Stacy POV
Pala-isipan sa aming tatlo ang nangyari kay Frenan Domingo ang lalaking unang gumahasa sa akin. May bahagi sa kalooban ko ang natuwa pero mas nanaig ang pa rin ang pagtataka.
Naghihintay na lang ako sa pag-iimbestiga ni Kevin ng mapanood ko sa news na nadakip si Frenan dahil sa isang video kung saan ako binugbog ng walang kalaban laban.
"Ohh my goddd! Hindi ko alam na mas malala pa sa inaakala ko ang ginawa nila sayo. Mga hayopp silaa!" nangigigil si Nathalie sa tabi ko habang pinapanood sa facebook ang pambubugbog sa akin. Isa pa to sa problema ko dahil may nag post sa social media nang video kung saan binubugbog ako.
At dahil ako bilang si Nadine Albro na kamukha si Stacy Montenegro which is ako. Naging instant trending din ako dahil kilala ako sa business industry.
Madami tuloy nakaabang sa bahay ni Kevin mabuti na lang talaga at may isa pa itong ipinatayo hindi kalayuan sa subdivision kung saan kami namamalagi dati.
"Wag mo na yang panoorin Nathalie." inagaw ko sa kanya ang tablet na hawak-hawak nito, pinatay ko ang tablet at nilapag ko iyon sa table. "Ayokong sisihin mo ang sarili mo dahil sa nangyari." bigla na lang itong yumakap sa akin ng mahigpit.
"Sorry hindi ko kasi mapigilan eh. Kung sana mas nagpursige ako na hanapin ka edi sana hindi nangyari yun." humikbi ito tanda na umiiyak siya. Hinimas ko ang likod niya.
"Wala kang kasalanan Nathalie, alam ko naman na ginawa niyo ang lahat para mahanap ako. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo, hindi ngayon ang panahon para sisisihin mo ang sarili mo. Ang mahalaga buhay ako, ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay kung sino ang tumutulong sa akin." humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Kung sino man yung tumutulong sayo mukhang may galit din siya kay Nicole pero dapat naglabas na din siya ng ebidensya kung nasaan si Nicole." turan naman nito na ikinangiti ko.
"Siguro kagaya ko nag bibigay din siya ng banta. Nagpadala din ako kay Nicole ng litrato niya kung saan may patay na daga. Sana nga magustuhan niya." ngising ani ko.
"Hindi lang sapat ang makulong siya! Kung may death penalty lang dito yun ang nababagay sa kanya." galit na galit nitong ani sa akin.
"Ayoko din na mamatay siya ng ganon kadali Nathalie. Gusto kong iparamdam sa kanya lahat ng sakit at paghihirap na nangyari sa akin pero hindi ako ganong tao kaya sisiguraduhin ko na mabubulok siya sa kulungan hanggang sa mamatay siya." Hindi ako magiging masamang tao dahil sa ginawa niya sa akin.
Oo madami siyang kasalanan sa akin pero hindi sapat yun para gawin ko din ang ginawa niya sa akin. Kasalanan yun sa mata ng Diyos at hindi ako gagawa ng ikakasira ko sa kanya. Tama na ang makamit ko ang hustisya para sa akin at para sa anak ko. Kung ilalagay ko din sa kamay ko ang batas. Ano na lang ang pinagkaiba namin ni Nicole?
Wala... magiging kagaya na lang din niya ako.
"Alam mo minsan talaga napakabait mo 'no? Pero minsan naman napaka demonyita mo. Paano ba kita naging kaibigan ha? Sa totoo lang ang sarap mong sakalin ngayon pa lang. Sa dami ng ginawa niya sayo tas iyan ang sasabihin mo?" hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin ngayon.
"Kung ginawa ko ang nasa isip mo ano na lang ang pagkakaiba namin? Nathalie wala, magiging kagaya na niya ako at hindi ko gagawin yun sa sarili ko. Ang kailangan ko lang hustisya... yun lang wala ng iba pa." natahimik naman si Nathalie sa sinabi ko pero kalaunan ay naintindihan niya din kung saan ako nang gagaling.
Simula pa nung naging magkaibigan kami lagi niya akong iniintindi kahit na sobrang sungit ko sa kanya hindi niya ako iniwan sa panahon na nangangailangan ako.
BINABASA MO ANG
One More Night (Under Editing)
RomanceWARNING THIS WORK IS UNEDITED YOU MAY ENCOUNTER TYPOGRAPHICAL ERROR AND WRONG GRAMMAR! Stacy Montenegro is a baddass bitch na gustong makuha ang nag iisang Laurence Santiago pero hindi niya ito makuha-kuha dahil sa may kasintahan na ito. Ano kay...