Chapter 29

1.2K 37 6
                                    

Stacy POV

"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko kay Laurence sa kabilang linya. Tinawagan niya kasi ako at may pupuntahan daw kami.

"Basta sabi ko naman sayo na mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin." napabuntong hininga na lang ako.

"Sige na, ibababa ko na ang tawag. Mag-aayos pa ako." ani ko bago pinatay ang tawag.

Inayos ko na lang ang sarili ko, hindi ko na lang inisip kung saan kami pupunta dahil ngayon wala na kaming problema.

Nakakulong na si Nicole pati na rin si Frenan at Larenzo. Siguro panahon na din para maging masaya ako ngayon. Parehong hindi naging madali sa amin ang trahedyang dumating sa amin.

Nawalan kami ng anak, nawala ang ama ko. Nang makita kung maayos na ang itsura ko sa salamin ay bumaba na ako sa sala.

Nakita ko si Kevin na nanonood sa sala. "Aalis lang ako." ani ko sa kanya.

Napalingon naman ito sa akin, tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. "Mukhang importante yang pupuntahan mo ah." usisa niya sa akin.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na makikipag-kita ako kay Laurence dahil alam kung masasaktan ito.

Hahanap muna ako ng tyempo para sabihin sa kanya na nagsisimula ulit kami. "Ahh oo eh, ano kasi—"

"Makikipagkita ka kay Laurence?" natigilan ako sa sinabi niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang tamang sasabihin kay Kevin.

Tumayo naman ito mula sa pagkakaupo sa sofa at nakapamulsang naglakad papunta sa akin. "Hindi mo naman kailangang mag sinungaling sa akin at hindi mo din kailangan mag-alala sa akin Stacy." ginulo niya ang buhok ko ng makalapit siya sa akin.

"Kahit na..." yumuko ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. "Alam ko naman na masasaktan kita sa oras na sinabi kung makikipagkita ako kay Laurence."

"Ano kaba, alam na alam ko na mahal na mahal mo siya at wala akong magagawa doon. Sinabi ko naman sayo na gusto kung maging masaya ka. Kung si Laurence ang nagpapasaya sayo bakit kita pipigilan? Hindi mo din naman ako obligasyon dahil lang umamin ako sayo." tumingin ako sa kanya at nakangiti ito sa akin.

Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na yakapin siya. "Salamat! The best ka talaga Kevin!" humiwalay ako sa kanya ng nakangiti.

"Sige na umalis kana baka naghihintay na si Laurence sayo." napatanong ako sa kanya at kumaway na umalis.

Nagpapasalamat talaga ako na nakilala ko si Kevin dahil naiintindihan niya ako sa lahat ng oras. Hanggang ngayon hindi niya pa rin na lalaman na buhay pa ang kuya nito.

Ayoko ding sirain ang tiwala ng kuya niya sa akin. Mas makakabuti din na ito ang magpakita at sabihin na buhay siya. Sinabihan naman din niya ako na magpapakita siya pagkalabas na pagkalabas ng anak nila.

Nagdrive ako papunta sa park dahil doon kami magkikita ni Laurence. Sinabihan niya din ako na mag suot ng comportableng damit kaya nagsuot lang ako ng puting bestida at flat shoes.

Nang makarating ako sa park ay bumaba na ako ng kotse. Ipinalibot ko ang tingin ko sa buong park. May iilan na nagpipicnic sa hindi kalayuan, mga batang naglalaro habang kasama ang mga magulang nila.

Napangiti ako sa scenaryong nakikita ko, siguro kung hindi nangyari ang trahedyang yun ay masaya na kami ngayon ni Laurence. Sana buhay pa ang anak namin, nawala ang ngiti sa labi ko. 

Wala naman na akong magagawa para maibalik pa ang nakaraan. Naglakad-lakad na lang ako sa park habang hinihintay si Laurence ng magring ang cellphone ko.

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon