Chapter 19

14 4 0
                                        







Levi's POV




Magdadalawang araw na at hindi pa rin nagrereply sa kahit anong message ko si Kai. Hindi rin s'ya nag-oopen ng social media accounts n'ya. Kaya wala na akong maisip na way para makausap s'ya, except sa pagpunta sa kanila. Pero hindi ako pinapayagan ni tito na pumunta sa kanila kahit na may bodyguard pa.





"I miss him so much." Sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko.




Sa dalawang araw na 'yun, kahit na pumapasok ako ay hindi ko pa rin makita si Kai. Sabi naman nila Kier na pumapasok s'ya, pero bakit hindi man lang n'ya ako mapuntahan? Ilang beses na rin akong nagpupunta ng Gate 1, pero ni minsan ay hindi ko s'ya maabutan. Tinanong ko na rin si Ate Veronica pero hindi pa daw uto dumadaan ng Kiana's o sa bahay nila.





Sa dalawang araw rin na 'yun ay mas naging makulit si Xavier. Tuloy na rin ulit ang pagpapadala ng death threat nang kung sinong psycho 'yun. My life is not as good as before, simula nang maisipan akong ilagay sa death list ng walang kwentang taong 'yun. Kung gusto n'ya 'yung pera, edi ibibigay ko na lang sa kan'ya. Magtigil lang s'ya.




"Levi, kain ka muna."





Napatingin ako kay Xavier na pumasok ng room namin na may dalang pagkain na mukhang tinakeout n'ya pa sa isang fast food.




"Hindi ako gutom." Sabi ko sa kan'ya.





"2:00 pm na oh. Nalipasan ka na ng gutom. Hindi ka rin kumain kaninang bre---"




"Pwede ba?! Tigilan mo muna ako?!" Inis na sabi ko kay Xavier at umalis na ng classroom.





Super stress na ako sa buhay ko. Dumagdag pa s'ya.



After nun ay hindi na ako pumasok sa ibang class ko, uwi na lang ako. Wala na akong pakealam. One of these days ay mamamatay rin naman ako. Bakit pa ako mag-aaral?




Hindi ako sa penthouse ko nakatira ngayon, dahi nagrequest si tita Alice na doon muna ako sa kanila para daw hindi s'ya sobrang nag-aalala. Dahil sa nangyayari ngayon ay ilang beses bumalik si tita sa OB n'ya. And thank God, wala namang masamang nangyayari sa bata. Basta 'wag lang daw pastress si tita.




Pagkadating ko sa bahay ay si tita agad ang sumalubong sa akin. Hindi na rin pala s'ya pinagtrabaho ni tito ngayon, dahil sa nanagyayari, para bawas stress daw.





"Oh, Levi. Ang aga mo ata ngayon." Sabi ni tita at binalik ang tingin sa kan'yang pinanonood. Sofia the first pa nga.




"Masama po kasi pakiramdam ko, tita." Sabi ko kaya napatingin s'ya sakin. "'Wag po kayong mag-alala. Ayos lang po ako." Pagsisigurado ko sa kan'ya, bago magpaalam na paakyat.




"Sige, inom ka rin ng gamot ha." Sabi n'ya at muling nanood.




Pagdating ko sa taas ay tinignan ko agad ang phone ko, pero wala pa ring message si Kai. Kaya binato ko na lang 'yun sa kama at nagshower bago nagpalit. Pagkatapos nun ay humiga na ako sa kama. Pero agad namang napatingin sa cellphone nang tumunog ito. Kinuha ko 'yun because I was hoping na it was Kai. But I was wrong.





Unknown Number calling...





I didn't answer it hanggang sa mamatay ang pagring nun. Baka 'yungg pesteng killer na naman 'yun. Pero ilang ulit pa s'yang tumawag kaya sa sobrang irita ko ay sinagot ko 'yun.





"Ano bang problema mo? Gusto mo akong patayin? Edi patayin mo!" Inis na sabi ko nang masagot ko ang tawag.




"Easy. Easy." Sabi nito kaya napahinto ako. Eto 'yung boses ng taong pinakanaiirita ako eh.



Never Ending Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon