Lye's POVLooking at Levi in that situation makes me wanna leave this room. I mean, ghad, I can't stand looking at her with those tubes. She was close to being dead, ppl.
"Everything's going to be okay. She's going to be okay." Sabi ni Seb bago isandal ang ulo ko sa balikat n'ya.
Nandito kami ngayon sa hospital, ako si Seb at si Xavier. Kai is nowhere to be found. Minessage na s'ya ng mga kaibigan n'ya about sa nangyari, pero hindi pa rin s'ya nagpapakita. Before the incident ay hindi na rin talaga nagpaparamdam 'yung lalaking 'yun sa pinsan ko. Malapit ko ng ipahanap at sabunutan ang lalaking 'yun eh.
"Kain muna kayo." Napatingin kami ni Seb sa pintuan nang magbuksan 'yun. "Ako muna bahala d'yan, Xavier. Nandoon naman si daddy sa room ni mommy eh." Sabi ni Rye bago ibaba ang paper bag na hawak.
"Sige lang, mamaya na ako." Sabi ni Xavier na nakaupo ngayon sa tabi ng hospital bed ni Levi.
Bilid rin ako sa lalaking 'to. Pinagtatabuyan na, tuloy pa rin. Wala na ngang pag-asa, asang-asa pa rin. Sa sobrang strong n'ya, pati may jowa gugustuhin. President ata nang Agawers Group 'to eh. Potek 'yan, nahawa na ako kay Rye.
Tumayo na si Seb at inayos ang pagkain bago bigyan si Xavier ng makakain n'ya.
"'Tol oh. Kain ka muna." Sabi n'ya kay Xavier at inabot 'yung pagkain. Tinanggihan pa nga 'yun ni Xavier pero dahil mapilit talaga 'yang Seb na 'yan, napilit n'ya.
Nang mabigay na ni Seb 'yung pagkain kay Xavier ay tumabi na s'ya sa akin at sabay kaming kumain.
"Hindi pa rin ba dumadaan si Kai dito?" Tanong sa amin ni Rye na nagcecellphone ngayon.
"Hindi pa." Sabi ni Xavier habang nakatuon ang atensyon sa pagkain.
Napailing na lang si Rye at nagpatuloy sa pagcecellphone.
Mga ilang oras rin ay dumating na rin sila Lianne at 'yung ibang boys na nakauniform pa. Pero wala pa rin si Kai.
"'Di n'yo kasama si Kai?" Tanong ni Seb kaya tinignan namin sila.
"Nand'yan s'ya sa labas ah." Takang tanong naman ni AC. "Akala ko kanina pa s'ya nandito."
Nagtinginan kami ni Seb bago ako tumayo para tignan si Kai sa labas, pero hindi ko pa tuluyang nabubuksan 'yung pintuan ay narinig ko na agad ang boses ni daddy na mukhang galit.
"Diba sabi ko 'wag ka nang magpapakita dito?!" Galit na sabi ni daddy.
"I just wanna check her condi---"
"Now you're concern?" Putol ni daddy kay Kai. "Samantalang kasabwat ka ng tatay mo! Hindi ba?!"
Kai move a bit before talking.
"Tito, I don't know anything about---"
"'Wag mo ng linisin ang pangalan mo. Dahil kahit anong sabihin mo, hindi ka na makakalapit kay Levi. Naiintindihan mo?!" Galit na putol ni daddy sa kan'ya. "Now, leave!" Sabi ni daddy, kaya wala ng nagawa si Kai kundi ang umalis.
Hindi ko maintindihan kung bakit pinaaalis ni daddy si Kai. Tsaka anong kasabwat ng tatay? Bumalik lang ako sa wisyo nang kalabitin ako si Seb.
![](https://img.wattpad.com/cover/223043272-288-k152533.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
RomanceLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."