Chapter 15

18 5 0
                                        






Monday na ngayon and next week na passing ko ng mga special projects ko. Pero dahil natapos ko naman na agad kaya ngayon na ako magpapasa. Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang faculty office nang may biglang kumuha ng iba kong dala.



"Lemme help you, miss." Sabi ng isang hindi pamilyar na boses, kaya napatingin ako sa kan'ya.




Who is this guy?



Hinawakan n'ya ang noo ko pero iwinaksi ko ang ulo ko, kaya napaalis s'ya agad.



"Grabe ang pagkunot ah." Natatawang sabi nito bago magpatuloy sa paglalakad habang hawak ang ibang plates ko.




Napatigil s'ya nang mapansing hindi ako gumalaw, kaya naglakad s'ya patalikod para makabalik sa pwesto ko.



"Let's go. Malelate ka sa pagpasa." Sabi n'ya at naglakad ulit, pero bigla na naman s'ya tumigil at bumalik sa pwesto ko at nagtanong. "Saan ka pala papunta?"



Imbis na sagutin s'ya ay kinuha ko 'yung mga plates ko, pero hindi n'ya binigay.



"Akin na. Kailangan ko ng umalis." Sabi ko, habang kinukuha ang mga plates ko pero hindi n'ya binigay. "Potakte naman!"




Galit na galit ko s'yang tinignan kaya napaatras s'ya ng slight.




"Ez." Natatawang pagpapakalma n'ya sa akin. Pero walang nagawa 'yun, eh wala namang nakakatuwa.



"I don't need your help." Sabi ko at kinuha ang mga plates ko sa kan'ya. Pero ang gago, sumunod pa rin. Buti na lang at hindi na s'ya nagpumilit na tulungan ako.



"By the way. Xavier, Xavier Paul Gray. Same course as yours, 2nd year---"




"No one's asking." Pagputol ko sa kan'ya at nagmadaling maglakad. Pero etong isang 'to, sakit sa ulo. Sumunod pa nga. Kaya I stopped and faced him. "What do you want?"




Habang ako ay iritang-irita na rito, kita ko naman ang isang tuwang-tuwang ekspresyon sa kan'yang mukha.



"You." Sabi n'ya ng nakangisi.



Aba ang tapang nito ah.



"Meron akong boyfriend." Sabi ko at nagsimulang maglakad ulit, pero mukhang pinaglihi ata sa kakulitan 'tong lalaking 'to. Sumunod pa rin at nagdadadada pa.



"May boyfriend ka? Okay lang. 'Di pa naman kayo kasal, pwede pang maagaw." Sabi n'ya na mas kinainisan ko. This guy is a freak.




Hindi ko na lang s'ya pinansin, kahit na sumunod s'ya at magsalita ng kung ano-ano d'yan. Kahit sundan n'ya pa ako habang buhay. Hindi ko s'ya papansinin.



Sa sobrang okyupado ng aking utak ay hindi ko na pansin ang isang lalaking nagmamadali na dumaan sa tabi ko, kaya nabangga ako nito. Nahulog ang mga plates at ibang gamit ko. 'Di man lang ako tinulungan nun, s'ya na nga nakabangga.



Lumuhod ako para kunin 'yung nga gamit ko nang mangealam 'tong asungot na ito.



"Sabi ko kasi tulungan na kita eh." Sabi n'ya at akmang kukunin ang mga gamit ko nang may magsalita sa gilid namin.



"Levi." Napatingin ako kay AC na may hawak na paper bag habang nakatingin sa lalaking kasama ko ngayon. "Pinapabigay ni Kai." Sabi n'ya bago n'ya iabot sa akin 'yung paper bag at s'ya na ang tumulong sa akin sa mga gamit ko.



Never Ending Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon