Stacy POV
Natulak ko siya papalayo ng maramdaman ko ang kamay nito sa bewang ko. Anong ginawa ko?! Tumugon ako sa halik niya!
"Aalis na ako." nagmamadali akong umalis sa kinaroroonan namin ng habulin niya ako at pinandig ako sa poste ng kuryente.
"Aalis ka? Sana tinulak mo na lang ako kaysa tinungon ang halik ko." tinatagan ko ang loob ko hindi pwedeng mawala ang mga pinaghirapan ko.
Pero sa tuwing kaharap ko siya hindi ko macontrol ang sarili ko! Ano bang mali sa akin? Alam ko naman na may nararamdaman ako sa kanya pero sobra na to!
"Laurence hindi ako nakikipaglaruan dito, so please tigilan mo na ang pang gugulo sa buhay ko. Kasal ako at ikakasal kana hindi ba yun malinaw sayo?" nag bago ang ekspersyon ng mukha niya. Nakatiim baga na ito at malalim itong nakatingin sa akin.
"Bakit ka nagpakasal sa lalaking yun?" hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Pero nagpupumiglas ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.
"Simpre mahal ko siya kaya ko siya pinakasalan!" mas higpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko dahil para masaktan ako. "Ano ba! Nasasaktan ako!"
"Akin ka lang! Akin ka lang Stacy... ako lang dapat ang mahalin mo!" takot ang lumukob sa buong sistema ko.
Naalala ko kung paano ako sinaktan at hinawakan sa balikat at braso ko para lang magawa nila ang mga gusto nilang gawin sa akin.
"Bitawan mo ako! Ayokoo... pleasee bitawan mo akoo!" nagpupumiglas ako sa takot pero hindi niya ako pinakawalan.
Mas dumagdag pa sa takot ko ang pag hapit niya sa bewang ko para mayakap niya ako.
"Shhh hindi kita sasaktan, I'm sorry kung natakot kita baby girl." naramdaman ko na hinalikan niya ako sa noo pero hindi mabawasan ang takot na nararamdaman ko.
Binaboy nila ako ng paulit-ulit! Hindi sila napagod kakaangkin ng katawan ko. Ang dumi-dumi kong babae!
"B-bitawan m-mo a-koo p-pleasee, a-yoko na pagod na p-pagod na a-akoo." sa panahon na kailangan ko siya wala siya. Sa panahon na naghihirap ako wala din siya.
Sa panahon na ang dusa at umiyak ako ng paulit-ulit wala siya.Nawalan ako ng pag-asa ng mawala ang anak at ama ko. Gumuho ang mundo ko dahil sa babaeng papakasalan niya ngayon. Bakit kung kailan meron na akong kapangyarihan para pagdusahin ang mga gumawa sa akin ng ganito hindi ko naman magawang gumalaw.
"Look at me Stacy."humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa akin pero hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sa takot sa kung anong pwede niyang gawin sa akin. "Please look at me... I love youu, alam ko na ikaw yan so please bumalik kana sa akin. Nahihirapan na ako, sobra na akong mahihirapan sa mga nangyayari, so please be with me again." kita ko ang paghihirap at pangungulila sa mga mata niya.
Doon ako nakakuha ng pagkakataon na kumawala sa pagkakahawak niya sa balikat ko. "Hindi ko alam kung anong problema mo. Lagi mo na lang sinasabi na ako si Stacy! Pwes para sabihin ko sayo hindi ako yun, kung ano man ang meron kayo ng babaeng yun wag mo akong idadamay. Kasal ako at ang pangalan ko Nadine Albro kung hindi mo pa yun makuha magpatingin kana sa doctor! Sa oras na may ginawa ka na naman na masama sa akin sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan!"
Nagmamadali akong naglakad papaalis sa kinaroroonan namin pero hinabol niya pa rin ako.
"Ano bang problema mo? Bakit mo kinakaila na hindi ikaw si Stacy? Kilala ng puso ko kung sino ang nagmamay-ari nito!" kinuha niya ang kamay ko at dinala iyon sa dibdib niya.
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya na ikinakaba ko. Hindi pa rin nawawala ang takot ko pero nagagawa ko namang labanan. Sa panahon na ganito nasanay ako na labanan ang takot ko.
Dahil walang magagawa ang takot ko sa sitwasyon na ganito. Hindi ako maliligtas ng takot ko kagaya dati. Naging mahina ako, wala akong gawa o ginawa para makatakas.
"Dahil hindi ako yun, yan ang isik-sik mo sa kukote mo!" binawi ko ang kamay ko sa kanya.
Ngayon nasisisi ako na umalis pa ako sa bahay. Sana... sana lang talaga hindi na lang ako lumabas. Edi sana hindi nangyari to.
Naglakad na ako papaalis pero natigilan ako ng yakapin niya ako ng mahigpit mula sa likod.
"Gusto ko lang malaman mo na hinanap kita. Halos mabaliw ako sa kakahanap sayo-"
"Walanghiya kaa!" napalingon ako sa likod ko at nakita kong hawak-hawak na sa kwelyo ni Kevin si Laurence, putok na din ang kanang bahagi ng labi ni Laurence.
"Anong karapatan mo para yakapin ang asawa ko?!" nangangalit na sa galit si Kevin habang hawak hawak pa rin sa kwelyo si Laurence.
"Anong karapatan ko? Madami dahil ako ang mahal niya. Siguro naman sapat na yun na dahilan para yakapin ko siya." Binigyan na naman ng isang suntok ni Kevin sa kaliwang mukha nito dahilan para matumba si Laurence.
Akmang susuntukin niya ulit ito ng yumakap ako sa likod niya. "Please umuwi na tayo..." mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. "Natatakot ako Kevin."
Sa isang iglap ay buhat buhat na ako ni Kevin papaalis sa kinaroroonan ni Laurence. Napalingon naman ako sa pwesto ni Laurence na ngayon ay nakaupo parin sa mismong pinagbagsakan nito kanina.
Masama itong nakatingin sa gawi namin pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang selos na nakapaskil sa mukha niya.
Yumakap ako sa leeg ni Kevin, sinubsob ko doon ang mukha ko. "Salamat dahil hinanap mo ako." mahinang anas ko sa kanya bago ako mawalan ng malay.
NAGISING ako sa madilim na kwarto nakagapos din ang mga kamay at paa ko. Lumukob ang takot sa buong sistema ko.
"Nasaan ako?! Tulonggg may nakakarinig ba sa akinn? Tulungannn niyoo akoo." kahit na anong sigaw ko ay wala pa rin.
"Pleaseee tulungan niyo akooo." pagmamakaawa ko. Napatingin ako sa katawan ko. Puno ng galos ang buong katawan ko pero nakatuon ang mata ko sa salamin kung saan kitang kita ko ang hubo't hubad kung katawan.
"Hindiiiii! Pakawalann niyo ako ditoo!" pinilit kong tanggalin ang pagkakagapos ng lubid sa kamay ko pero walang nangyari. Napatingin ako sa hita ko ng maramdaman ko ang mainit na likido na dumadaloy doon.
Dugo...
"Ang anak koo! Hindi pleasee wag ang anak ko. Pleasee iligtas niyo anga anak koo." sigaw ko pero walang nakakarinig sa akin. Bumukas ang pintuan.
Mala-demonyong nakangiti si Nicole habang nakikita ang kalagayan ko. "Wala na ang anak mo kaya pwede na kitang patayin. Pero baka sabihin mong masama akong tao kaya papasayahin na muna kita sa nalalabi mong araw." binuksan niya ang pintuan, pumasok doon ang mga tauhan niya.
"Tamaa naa ayokoo naa!"
"NADINEE! NADINEE GUMISING KAA!" napabaligwas ako ng bangon.
Panaginip, panaginip lang ang lahat pero parang totoo. Sariwa pa rin sa memorya ko ang lahat lahat. Mula sa pandudukot nila sa akin hanggang sa mawala ang anak ko at pambabayo nila sa akin pati na rin ang pagbaril sa akin dahilan para mahulog ako sa bangin.
"Kevinn!" niyakap ko siya ng mahigpit pagod na akong umiyak pero traydor ang mga luha ko na ngayon ay dumadaosdos na pababa. "Gusto ko ng hustisya pero wala pa akong nagagawa para makamit ko ang hustisya na gusto ko. Ang h-hirapp," pumiyok ako parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko.
Hinagod naman ni Kevin ang likod ko. "Shhh nandito lang ako, gagabayan kita sa lahat ng desisyon mo." naramdam ko ang paghalik niya sa noo ko.
"Sa tingin mo ba kaya kong makamit ang hustisya na gusto ko? Ngayon pa lang na hindi pa ako gumagawa ng aksyon nahihirapan na ako. Paano pa kaya kung may ginawa na ako? Ngayon nahihirapan na ako paano pa sa susunod ng mga araw?"
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin, hinaplos niya ang mukha ko at binigyan ako ng magaan na ngiti.
"Maniwala ka sa akin makakamit mo ang hustisya na gusto mo. Kung hindi mo kayang gawin nandito naman ako para gumawa nun. Nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para makamit mo ang hustisya na gusto ko.
BINABASA MO ANG
One More Night (Under Editing)
RomanceWARNING THIS WORK IS UNEDITED YOU MAY ENCOUNTER TYPOGRAPHICAL ERROR AND WRONG GRAMMAR! Stacy Montenegro is a baddass bitch na gustong makuha ang nag iisang Laurence Santiago pero hindi niya ito makuha-kuha dahil sa may kasintahan na ito. Ano kay...