Slight matured content
Stacy POV
Bumagabag sa loob ko ang nalaman ko mula kay Kevin. Hindi dapat ako nag-aaksaya ng oras pero kailangan ko din pag-isipan ang dapat kong gawin. Kailangan kong bumalik sa katinuan ko ito na ang mahirap na gagawin ko sa tanan ng buhay ko.
"Sigurado kaba sa gagawin mo Nadine?" tanong ni Kevin sa akin habang kumakain kami sa isang restaurant hindi kalayuan 'di kalayuan sa company building na pinatayo ko.
"Saglit lang naman ako doon Kevin, isipin mo na lang na bumisita lang ako sa companya ng kalaban." nagbuntong hininga siya habang hinihilot ang sentido nito.
Alam ko na nag-aalala siya sa pwedeng mangyari sa akin doon. Napag-alaman ko din kasi na doon nag tratrabaho ang dalawang gumahasa sa akin.
"Kailangan kung mag umpisa sa isa Kevin. Ayoko ng matakot sinabi mo nga sa akin na kailangan kong labanan yung takot ko para mabigyan ako ng hustisya." hindi pa rin mawala ang pangamba sa mga mata nito kahit na nakangiti pa ito sa labas.
"Hindi ko maiwasan na mag-alala sayo, hindi kita masasamahan dahil pagkatapos ng meeting ko mamaya aalis na ako papuntang, Macao. Kung pwede ko nga lang icancel ang meeting ko sa Macao pero malaki ang mawawala sa atin pag hindi ako sumipot." sinamaan ko siya ng tingin.
"Wag mo na kasi akong isipin kaya ko naman ang sarili ko. Isasama ko naman si Denver kaya wala kang dapat ikabahala." hinampas ko ang balikat niya na ikina-aray naman nito. "Napaka oa mo talaga 'no? Kung hindi mo lang sinabi sa akin na may nagugustuhan ka iisipin ko na inlove na inlove ka sa akin." biro ko sa kanya na ikinatahimik namn nito.
"Ohh bat' ka natahimik?" tanong ko sa kanya, sumubo ako ng steak na siya mismo ang humiwa. Masasabi ko lang kay Kevin napaka maginoo nito, hindi niya ako hinahayaan na mahirapan sa lahat ng bagay. Ako na siguro ang pinakamaswerteng babae dahil may isang lalaki na tumutulong sa akin sa kabila bg madilim kong nakaraan.
Yung ibang tao siguro ay pandidirihan lang ako sa oras na malaman nila ang nangyari sa akin.
"Wala kumain kana lang dyan, ihahatid kita sa Santiago Corp." napakunot naman ang noo ko sa tinuran niya. Hindi kasi ito ang tipo ng lalaki na iibahin yung usapan, nagkibit balikat na lang ako.
'Baka may problema lang siya sa lovelife.'
Hindi din kami nagtagal sa restuarant dahil kailangan ng umalis ni Kevin. Biglaan daw kasing napaaga ang meeting nila.
"Sorry talaga Nadine, babawi ako pagbalik ko bukas." papalabas na kami ngayon ng resturant at ito nga humihingi siga ng pasensya dahil sinabihan pa niya ako na ihahatid ako sa Santiago corp.
"Sabing ok lang ehh papunta na din naman si Denver kaya umalis kana." winasiwas ko pa ang kamay ko senyas na umalis na ito pero ang loko ngumuso pa sa harapan ko.
Nagawa pang mag pacute eh malalate na siya sa meeting niya. "Pinagtatabuyan mo na ako ahh nasasaktan mo ang feelings ko huhuhuhu." humawak siya sa dibdib niya at umarte itong matutumba.
Napailing na lang ako sa pagiging isip-bata niya. Minsan kasi nagiging ganito siya sa tuwing tinataboy ko o hindi ako kakain dahil wala akong gana.
"Matagal ko na talaga tong sabihin sayo eh pero hindi ko magawa pero ito na sasabihin ko na," tumikhim muna ako bago ko siya tinaasan ng kilay. "Ang pangit mong magpacute." pagkasabing pagkasabi ko nun ay naglakad na ako papaalis.
Narinig ko naman na may nag ring at sinagot iyon ni Kevin.
"Yes pasabi hintayin ako with in 5 minutes on the way na ako... ok bye." rinig kong sabi nito.

BINABASA MO ANG
One More Night (Under Editing)
RomanceWARNING THIS WORK IS UNEDITED YOU MAY ENCOUNTER TYPOGRAPHICAL ERROR AND WRONG GRAMMAR! Stacy Montenegro is a baddass bitch na gustong makuha ang nag iisang Laurence Santiago pero hindi niya ito makuha-kuha dahil sa may kasintahan na ito. Ano kay...