Chapter 34

1.3K 32 5
                                    

Stacy POV

Lumipas na naman ang isang araw na hindi ko kasama si Laurence. Alam ko na mali ang maramdaman ko na pagsisisi dahil iniwan ko si Laurence. Sa loob ng isang buwan na hindi ko siya kasama aaminin ko na namimiss ko na ito.

Lahat naman ng tao nagkakamali at sa loob ng isang buwan palagi niya akong pinupuntahan sa opisina ko at sa condo ko pero hindi ko siya hinaharap kaya naman lagi na lang niyang pinapaabot ang bulaklak at pagkain na niluluto nito.

The las night I spent with Laurence was a great night to me. Why? Because we make love all night. Yes, may nangyari sa amin but that's doesn't mean may magbabago.

He still cheat on me. I'm having a hard time now because of what happened but I have no choice, but to be strong and brave.

Hinilot ko ang sentido ko ng maramdaman kong umikot ang paligid ko. Kahapon pa masama ang pakiramdam ko at hindi ako nakakain simula kahapon. Wala akong ganang kumain lalo na dahil naduduwal ako sa tuwing may naamoy akong pagkain.

Kaya nandito din ako sa condo ko para magpahinga dahil talagang masama ang pakiramdam ko.

Tinawagan ko si Nathalie para puntahan ako dito sa condo ko at para na rin bantayan niya ako just in case na hindi ko na kaya ang sama ng pakiramdam ko.

Nanghihinang nakahilata ako sa kama habang nakapulupot sa akin ang kumot ko. Tinatamad akong bumangon at nanghihina pati ang tuhod ko.

Hindi kalaunan ay narinig kung bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Hindi na ako ang abalang imulat ang mga mata ko dahil alam kung si Nathalie iyon. Siya lang din naman ang nakakaalam ng pass code ko.

Dahil sa sama ng pakiramdam ko at nakatulog na ako agad nang hindi man lang nakikita si Nathalie o batiin man lang ito.

NANGHIHINANG nabangon ako sa kama dahil nagising ako na gustong bumaliktad ng sikmura ko. Kahit nanghihina ako ay agad akong nagtungo sa banyo para doon magsuka pero tubig lang ang inilabas ko.

Doon ko lang naalala na wala akong kinain simula kahapon. Nang matapos ako sa pagsuka ay nanghihina akong napaupo sa banyo. Sakto naman na bumukas din ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" mahina pero gulat kung tanong kay Laurence na ngayon ay binuhat na ako patungo sa kama.

"Masama daw ang pakiramdam mo kaya nagpunta ako dito." Inilapag niya ako sa kama at inayos ang pagkakaupo ko.

"Paano ka nakapasok dito? Umalis kana dito kaya ko ang sarili ko." ani ko sa kanya.

"Sinabi ni Nathalie ang pass code mo, may importante din siyang pupuntahan kaya wala siyang nagawa kundi ang sabihin sa akin ang pass code." paliwanag niya sa akin.

May kinuha itong isang mangkok ng sopas at doon ko lang napag-alaman na meron pala itong niluto.

"Kumain ka muna sabi sa akin ng secretary mo hindi ka kumain simula kahapon." ani niya habang hinihipan ang sopas na nasa kutsara bago itapat sa bibig ko iyon.

"Kaya kong kumain mag-isa." kukunin ko na sana ang kutsara ng ilayo niya iyon mula sa akin.

"Isipin mo na lang na wala tayong naging problema. Ang mahalaga ngayon kumain ka makakasama sa bata ang ginagawa mo." natahimik ako sa sinabi nito.

"B-bata?" nauutal kung tanong sa kanya. Tumangon naman siya sa akin, ibinaba niya ang hawak niyang mangkok at hinaplos ang buhok ko.

"Hmm may bata sa sinapupunan mo." napakurap ako ng ilang beses. Teka paano mangyayari yun?

"Ano bang pinagsasabi mo?" tinabig ko ang kamay niyang nasa pisnge ko. "Wag mo nga akong pinagloloko, papaano naman ako mabubuntis—"

"Bakit hindi? Ang sabi lang ng doctor malabo tayong makabuo ng bata pero may chance na makabuo tayo." hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon