Chapter 11

1.5K 70 13
                                    


Stacy POV

"There you go." Inabot sa akin ni Laurence ang slice apple na may sawsawan ng suka.

"Thank you."inilapag ko sa glass table ang tray na naglalaman ng apple at suka. Nakaupo ako ngayon sa sahig dito sa sala habang nanonood ng horror.

Hindi naman ako natatakot sa horror isa pa mas gusto ko tong panoorin kaysa sa mga romance na puro pakilig ang alam sa buhay.

"Bakit gustong-gusto mo ang horror? Why settle action or romance?"umupo ito sa sofa at nasa likod ko ito ngayon habang ang dalawa niyang paa ay nasa magkabilang gilid ko.

"Hmm siguro na mana ko kay mommy ang pakahilig ko sa horror sabi ni Nana mahilig daw si mommy sa horror at yun daw ang lagi niyang pinapanood nung pinagbubuntis pa lang niya ako."kwento ko sa kanya. Ngayon ko lang ulit na miss ang mommy ko nangungulila ako sa pagmamahal ng isang ina pero pinupuna naman iyon ni Nana kaya nagpapasalamat ako dahil hindi pinaramdam sa akin ni Nana na wala akong ina.

"Hmm na mana mo nga."naramdaman ko na hinahaplos niya ang buhok ko. Napangiti ako sa ginawa niya.

Sa loob ng dalawang linggo na pagninirahan niya dito sa bahay namin ay mas lalo pa itong nagiging maalaga sa akin.

Hindi niya hinahayaan na mapagod ako sa mga school projects kaya kahit na pagod ito ay siya mismo gumagawa ng mga projects ko. Ayoko din naman na iasa sa kanya ang lahat kaya kapag may free time ako sa school ginagawa ko agad ang homework ko. Ito na din naman ang last semester at graduation na namin.

"Pansin ko lang lagi mong hinahaplos ang buhok ko."umangat konti ang ulo ko para tignan siya.

"Hmm mas gusto ko tong gawin sayo kaysa halikan ka sa labi. Mamaya mahuli pa tayo ng papa mo at makatay niya ako ng wala sa oras. Natatawa pa siya sa sariling sinabi nito.

Napakunot tuloy ang noo ko."Ano naman ngayon kung makita ni Dad? Sinabi mo naman na papakasalan mo ako. Yun lang kung magbabago ang isip m—"napakurap ako dahil hinalikan niya ako ng mabilis sa labi habang nakatingala ang ulo ko sa kanya.

"Hindi magbabago ang isip ko tandaan mo yan."napapikit ako ng halikan niya ako sa noo.

Sa unang pagkakataon ngayon ko lang naramdaman na gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. Kahit mahigit dalawang linggo na ng sabihin niya sa akin na mahal niya ako hindi ko pa rin magawang maniwala. Pero ngayon unti-unti ng napoproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

Sa bawat araw na nagdadaan at kasama ko si Laurence sobrang saya ko dahil itl yung pinapangarap ko na natupad na ngayon. Alam ko na hindi ako perpektong babae para sa kanya pero mamahalin ko siya hanggang sa makakaya ko.

"Sabi mo yan ahh panghahawakan ko yung sinabi mo."masuyo naman niya akong hinalikan sa noo.

"Wag kang mag-alala ikaw ang babaeng ihaharap ko sa altar... Halika nga dito."hinila niya ako paupo sa mga hita niya.

Nakapulupot na ngayon sa bewang ko ang mga braso niya habang nararamdaman ko na hinalik-halikan niya ang balikat ko bago ipatong ang baba niya sa balikat ko.

"Dapat lang dahil kapag hindi akk ang babaeng papakasalan mo swear guguluhin ko ang ceremonya ng kasal niyo."mahina itong natawa sa sinabi ko at mas humigpit ang yakap niya sa bewang ko.

"Paano yan ikaw lang ang gusto kong pakasalan sa tanan ng buhay ko."

"Wag mo akong subukang pakiligin."nang-iinit na ang mukha ko sa sinabi niya. Nakakainis dahil kahit ano atang sabihin ng lalaking to eh kikiligin ako.

"Hindi naman kita pinapakilig ah, sinasabi ko lang yung totoo."tumingin ako sa kanya at dinampian ko ito ng halik sa pisnge.

"Oo na basta wag ka ng maging sweet hindi bagay sayo. Mas sanay ako na pinagtatabuyan mo ako palayo." nakita ko kung paanl nagbago ang eskpersyon niya sa mukha.

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon