Nakatitig lang ako kay Kai for like, more than a minute. Kung hindi ko pa naramdaman 'yung hawak ni Xavier sa braso ko ay siguro inabot ako ng kalahating o isang buong oras na ganun ang posisyon ko.Kai looked at Xavier with a serious face, pero mukhang hindi magpapatalo si Xavier dahil ganun rin ang ginawa nun. Ampanget nga n'ya eh. Tinignan s'ya ni Kai from head to toe bago kami lagpasan para kunin ang order n'ya. After nun ay lumabas na lang s'ya.
Umalis na rin kami after nun. And pagdating ko sa penthouse ko ay dumeretso agad ako sa cr at sinimulang punuin ang bathtub. Nang okay na iyun ay nilublob ko ang sarili doon.
It's been years, simula nang mangyari ang lahat. Simula nung hindi na ulit s'ya nagparamdam. Balita ko ay super successful na n'ya. He's been representing Philippines sa CTF for like 5 years na rin with AC, Raze and Kier. Karami nga daw nag-aagawan na company sa kan'ya dati, but he chooses to be a CTF player. And balita ko may sarili na rin s'yang IT firm.
I can see that he's doing fine naman kahit wala ako.
I didn't get any explanation from him. I just want a simple explanation explaining everything, explaining the reason or reasons why he left. Did he really loved me or talagang ginamit lang s'ya ng tatay n'ya para mapalapit sa akin na target n'ya. And yes, I know it already. Matagal na.
Dumating ako sa punto ng buhay ko na sobrang nadepressed ako sa ng nangyayari, but still hoping na Kai will show his face sa akin, and hug me, and say 'everything's going to be already, love'. I even tried to kill myself kasi sabi ko, wala na rin naman sila mommy at daddy, and now, Kai is not here with me. Bakit hindi pa ako mawala rin diba? But then, nalaman ko 'yun, the truth. Kaya sinabi ko sa sarili ko, ipagpapatuloy ko lahat and I'll show him na it's his big lost na trinaydor n'ya ako.
After kong magbabad ay agad na akong nagpalit ng pantulog at dumeretso na sa kama ko para sana magpahinga na. But then, na rinig kong nagring 'yung phone ko. Eto na naman. Halos gabi-gabi kasi may tumatawag sa akin, gamit landline, regular 'yun ilang years na rin siguro. Pinatrack ko 'yung number and ang sabi dito lang sa building na 'to. Kapag sinasagot ko naman, walang nagsasalita. Tulad ngayon, naghello ako pero wala.
"You know what? Kung wala kang magawa sa buhay mo, 'wag ako ang---"
"Kuya---" Agad akong napatigil sa pagsasalita nang marinig ko 'yun. Shet may nagsalita. Pero kasunod nun ay ang pagbaba ng tawag.
Hindi ko na lang pinansin 'yun at blinock ko na rin 'yun number na dapat ay matagal ko ng ginawa.
Ilalagay ko na sana sa side table 'yung phone ko nang tumunog ulit 'yun.
Bugok calling...
"Levi! Kanina pa kita tinatawagan! Kaso is in another call ka!" Inis na sabi ni Xavier sa akin.
"Tumawag na naman 'yung palagi kong kwinekwento sa'yo ay?" Paliwanag ko sa kan'ya.
"Sabi ko kasi iblock mo na ih." Sabi n'ya.
Nagkwekwento kasi ako sa bugok na ito. Nakwento ko nga sa kan'ya 'yung about doon, at ang palagi n'yang sabi sa akin ay ayun nga, iblock ko daw.
"Bakit ka ba nambubulabog?" Inis na sabi ko sa kan'ya.
Sabi n'ya ay magfacetime kami so 'yun. Agad n'ya nilabas 'yung bagong bili n'ya na cellphone at pinakita 'yung bagong gawa n'yang tiktok. Ampupu, hindi na lang sinend.
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
RomansLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."