Days passed by like a blur. Today is already November 1, so tomorrow is my birthday na kaya busy sila Lye sa pagpreprepare for my celebration. Hindi na dapat ako magbobonggang birthday celebration, pero hindi pumayag ang mga kaibigan ko, lalo na 'tong kambal. Kaya hinayaan ko na lang sila, basta kako hindi nila ako iistorbohin.Nung nasa states ako ay halos hindi ako makapagcelebrate ng birthday ko, kasi naaalala ko sila mommy and daddy. But then I realized, they'll never be happy kapag nalaman nilang hindi ko na pinapahalagaan ang favorite day of the year namin. Kaya kahit masakit, nagcecelebrate pa rin ako, lalo na ngayong nasa Pilipinas na ako, dahil sa mga kaibigan ko. Babawiin daw nila mga birthdays na namissed ko.
And this past few months rin simula nung yayain ako ni Kai na lumabas ay palagi na siyang nakapaligid sa akin. Hindi ko na rin nagagamit 'yung sasakyan ko dahil hatid-sundo niya rin ako. Hinayaan ko lang naman 'yun dahil gusto ko rin naman.
Landede amp.
Napapansin ko rin naman ang sobrang paglapit ng loob ko kay Kai, at aware rin akong nagugustuhan ko na siya. Though halos 2 months palang naman kaming magkakilala. Pero shempre sinisigurado ko pa. Baka mamaya nacacarried away lang ako ng mga actions niya eh.
"Levi, nag-invite rin ako sa ibang colleges ah." Muling paalala ni Rye sa akin
Ilang beses na kaya niya sinabi 'yun sa akin. Mga hundred syitimil.
"Oo na, oo na." Tumango ko sa hundred syitimil niyang tanong.
Sa isang super-duper huge resort gaganapin ang birthday celebration ko. So kung pupunta ang ibang colleges ay okay lang, for sure rin naman na hindi aattend 'yung iba.
Hindi na ako nagulat nang makatanggap ako ng text message from Kai, asking for my whereabouts and other stuffs. I mean, duh. He always does that naman.
To: Kai
Paalis ng resort. I'mma visit mom and dad.
Today is All Saints' Day. So, I'm going to visit my parents, shempre.
From: Kai
Can I come?
Pumayag naman ako pero sabi ko na mauuna na ako, sunod na lang siya. Sinabi ko rin kung saang cemetery, para alam niya 'yung saan siya pupunta.
"Guys, punta lang akong sementeryo." Paalam ko sa kanila Lianne.
Napatigil naman sila saglit bago magsalita. Kaming girls lang nandito. Kasi si Seb pinauwi ng lola niya sa probinsya, pero babalik rin naman siya mamaya para bukas.
"Wait! Sama kami! Gusto naming makausap sila Mommy Isabelle at Daddy Anton." Sabi ni Sam.
Nagsisang-ayunan naman sila dahil miss na daw nila sila mommy eh kaya pumayag na ako.
They never had the chance to meet my parents pero everytime na pupunta ako sa puntod nila mommy ay sumasama sila, and kinakausap rin nila na para bang ang tagal na nilang kilala sila mommy, which made me so happy.
Wala rin naman kasi silang dadalawin dito dahil sa nasa ibang bansa nakalibing ang ibang relatives nila kaya wala silang nadadalaw dito kundi sila mommy. Maliban sa kambal.
"Ate, call us if you need anything ha." Bilin ni Lianne doon sa organizer bago kami umalis.
Sabay-sabay naman kaming pupunta sa sementeryo, kaya 'yung van na lang ang ginamit namin.

BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
RomanceLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."