ng walang permiso. Alam naman niyang may asawa na ako pero bakit niya yun ginawa? Naghihinala din siya na ako talaga si Stacy pero bakit? Sinigurado naman namin na walang makakaalam na ako nga si Stacy.
Abala ako sa pag liligpit ng hapagkainan ng tawagin ako ni Kevin na titig na titig pala sa akin.
"Ok ka lang ba? Kanina kapa walang imik dyan mula ng makabalik tayp galing restaurant." nag-aalala nitong tanong sa akin.
"Naguguluhan kasi ako Kevin sinugurado naman natin na walang makakaalam na ako si Stacy pero si Laurence nag hihinala na ako si Stacy." naalarma naman siya sa sinabi ko.
"Bakit? Anong ginawa niya sayo?" nag-aalinlangan pa ako kung sasabihin ko ba o hindi pero gusto ko din naman na may makaalam ng nangyari sa pagitan namin ni Laurence.
"Kasi kanina nang mag banyo ako papalabas na ako ng hilain niya ako pabalik sa loob, tapos..." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Taposs?" yumuko ako nakatingin ako ngayon sa mga platong nagamit namin.
"Tapos h-hinalikan niya ako, sinabi niya din na sa oras na mapatunayan niyang ako si Stacy maghanda daw ako." napaitlad naman ako sa gulat ng hampasin niya ang lamesa.
"Hinalikan ka niya?! Magbabayad sa akin yung lalaking yun! Ang lakas ng loob niyang halikan ka at talagang binantaan ka pa ng lalaking yun! Hindi niya alam ang nangyari sayo pero kung maka-akto siya parang hinanap ka niya!"
"Wag mo nang alalahanin yun ok lang ako." tinapik ko siya sa balikat. Tinapos ko na din ang pag-liligpit sa mga pinagkainan namin.
"Ok ka lang ba talaga? Alam mo naman na nandito lang kami para sayo Nadine." tinapik ko ang balikat niya.
"Maglalakad lakad muna ako sa park tawagan mo na lang si Joy alam ko na mimiss kana nun."
"Gusto mo bang samahan kita?" umiling ako sa sinabi niya.
"Hindi kaya ko naman na ang sarili ko Kevin, sigee alis na ako ahh." paalam ko sa kanya.
Kumuha lang ako ng jacket sa kwarto ko bago ako umalis. Gusto ko munang malakad-lakad para makapag-isip ako ng matino.
Malaki na ang narating ko ngayon at hindi ko hahayaan na mawala ang lahat ng yun dahil lang sa naapektuhan ako kay Laurence.
Kahit na malaman niya na ako si Stacy hindi na ako babalik sa kanya. Napakadumi ko na! Madami ng lalaki ang nakagalaw sa akin at hindi ko maatim na angkinin ako ni Laurence lalo na may iba ng nakagalaw sa akin.
Natatakot din ako na sa oras na malaman niyang may nakagalaw na sa akin at hindi lang iisa ay baka ipagtabuyan niya pa ako. Tumigil ako sa paglalakad, tumingala ako sa langit na puno ng mga bituin sa langit.
"Bakit ba naging magulo ang buhay ko? Ayaw niyo ba akong maging masaya? Kinuha niyo na ang anak ko wala ma ding natitira sa akin. Kinuha niyo na ang lahat-lahat ang pamilya ko pati na rin ang dignidad ko sa sarili ko." mapait akong napangiti bago nagpatuloy sa paglalakad.
Totoo nga ang sabi sabi ng iba napakaunfair ng mundo pati na rin ang mga taong nakapaligid sa akin. Wala naman akong ginawang masama pero patuloy akong hinihila pababa.
Napapagod na ako sa ganitong sitwasyon pero gusto ko ng hustisya hindi lang para sa sarili ko kung hindi para na rin sa anak ko. Nasira ang buhay ko ng dahil sa kanila.
Kumuyom ang kamao ko ng maalala ko kung paano ako pinadukot at pinanood ni Nicole na gahasain ng mga tauhan niya.
Kahit kailan hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
One More Night (Under Editing)
RomansaWARNING THIS WORK IS UNEDITED YOU MAY ENCOUNTER TYPOGRAPHICAL ERROR AND WRONG GRAMMAR! Stacy Montenegro is a baddass bitch na gustong makuha ang nag iisang Laurence Santiago pero hindi niya ito makuha-kuha dahil sa may kasintahan na ito. Ano kay...