"What the?!"Nandito ako ngayon sa isang coffee shop sa loob nang campus nang may makabangga akong isang lalaki. Kakakuha ko lang kasi ng order ko at akmang aalis na ng hindi mapansing may tao pala sa likuran ko kaya't nabangga ko siya.
Dali-dali kong pinulot ang cup ng kape na nahulog sa sahig at tinignan ang damit namin na may parehas na mantya ng kape.
Shyet. Uniform ko.
Nataranta ako at dali-daling pinunasan ang aking puting uniporme na natapunan ng kape, kahit na alam kong hindi naman na mawawala ang mantsa nito ay pinilit ko pa rin.
Anak ng pating na walang ngipin naman oh. May pasok pa ako, wala pa naman akong extra pamalit. Paano 'to? Ang init pa nung kape.
"Putakte naman! Tignan mo ang ginawa mo sa damit ko!" Inis ako sa kan'ya habang pinilipit pa ring alisin ang mantsa sa uniporme ko.
Nakaramdaman naman ako ng onting hiya nang maramdaman ang mga mata na nakatingin sa amin, para mapanood ang nangyayari. May iba pang nagbubulungan kaya halos gusto ko nang umalis dito. Alis na lang kaya ako?
"What?" Napatigil ako sa pagtangkang pagtakas ko nang muli siyang magsalita.
Nakaturo ito sa sarili na para bang sinasabing 'ako pa? talaga?'
Aba, tanga ata 'to ehh. Oo ikaw! Ikaw ang may kasalanan! Pisti.
"Watawat! Ulol!"
Sobrang kulo na ng dugo 'to. Nararamdaman ko na, mahahighblood ako.
Tatalikod na sana ako at aalis na nangbnaramdaman ko ang hawak niya sa braso ko, at gulat nang naglagay siya ng limang libo roon.
Anong gagawin ko dito? 'Di naman ako nanghihngi ng pera. Pinaglihi ata 'to sa pagkaulol eh.
Tinignan ko siya at bahagyang tinilt ang aking ulo na senyales ng pagkataka ko.
"Your clothes and coffee." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay umalis na siya.
Aba! Walang hiya 'tong taong 'to ah! Medyo bastos
Hinabol ko siya at hinarangan. Nang huminto siya ay inilahad ko ang kamay ko na may laman ng pera niya. Ibabalik ko sana ito sa kan'ya nang magsalita na naman siya.
"Just take it."
Paalis na dapat ulit siya pero hindi 'yun hinayaan. Kaya pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawakan sa pulsuan niya, kaya napatingin siya doon. Para namang akong napaso sa ginawa ko kaya napabitaw ako agad.
"I don't need your money." Inabot ko ang pera sa kan'ya, pero tinitigan lang niya 'yun.
Hindi ako mukhang pera 'no. Duh.
Ilang segundo lang ang lumipas bago niya binalik ang tingin niya sa akin
"Just fuckin' take it." Halatadong-halatado ang pagkainip sa mukha niya.
Ulol!
Bumuntong hininga na lang ako bago magsalita at sagutin sana siya ngunit naunahan naman niya ako.
"You know what? Don't be such a brat and just take it. You are wasting my damn time." Tinangka na naman umalis ulit pero pinigilan ko ulit siya.
Pautang kay ina? Brat?! 'Yung doll? Sira ulo ata 'to eh
"Sinong brat?! Ha?! Ako na nga ang nagmamagandang loob dito! Hindi mo ba alam kung anong hirap ang ginagawa ng mga magulang mo para lang sa perang 'yan tapos ipapamigay mo lang?! Palibhasa kasi mayaman kaya ganun-ganun na lang magtapon ng pera! Limang libo 'yon! Pwede namang isang lib---"
Napatigil ako sa pagsasalita nang kuhanin niya ang perang nasa kamay ko at binalik ang isang libo.
Pautang ulit kay ina?!
Pagkatapos na sapilitang ibigay sa akin ang pera ay umalis na siya.
"Hindi 'yun ang ibig kong..." pahina nang pahinang ang boses ko habang pinanonood siyang maglakad papalayo. "sabihin."
:)))

BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
Любовные романыLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."