Laurence POV
"Tigilan mo na ako Nicole!" mariin kong ani sa kanya. Pumunta ito ngayon sa opisina ko para makipagbalikan sa akin. Pero kahit anong gawin niyang pagmamakaawa hinding hindi na ako babalik sa kanya.
Ngayon pa na nahanap ko na si Stacy? Hindi ko na papakawalan ang babaeng mahal ko madami na akong pagkakamali na nagawa at hindi na yun mauulit pa.
"Hindi... alam nating pareho na naguguluhan ka lang sa mga nangyayari ngayon. Pero ako talaga ang mahal mo hindi siya." hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko.
"Ako lang ang para sayo Laurence... ako lang dapat ang para sayo." hinawakan ko ang braso niya at sapilitan ko siyang inilayo sa akin. Naririndi na ako sa kanya pero hindi ko siya magawang saktan dahil babae pa rin siya.
"Nababaliw ka na Nicole, alam mong hindi kita minahal. Sinabi ko naman sayo na makakahanap ka din ng magmamahal sayo ng totoo." napupuno na ako pero iniisip ko pa rin ang kalagayan niya kahit papaano nag-aalala ako sa kalagayan na meron siya kaya nakulong ako ng ilang taon dahil sa kabaliwan niya.
Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko pero sobra na tong ginagawa niya. Mas mabuti na to kasya ako naman ang magpatuloy na masaktan ng husto.
"Ano bang kulang sa akin Laurence? Ginawa ko naman lahat ah pero bakit mo to ginagawa sa akin? Hindi ba sapat ang pagmamahal ko sayo? Hindi pa ba ako sapat para sayo?" umiling ako, hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tumitig ako sa kanya ng diretsyo at walang pag aalinlangan.
"Hindi mo na iintindihan... Hindi ka magiging sapat sa akin dahil hindi ikaw ang mahal ko. Totoo nga't naging mahina ako pero dahil yun sayo Nicole. Naging duwag ako ng dahil sayo, hindi ko nagawang umamin dahil sayo. Nag-aalala ako sa kalagayan mo hanggang sa makalimutan ko ng maging masaya para sa sarili ko." may tumulong luha sa mga mata niya kaya pinahid ko ito gamit ang hinlalaki ko.
"Kung talagang mahal mo ako papakawalan mo ako at hahayaan mo akong maging masaya. Gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko, Si Stacy ang mahal ko, Nicole. Sana naman maintindihan mo din ako dahil sa loob ng maraming taon ikaw na lang ang lagi kung iniisip. Paano naman ako? Sa tingin mo ba magiging masaya ako sayo?"
Desperada itong tumango sa akin. "Oo, magiging masaya ka sa akin kung mawawala ang babaeng yun! Magiging akin ka ulit sa oras na mawala ang babaeng kinababaliwan mo ngayon. Tandaan mo to Laurence akin ka lang at walang mag mamay-ari sayo bukod sa akin!" pinalis niya ang pagkakahawak ko sa balikat niya.
Napahilot na lang ako sa sentido. 'Anong gagawin ko kay Nicole? Baka saktan niya si Stacy.'
Stacy POV
"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Akala namin patay ka na." ani ko sa kuya ni Kevin na ngayon ay nasa harapan ko at kausap ko ngayon.
"Hindi niyo pwedeng malaman na buhay ako dahil pwedeng mapahamak si Kevin ng dahil sa akin. Ginawa ko din yun para makakuha ng ebidensya para makulong si Nicole." may inilapag itong envelop.
"Nag lalaman yan ng mga litrato kung saan binubugbog ka ni Nicole. May flash drive din dyan kung saan naglalaman ng mga illegal transaction na ginagawa ni Nicole pati na rin ang video kung saan binubugbog ka. Sa video na yun nakita kung paano ka sinampal ni Nicole." paliwanag nito sa akin.
Kinuha ko ang envelop at tinignan ko ang mga laman na yun. Sapat na itong ebidensya para makulong siya.
"Salamat para dito," inangat ko ang envelop na hawak ko. "Pero hindi ka ba magpapakita kay Kevin? Nagsisisi din siya dahil sa nangyari sayo. Akala namin patay kana talaga mas mabuti siguro na magpakita ka kay Kevin." umiling ito sa akin.

BINABASA MO ANG
One More Night (Under Editing)
RomanceWARNING THIS WORK IS UNEDITED YOU MAY ENCOUNTER TYPOGRAPHICAL ERROR AND WRONG GRAMMAR! Stacy Montenegro is a baddass bitch na gustong makuha ang nag iisang Laurence Santiago pero hindi niya ito makuha-kuha dahil sa may kasintahan na ito. Ano kay...