Stacy POV
Sa loob ng tatlong buwan na magkasama kami ni Laurence masasabi kung masaya kami pero may kulang eh. Kahit na gaanon kami kasaya may kulang pa rin o feeling ko lang ba yun?
Malalim akong napabuntong hininga habang nakatingin sa papalubog na araw. Nasa balkonahe ako dahil gusto ko munang mapag-isip isip. Hindi ko din pinapansin si Laurence buong maghapon dahil kahit hindi niya sabihin alam kung gusto na niyang magkababy kami.
Gusto kung sabihan si Nathalie sa problema ko pero may problema din ito ngayon kaya mas minabuti ko na lang na wag munang sabihin.
Malalim ulit akong napabuntong hininga ng may maramdaman akong yumakap mula sa likod ko. Hindi ko na inabala ang sarili ko na tignan si Laurence mula sa likod ko.
"Kanina ka pa napapabuntong hininga, hindi mo din ako pinapansin may problema ka ba?" ipinatong niya ang baba nito sa balikat ko.
Umiling naman ako at nanatiling nakatingin sa papalubog ng araw. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
"Please ayoko ng nagkakaganito ka. Binigyan na kita ng oras para makapag-isip pero hindi ko hahayaan na lumipas ang araw na hindi mo ako pinapansin." ramdam ko sa boses niya ang lungkot doon kaya kumalas ako sa pagkakayakap niya at humarap sa kanya.
"Gusto mo bang magka-anak tayo?" tanong ko sa kanya. Kita ko na nagbago ang eskpersyon niya dahil sa sinabi ko.
"Simpre gusto kung mag kaanak tayo, sino ba ang hindi gustong maging magulang diba?" mapait akong napangiti dahil sa sinabi niya.
"Baka hindi kita mabigyan ng anak. Alam mong masilan akong magbuntis at na kunan ako. Mahihirapan na akong magbuntis baka hindi na kita mabigyan ng anak." may tumulong luha sa mga mata ko pero agad niya yung pinahid gamit ang kamay nito.
"Pwede naman tayong mag adopt eh. Shhhh tahan na." hinalikan niya ang noo ko, yumakap naman ako sa kanya ng mahigpit.
Kahit ako gusto kung maranasan na magkaroon ng anak. Gusto ko ulit mabuntis pero sa loob ng tatlong buwan na pagsasama namin wala pa rin kaming nabubuo.
Kumunsulta na din kami sa doctor at sinabi niyang malabo na akong mabuntis pero sinabihan niya kami na magdasal dahil may mga milagro naman daw na nangyayari. Masakit para sa akin ang marinig yun pero hindi ko pinahalata kay Laurence na apektado ako dahil alam kung masasaktan siya pag nakita niya ako sa ganong lagay.
Ang mas malala ng magpunta kami sa park kahapon at nakita ko siyang malungkot na nakatingin sa batang nadapa na tinulungan nito. Yung ngiting pinakita niya sa bata hindi ko pa yun nakikita sa tanan ng buhay ko, inalo niya ito hanggang sa mahanap ang mga magulang ng bata.
"I'm sorry... I'm really s-sorry." pumiyok ako at hindi ko napigilan mapahagulgol.
"It's ok baby, please I hate seeing you like this." hihiwalay sana siya sa pagkakayakap sa akin pero hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
"No please, I want to stay like this." pakiusap ko sa kanya. Nang sabihin ko yun ay hinaplos na lang niya ang buhok ko at hinalikan ng ilang beses ang tuktok ng ulo ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto na kami sa ganong lagay at patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako kakaiyak.
NAGISING ako sa mahihinang haplos sa pisnge ko. Dahan dahan kung iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Laurence na nakangiti sa akin.
"Good morning baby, kakain na tayo." bati nito.
Bumangon naman ako sa pagkakahinga at walang sabi-sabing pumasok sa banyo. Hindi ko pa siya kayang harapin. Alam kung mali ang sisisihin ko ang sarili ko dahil malabo na akong mabuntis pero hindi ko mapigilan.
BINABASA MO ANG
One More Night (Under Editing)
RomanceWARNING THIS WORK IS UNEDITED YOU MAY ENCOUNTER TYPOGRAPHICAL ERROR AND WRONG GRAMMAR! Stacy Montenegro is a baddass bitch na gustong makuha ang nag iisang Laurence Santiago pero hindi niya ito makuha-kuha dahil sa may kasintahan na ito. Ano kay...