Chapter 26

1.1K 38 8
                                    

RonaCala AllyssaJaneMagtoto chamitaLux chamitaLux marcelalalaReyes xyrillx sushimz JunieAsce SexyChairmaaan katestel Desirie_hakdog

Stacy POV

"Gusto kita-hindi mahal kita, mahal na mahal kita Stacy."

Nagulo ko ang buhok ko dahil pumasok na naman sa isip ko ang sinabi ni Kevin sa akin. Isang linggo na nang sabihin niya sa akin yun pero heto ako hindi parin nalilimutan yung sinabi niya.

"Anong gagawin ko?" nakatitig ako ngayon sa kisame. Madami ng nagawa si Kevin para sa kapakanan ko pero hindi ko man lang napansin na ako pala yung sinasabi niyang babaeng gustong gusto nito.

Bakit ba humantong sa ganito? Wala naman akong maalala na dahilan para magustuhan niya ako.

"Mababaliw na ata ako!" gumulong-gulong ako sa kama. "Grrrr nakakainissss!" sigaw ko. Pabalikwas akong umupo sa kama. "Bakit niya ba ako nagustuhan?!"

Nakatitig pa rin ako sa kawalan ng may kumatok sa pintuan ko. "Bukas yan!" sigaw ko.

Narinig kung pumihit ang seradora ng pintuan ko. Pumasok si Kevin na nakapambahay lang.

"Hmm kakain na tayo." nahihiya nitong ani sa akin. Isang linggo na din kasi kaming nagkaka-ilangan simula ng umamin siya sa akin. Hindi din kami nagpansinan ku xng hindi naman tungkol sa opisina ay 'di kami mag-uusap. Bukod doon wala na maliban na lang ngayon na tinawag niya ako para kumain.

"Ahh sige susunod na lang ako." tumango naman siya, aalis na sana siya pero tinawag ko ito.

Humarap naman siya sa akin habang nagtatanong ang mga mata niya.

"Hmm pwede ba tayong mag-usap?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Sige, gusto din kasi kitang kausapin kaya lang nahihiya akong mag sabi kanina." nagpamulsa ito habang naglalakad sa set sofa sa loob ng kwarto ko. Nagtungo din naman ako doon at umupo sa sofa na nakaharap sa kanya.

Namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto ko. Nakatingin lang ako sa kamay kung hindi makapakali dahil sa kaba.

"Tungkol sa sinabi ko."

"Tungkol sa sinabi mo-" sabay kaming nagsalita ni Kevin kaya tumigil ako.

"Ahh sigee, ikaw na mauna." ani niya sa akin. Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretsyo. "Yung sinabi mo sa akin na gusto mo ako. Kevin hindi ko alam kung anong isasagot ko sayo. Alam mo naman ang kalagayan ko diba? Alam mo din naman na may nararamdaman pa ako kay Laurence."

Mas mabuting sabihin ko na sa kanya ngayon ang nararamdaman ko kay Laurence dahil ayokong umasa siya. All this years nasasaktan ko siya ng hindi ko man lang namamalayan.

"Alam ko lahat ng yun Stacy pero gusto ko lang din malaman mo ang nararamdaman ko sayo. Mahirap mag lihim lalo na nakatira tayo sa iisang bahay. Kaya ginagawa ko ang lahat para matulungan kita."

"Nagpapasalamat ako tungkol doon, sorry Kevin pero hindi ko masusuklian yung pagmamahal mo para sa akin." ngumiti siya sa akin na para bang walang narinig.

One More Night (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon