Chapter 12

1.5K 57 19
                                    

justletthemwonder verdaderonickoll Gwyneth_Jhersey prinzileto estristanonymous MeganChinita wildcath21 OOSEUM A_Uno1carrey022
Purpleluvbwi
jsishshshsb
Stacy POV

"Baby boy!! I'm glad you're here!"yumakap ako sa leeg nito bago halikan sa labi. Bumaling naman ako kay Nicole na nakangising nakatingin sa  kanya na hindi makapaniwala sa nakikita niya.

"Seriously Laurence? Pinagpalit mo ako sa babaeng to?" nangangalit nitong sigaw kay Laurence na kalmadong naka-akbay sa akin.

"Bakit? Hindi naman siguro yun nakakapagtaka diba? Hindi naman sa panlalait pero sa ugali mong pakitang tao lang nakakasawa. Besides sa ating dalawa ikaw lang naman ang mas desperada."

"Really ako pa talaga?"mapakla siyang tumawa habang nakatingin sa amin ni Laurence. "Eh ikaw nga tong nang-agaw ng boyfriend eh. Kung hindi ka ba naman pokpok na babae."

"Tapos na tayo Nicole, Si Stacy ang mahal ko at hind ikaw. So please leave us alone!"madiin na sabi ni Laurence.

"Ano bang nakita mo dyan sa babaeng yan na wala ako?!"dinuro pa niya ako pero  binaba yun ni Laurence at tinago niya ako sa likod niya.

Palihim ako na ngumiti dahik pinoprotektahan niya ako sa babaeng to! Kinikilig ako sa nangyayari pero ipinilig ko iyon sa isip ko.

"Wag na wag mong iduduro si Stacy ng ganyan dahil ako ang makakalaban mo. Anong meron si Stacy na wala ka? Marami Nicole... marami, kaya tanungin mo yang sarili mo. Kahit kailan naman hindi kita minahal alam mo yan!"

Umalis ako sa likod ni Laurence, nilapitan ko si Nicole na nanlilisik ang mga mata sa galit. "Yung sinasabihan mo ng pokpok ngayon. Ako ang pupokpok sa utak mong mapurol alam mo kung bakit? Dahil isa kang baliw na babae! Sa tingin mo ba masaya sayo si Laurence? Para sabihin ko sayo kahit kailan hindi siya mapapasayo ulit! Ako ang mahal niya kaya tangapin mo na lang na ako talaga ang nag mamay-ari kay Laurence!"malakas ko siyang sinampal sa magkabilang pisnge.

Bago pa siya makabawi sa pagkabigla ay nahila ko na si Laurence paalis. Nangigigil ako sa galit ang lakas niyang sabihan ako ng pokpok sa harap ng maraming tao.

Kung hindi lang ako buntis nasisigurado ko na hindi lang sampal ang mapapatikim ko sa kanya. Bumibigat na din ang panghinga ko dahil kinakalma ko ang sarili ko ng hilain ako ni Laurence paliko sa pasilyo papunta sa mini park dito sa school.

Pinaupo niya ako sa isang beach habang hawak-hawak pa rin nito ang balikat ko. "Look at me baby!"utos niya pero nanatili akong nakapikit dahil sa kinakalma ko ang sarili ko. "Please look at me baby."masuyo niya akong hinalikan sa noo.

Dahan-dahan ko tuloy na iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Laurence na nakangiti sa akin. Naging kalmado ang buong systema ko ng makita ko siyang nakangiti.

Minsan talaga hindi ko maiwasan na magalit sa kanya pero agad din yun nawawala sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti sa akin.

Yun din siguro ang dahilan bakit ako nahulog sa kanya ng ganito. Aaminin ko sa sarili ko na matagal ko na siyang pinapangarap inisip man ng iba na naging desperada ako pero hinayaan ko lang yun dahil sa pagmamahal ko sa lalaking to.

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon