Chapter 24

1.1K 31 3
                                    

Stacy POV

Gusto ko sanang umuwi na pero kasama ko si Laurence. Nakatakas si Frenan pero wala akong magagawa sa ngayon. Alam ko din naman na gagawan ng paraan ni Kevin ang nangyari.

Nakahinto pa rin ang kotse ni Laurence sa gilid at pareho kaming tahimik ng matapos ang tawag.

"Hindi pa ba tayo aalis?" ani ko ng hindi na ako makatiis sa katahimikan.

"Ahh aalis na." para pa itong nahihiya na binuhay ang makina ng kotse. Binagtas namin ang daan papuntang Lily's Restaurant na lagi kong pinupuntahan.

Hindi ko alam na alam pala ni dad ang paborito kong restaurant. Masyado kasi itong busy at walang oras sa akin kaya akala ko wala siyang alam tungkol sa akin.

Ilang minuto pa kaming nasa byahe ng huminto na ang sasakyan sa tapat ng Lily's restaurant. Sabay kaming bumaba ni Laurence sa kotse.

"Tara na." napakurap ako ng bigla niyabg kinuha ang kamay ko saka ako hinila papasok sa restaurant.

Hindi ako makapagsalita dahil gulat na gulat pa rin ako sa ginawa niya. Magkahawak ang kamay namin sinasabi ng isang bahagi ng utak ko na tanggalin ko iyon pero mas nanaig ang puso't katawan ko.

Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makaupo kami at maka-order ng pagkain.

"Hmm pwede mo nang bitawan yung kamay ko." nahihiya akong umiwas ng tingin sa kanya ng magtama ang mga mata namin.

Para akong teenager na kinikilig ng patago.

"Paano kung ayaw kong bitawan? May magagawa ka ba?" napabaling ang tangin ko sa kanya.

"Ha? Nababaliw kana Laurence siguro naman tama na yung ilang minutong hinayaan kitang hawakan ang kamay ko—" mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Exactly! Hinahayaan mo na akong hawakan ang kamay mo kaya bakit hindi ko pa lubos-lubusin?"

Kanina pa kumakabog ng malakas ang puso ko dahil sa mga sinasabu niya. Lalo na nang nasa kotse kami papunta dito. Idagdag mo pa na talagang pinagpipilitan niyang ako si Stacy.

Noong una galit ako sa kanya dahil hindi niya ako nagawang hanapin pero ng makita ko ulit siya bigla akong lumambot. Napapaisip na nga ako sa sarili ko na ganito ko na ba siya kamahal kaya mabilis ko itong napatawad?

"May asawa ako at magpapakasal ka na sapat na yun na dahilan para bitawan mo ang kamay ko." mas humigpit lang ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Hindi na matutuloy ang kasal namin ni Nicole kaya malaya na akong gawin lahat ng gusto ko." ani nito.

Ilang minuto akong natahimik dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin wala na sila? Mali man ang nararamdaman ko pero masaya ako sa nalaman ko.

"Kailan pa? Bakit mo yun ginawa?" sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Noong isang araw lang, tinatanong pa ba kung bakit? Simpre dahil sayo. Ikaw ang mahal ko Stacy at hindi siya.  Alam kong naging duwag ako ng mga panahon na nag-aaral pa tayo pero iba na ngayon. Nawala kana sa akin ng isang beses at hindi ko hahayaan na mawala ka ulit sa akin." hinawakan niya ang pisnge ko.

"Ayokong makulong ulit sa lungkot dahil sa pagkawala mo. Naging mesirable ang buhay ko ng dahil doon. So please wag mong idahilan sa akin na may asawa kana para lang tigilan ka." nagkatitigan kaming dalawa. Walang umiiwas sa aming dalawa hanggang sa may tumikhim.

Doon lang kami umayos ng pagkakaupo dahil dumating na ang order namin. Naging awkward tuloy ang buong tanghalian naming dalawa.

"Ihahatid na kita." aangal sana ako pero nawala na naman sa maayos na katinuan ang utak ko ng hawakan niya ang kamay ko.

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon