Chapter 32

7 1 0
                                    







Matapos malaman ni Kai ang katotohanan tungkol sa tatay n'ya at kay Levi ay s'ya na mismo ang lumayo sa minamahal. Kahit masakit, kung kapalit naman nun ay ang kaligtasan ng mahal. Pero ang kinalabasan ay nasaktan pa rin ito.



"Nag-usap na ba kayo ulit tungkol doon?" Tanong ni nanay Merlie kay Kai.




Umiling lamang si Kai at muling yumuko.




"Pero nag-usap na kayo ulit?" Tanong naman ni tatay Leo na tinanguan ni Kai. "So, kamusta naman?"




"Mukhang wala na pong pag-asa." Sabi n'ya at tumingin sa mag-asawa, bago magpakawala ng malungkot na ngiti. "Siguro po ay hindi lang po talaga kami para sa isa't-isa."




He stood up and grab his things.




Levi's POV




"Siguro po ay hindi lang po talaga kami para sa isa't-isa." I stopped from walking upon hearing his voice say those words.




Papunta dapat ako ng cr para umihi nang mapadaan ako sa kwarto nila nanay Merlie at narinig ang boses ni Kai.




Imbis na dumeretso sa cr ay bumalik ako sa kwarto, kahit na hindi ko masyadong makita ang dinadaanan ko dahil lamp lang ang nagsisilbing ilaw ko. Nang makarating ako doon ay agad akong dumapa sa kama at nagsimulang magsilabasan ang mga luha ko.




So, I was expecting na he would explain sa akin kanina, but then iniisip na pala n'yang hindi pala kami para sa isa't-isa. I was willing to forget his faults na kanina eh. Willing na ulit akong magpakatanga kahit na ikapapahamak ko pa. Samantalang s'ya, ganun na pala iniisp n'ya.




"Asshole." Bulong ko habang nakatakip ang unan ko sa akin.



Kahit ngayon, umaasa pa rin akong babalik s'ya dito sa silid at sabihin ang lahat. Pero nakatulog na ako't lahat dahil sa pag-iiyak ay walang dumating na Kai.




Kinabukasan ay nagising ako ng maaga at agad dumeretso sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Napadaan ako sa kusina ni nanay Merlie at doon ko s'ya nakitang nagpreprepare ng almusal.




"Oh, anak. Magandang umaga." Bati n'ya sa akin.




Binati ko rin s'ya at nagpaalam na magbabanyo lang. Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto at muling bumalik sa kusina para tulungan si nanay Merlie.




"Kamusta naman ang tulog mo?" Tanong ni nanay Merlie.




"Ayos lang naman po." Nakangiting sabi ko.




"Sigurado ka?"




Napatingin ako kay nanay Merlie at unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi.




For the past 5 years, I know, I'm happy. I know that I'm okay, and I thought, I'm already over him, but I was wrong. The moment that I saw him again, for the very first time after 5 years. Parang bumalik lahat. 'Yung sakit, 'yung lungkot, lahat.




If I could turn back time, hindi na ako magpapasama kay Xavier na magpunta sa coffee shop na 'yun. Para hindi ko na ulit s'ya makita. At sasabihin ko na rin agad kay tito Philip na dapat hindian ang head ng CTF.




If only I could turn back time, I would never wish to meet him again.




"Kung ano man 'yang problema mo, anak. Handa akong makinig." Sabi ni Nanay Merlie.




Ngumiti lang ako bago kami ulit nagsimulang maghain ng pagkain.



Maybe next time po.



Tinawag na ni nanay Merlie si tatay Leo at ang mga anak nila para makakakain na rin kami. Ngunit wala si Kai.



"Si Kai po?" Hindi ko napigilang tanong ko.



Nagkatinginan si nanay Merlie at tatay Leo at muli akong tinignan.



"Nandoon sa bahay ng pinsan ko." Sagot ni nanay Merlie.



Tumango lang ako bago rin nagsimulang kumain.



Hindi nagtagal ay natapos na rin kami. Nagpaalam naman si nanay merlie na pupunta lang s'ya sa maliit na palengke nila dito sa Pale upang maglako ng mga kung ano-anong makakain. At si tatay Leo naman ay mangingisda daw. 'Yung dalawang bata naman daw ay makikipaglaro sa ibang mga bata sa labas kaya mag-isa lang akong maiiwan dito.



"Kung gusto mo, may manggahan d'yan sa likod. May bahay rin doon na maliit na nasa taas ng puno." Sabi ni nanay Merlie bago nagpaalam na umalis.




Pag-alis nila ay naligo muna ako bago magpunta ng manggahan. Nasa gitna ang manggahan samanatalang ang kanilang palengke ay nasa kabilang side daw. Hindi man ganun kalakihan ang islang ito kaya konti lang rin ang nandito.




Ang manggahan ay peaceful. Masarap rin ang simoy ng hangin. Pagdating ko doon ay agad kong nakita 'yung treehouse na sinasabi ni nanay Merlie. Hindi 'to kalakihan pero magkakasya naman ako.



Umakyat na ako sa maliit na hagdanan doon, at nang makalahati ko na 'yun ay madulas ako.




"Ahh!"




Naghihintay ako na bumagsak ako sa lupa nang iba ang maramdaman kong pinagbagsakan ko. Kaya dinilat ko ang mga mata ko at laking gulat nang makitang buhat-buhat ako ni Kai. Sa sobrang taranta ko ay nagpumilit akong bumaba pero mukhang naout of balance si Kai kaya dalawa kaming natumba.



At kung inaakala n'yong mala pelikula ang pagkabagsak namin ay nagkakamali kayo. Naunang bumagsak si Kai bago ako, na medyo natilapon pa nang kaonti. Pacross ang itsura namin ngayon.



Dali-dali akong tumayo, pero dahil medyo clumsy ako ay nadulas ako ulit at sa kasamaang palad na tungkod ko ang kamay ko sa tyan n'ya.



"Agh!" Daing n'ya kaya dali-dali akong tumayo at inalalayan s'ya.



Buti na lang at may maliit na bench sa baba ng treehouse kaya doon ko muna s'ya pinaupo. Bago ako umakyat at tumingin ng pwedeng ipang gamot sa kan'ya, pero walang ibang gamit dito sa treehouse kundi ang upuan, duyan at higaan.



Bumaba ako ulit at tinignan si Kai na nakahawak pa rin sa tyan n'ya at nakatingin sa kawalan.



Potek, hindi ko alam ang gagawin ko, kaya tumabi sa kan'ya at itinabi ang kamay n'ya at tinaas ang damit para sana hilutin ko na lang 'yun. Pero laking gulat ko ng itinaboy n'ya ang kamay ko.



"Teka, hihilutin ko." Sabi ko at muling inalis ang kamay n'ya. Pero agad akong napatigil nang mapagtanto ko ang ginagawa ko.



Dali-dali kong inalis ang kamay ko doon at umalis sa kinauupuan ko.



"Sorry." Sabi ko na lang at tumayo nang patalikod sa kan'ya.



"It's okay. Hindi naman na masakit." Sabi n'ya.



Naramdaman ko ang pagtayo n'ya at paglapit sa akin kaya halos nanigas ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko pa ang papunta n'ya sa harap ko, at nagulat nang hawakan n'ya ang kamay ko at nilagay sa dibdib n'ya.



"Pero ito? Masakit pa." He said.



I looked at him and there, I saw his eyes, full of pain.



He let out a sarcastic laugh before he talked



"Sino bang niloloko ko?" Then let go of my hand. "Malinaw naman na sa akin na wala na eh."



Tumalikod s'ya, at umalis na.



What was that?






















:)))

Never Ending Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon