Chapter 4

1.7K 73 14
                                    

Stacy POV

"Sh*t bakit ko ba yun sinabi? Paano na yan? Paano ko na siya malalapitan ngayon? Bakit ba naman kasi napaka boba mong babae ka!" kausap ko sa sarili ko.

"Ano ka ba Stacy tumahimik kana nga dyan wala ka ng magagawa kaya panindigan mo yung mga sinabi mo. Hindi porque tumungon siya sa mga halik mo may gusto na siya sayo tandaan mo init lang yung dala mo sa kanya. Kaya wag kang mag assume ng kung ano-ano dyan." nabuburyong sabi ni Nathalie.

"Oo na... Oo na! Alam ko naman eh! Pero mali bang umasa ako? Kahit pasaktan niya ako ng paulit-ulit wala akong paki kasi Nathalie tinamaan ako eh! Walang magagawa yung puso ko kung hindi ang mahalin siya. Alam mo naman kung bakit ako nagkakaganito diba? Alam mo yan since ikaw ang bestfriend ko! Nakakainis lang kasing isip na ikaw na nga lang ang nakakaalam ng nakaraan namin pero ikaw pa tong kontrabida." umiiyak kong sabi.

Kahit naman siya lang ang maniwala at sumuporta sa akin kasi siya lang naman ang kaibigan ko pero wala eh. Feeling ko ako lang yung nagpapahalaga sa pagkakaibigan namin.

"I'm sorry Stacy hindi ko naman alam na ganyan na pala ang nararamdaman mo sa akin. Kaya ko lang naman sinabi yung mga bagay na yun dahil ayokong mas masaktan ka. Oo alam ko ang nakaraan niyo at alam ko din kung gaano kamahal ni Laurence ang girlfriend niya. Alam natin yung ng pareho kasi pareho tayong nanonood sa kanila. At ilang beses na kitang nakitang umiyak ng dahil lang sa lalaking yun. Kaya nag-umpisa na akong hindi siya magustuhan dahil nasasaktan ka niya ng hindi niya nalalaman." hinila niya ako payakap sa kanya.

Sa pagkakataong to naintinidhan ko siya. Ayaw niya lang akong masaktan sa taong hindi naman ako mahal. Sa mga oras na to naramdaman ko ang pagmamahal ng kaibigan ko sa akin. Sobrang tanga ko para isipin na hindi niya ako kinakampihan. Pero gusto lang niya akong magising sa kahibangan ko kaya niya sinasabi ang mga ganong bagay na muntikan ng makasira sa relasyon naming magkaibigan.

"I'm sorry if I think you that way Nathalie. Ang sakit, lang kasi ehh akala ko hindi mo ako pinapahalagahan pero gusto mo lang pala akong magising sa katotohanan." Umiyak ako sa balikat niya habang siya naman ay hinahagod ang likod ko.

"You know what? We need to unwind. Matagal na din naman tayong hindi nakakapunta ng bar eh. So we need to party kahit na sawi ka, para naman nakalimutan mo yung problema mo ngayon." humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin at pinunasan niya ang mga luha ko.

"Kita mo oh ang pangit mo na! Asaan na yung Stacy na kilala ko bilang matapang? Nawala na ba?" tinampal ko ang kamay niya.

"Hell no! hinding hindi yan mangyayari. Iiyak lang ako pero hindi ibig sabihin nun ay mahina ako." matapang kong pagkakasabi.

"Ganyan nga ang bestfriend ko so tayo na? Kailangan mo munang ayusin yang sarili mo ang pangit mo tignan eh." natatawa nitong sabi naging magaan naman kahit papaano ang loob ko dahil sa kanya.

Atleast ngayon nalinawan na ako sa lahat. "May class ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Balak kong mag pa-parlor since wala na din naman akong class ngayon.

"Wala naman ikaw ba?" tanong niya umiling naman ako sa kanya.

"Great... tara punta na tayo sa parlor para bongga tayo mamaya sa bar." aya ko sa kanya. Sumangayon na din naman siya sa akin.

Nagtungo kami sa parking lot at siya ang nagmaneho ng dala niyang kotse. Buti na lang at nadala nito ang kotse niya dahil hindi ako pinapayagan ni Dad na magmaneho ng kotse dahil wala pa daw ako sa edad na 19 eh ang legal age naman sa pagkakaroon ng lisensya ay 18. Umoo na lang din naman aki kasi mag hihintay lang naman ko ng isang taon bago makapagmaneho ng sarili kong kotse.

"Andito na tayo!" pareho kaming excited dahil ngayon lang ulit kami nagparlor at pupunta pa kami sa bar. Sisiguraduhin ko na makakalimutan ko ngayon gabi si Laurence. Mag eengjoy ako at hindi ko siya iisipin.

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon