Laurence POV
Napabalikwas ako ng higa dahil sa frustrasyon na nararamdaman ko. Ngayon na may napakulong na na sangkot sa pagkuha kay Stacy alam ko na hindi din mag tatagal at mahuhuli na din ang may pakana nito.
Gusto ko ding tawagan si Stacy—si Nadine para makipagkita. Ngayon na tapos na ang relasyon namin ni Nicole siguro panahon na para sundin ko din ang tinitibok ng puso ko. Alam ko na siya si Stacy at tinatago niya lang iyon, hindi magkakamali ang puso ko.
"Ganon na lang ba ang galit niya sa akin?" bulong ko sa kawalan dahil ayoko mang aminin pero nasasaktan ako sa pagtatago niya.
Pero ang isipin na may asawa na ito ay mas nasasaktan ako dahil dapat ako yun. Ako yung nasa katayuan ni Kevin at hindi siya. Aaminin ko na sa t'wing nakikita ko silang magkasama ay nasasaktan ako pero wala akong magawa dahil mag-asawa sila. Kaya gusto ko itong makausap bukas na bukas pero sa ngayon kumukuha pa ako ng lakas ng loob para tawagan siya.
Nakatitig lang ako sa cellphone ko. "Tatawagan ko ba siya o hindi?" napahilamos ako ng mukha bago tumayo sa kama ko.
"Nababaliw na talaga ako isang tawag lang naman eh." napatitig ulit ako sa cellphone ko pero sa huli ay nagpapadyak na nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig. Nawawala talaga ako sa katinuan pagdating kay Stacy.
Nang makainom na ako ng tubig ay agad akong nagtungo sa hagdan pero agad din akong napatigil ng makita ko ang vase na may lamang rosas. Walang pag-aalinlangan na kinuha ko ito at nagmamadaling nag tungo sa kwarto ko.
Inumpisahan kong tanggalin ang petals ng rosas.
"Tatawagan ko siya." tinanggal ko ang isang petal.
"Hindi ko siya tatawagan."
"Tatawagan ko siya."
"Hindi ko siya tatawagan."
Nakailang ulit pa ako dahil ang resulta ng ginagawa ko ay tawagan ko ito hanggang sa iisang rosas na lang ang natitira.
Kagat labi kung tinanggal ang petals nito hanggang sa iisa na lang ang natira.
"Oo naa! Oo naa! Tatawagan ko na!" kinuha ko ang cellphone ko pero agad din akong natigilan ng makita ko ang oras.
Ala una pasado na pala malamang ay natutulog na ito. "Ang galing mo talaga Laurence, papaano mo na siya matatanong nito?" gustobkong pukpukin ang ulo ko dahil sa pagiging duwag ko. Tatanungin ko lang naman siya para makipagkita pero hindi ko na namalayan ang oras dahil sa ginagawa ko.
Naisipan ko na lang na magtext sa kanya para hindi ako makaabala sa pagtulog nito.
"Ano nga bang sasabihin ko?" tanong ko sa sarili ko.
Napapailing na lang akong nagtipa sa cellphone ko.
To: Stacy
Hi can we go out tommorow—
Agad kong binura ang tinatype ko. Hindi halatang gusto kong makipagdate. Dapat yung casual lang, hindi halatadong inaaya ko siya sa date.
To: Stacy
It's me Laurence, can we talk tommorow afternoon? Let's have lunch.
Pikit matang sinend ko ang message ko.
Nagtipa ulit ako ng mensahe sa kanya.To: Stacy
I'll pick you up, don't worry it's my treat.
Ilalapag ko na sana ang cellphone ko ng maalala kong baka magtaka ito kung papaano ko nakuha ang number niya.

BINABASA MO ANG
One More Night (Under Editing)
RomanceWARNING THIS WORK IS UNEDITED YOU MAY ENCOUNTER TYPOGRAPHICAL ERROR AND WRONG GRAMMAR! Stacy Montenegro is a baddass bitch na gustong makuha ang nag iisang Laurence Santiago pero hindi niya ito makuha-kuha dahil sa may kasintahan na ito. Ano kay...