Chapter 6

1.6K 63 6
                                    

                   dedicated to pedro_zeke

Stacy POV

Halos isang buwan na din ang nakakaraan nang may mangyari sa amin ni Laurence.

"What? Nababaliw kana talaga Stacy! Bakit ka nakipag sex sa lalaking yun! Ano ngayon ha iiyak-iyak ka sa harap ko?!"patuloy lang ako sa pag-iyak alam ko naman na mali ako eh na ang tanga-tanga ko.

Ngayon ko lang na kwento kay Stacy ang nangyari sa amin dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya na may nangyari sa aming dalawa.

"Mahal ko eh, akala ko pag binigay ko yung sarili ko sa kanya magiging ok na ang lahat na mamahalin na niya ako pero nagkamali ako Nathalie"umiiyak kong sabi. Pero simpre tanga ako at lahat ng akala ko napupunta sa wala.

"Please Stacy... stop hurting yourself more. I don't want to see you hurting like this! Your my bestfriend and I want you to be happy."pinunasan niya ang luha ko at hinaplos ang mga pisnge ko.

"I know and I hate myself for being like this Nathalie."niyakap niya ako ng mahigpit at ganon din ako.

"Diba may offer ang dad mo na mag aral ka sa Spain? You can take it Stacy para naman malayo ka dito sa mga nagpapaalala sa kanya."kumalas ako sa pagkakayakap. Pag pumunta ako sa Spain sigurado ako na taon bago ulit ako makabalik dito sa pilipinas.

"Paano ka? I mean maiiwan ka Nathalie."She's my bestfriend at kung sakaling pupunta ako sa Spain maiiwan siya at ngayon lang kami magkakahiwalay ng ganon katagal.

"I'm fine Stacy... I can visit you  twice a year. Alam mo naman na hindi ko kayang nakikita sa personal ang bestfriend ko. Basta wag mo akong ipagpapalit doon ah masasabunutan talaga kita" natawa ako dahil sa sinabi niya kahit paano ay gumaan ang loob ko. I'm lucky to have her in my life.

"Akala mo naman may makakatiis ng pag-uugali ko eh. Ikaw lang nakakatiis sa akin"

"Yeah... yeah whatever, Stacy." sumeryoso ang mukha nito."Ok lang ako Stacy sa ngayon isipin mo muna ang sarili mo."tumango ako sinabi niya.

"Pero gusto munang mag stay dito Nathalie kahit isang buwan lang."wala naman sigurong masama kung magstay pa ako dito ng isang buwan lang diba?

At sa loob ng isang buwan na yun sisiguraduhin ko na masisira ko ang relasyon nilang dalawa. Hindi ako papayag na buhay ko lang ang masira nang dahil sa lalaking yun.

"Mamaya kapag nag stay ka dito magbago na naman yang isip mo. Kilala kita Stacy habang nakikita mo si Laurence magbabago at magbabago ang desisyon mo."tama yung sinabi niya pero buo na ang desisyon ko na dito muna ako mananaliti sa loob ng isang buwan bago ako umalis sa bansang kinalakihan ko.

"Nathalie isang buwan lang gusto ko munang makasiguro na masisira ko ang relasyon nila bago ako umalis dito."ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. Kita ko sa mga mata niya na naaawa na ito sa kalagayan ko. Alam ko na bakas pa ang luha sa mukha ko at ang pamamaga ng mata ko pero wala akong pakialam.

"Siguraduhin mo lang na masisira mo ok? Para naman makabawi ka sa lahat ng sakit na pinadanas ng lalaking yun."napangisi ako at tumingin ako sa kanya.

"Samahan mo ako may pupuntahan tayo."inayos ko ang sarili ko.

"Ha? Saan tayo pupunta?"tanong niya akin. Ngumisi ako sa kanya at tinaasan ko ang kilay ko.

"Saan pa edi para umpisahan nang sirain ang relasyon nila."napapalakpak naman siya.

"Ayan ganyan nga ang kaibigan ko. Mag-ayos ka ng bonggang bongga."tinulungan niya akong mag-ayos ng sarili ko. Simpleng make-up lang ang nilagay ko sa mukha ko pero kinapalan ko ang red lipstick na nilagay ko sa labi ko.

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon