Chapter 20

10 4 0
                                    







Third Person's POV




"Sam?"




Gulat na gulat si Levi nang maaninagan n'ya si Sam sa gilid. May hawak na baril na nakatuktok sa kan'ya.




"Tama ka." Sagot naman ni Sam bago humalakhak ng napakalakas.




Agad namang nakaramdam ng kilabot sa katawan si Levi, nagsitaasan ang mga balahibo sa buong katawan. Narinig ni Rye ang pagtawang iyon mula sa loob, kaya lumabas s'ya.



"Sam, ano 'to?" Nanginginig na tanong ni Levi.




Tumingin ito sa harapan at nakita n'yang lumabas ng bahay si Rye na gulat na gulat sa nakikita.




"Ano 'to?" Tanong n'ya pabalik bago humalakhak muli. "Ito ang tinatawag na paghihiganti, Levi." Sabi n'ya na ikinataka ko.




Sinenyasan ni Levi si Rye na bumalik sa loob, ginawa 'yun ni Rye ngunit bumalik na kasama si Lye at si tita Alice.




'Pucha, ba't si tita Alice.' Kabadong sabi ng isip ni Levi.



"Levi!" Sigaw ni Alice kaya napatingin sa kan'ya pati si Sam.




"Oh, look who's here." Sabi nito at bumalik ang tingin kay Levi. "Hi tita." Bati n'ya at bumalik ang tingin kay Levi.




Hindi nagtagal ay dumating si Philip kasama ang kan'ya mga tauhan at tinutukan si Sam.




"Levi, paki sabi nga sa kanila na ibaba ang mga baril." Utos ni Sam kay Levi. "Sabihin mo!" at mas diniin sa sentido ni Levi ang baril.





"Ibaba n'yo 'yung baril, tito!" Sigaw ni Levi pero hindi iyon sinunod ni Philip.




"Ibababa n'yo 'yan o wasak ang bungo ng pamangkin mo, Philip!" Wala galang na sigaw ni Sam kay Philip.



Agad namang inutusan ni Philip ang mga tauhan na ibaba ang baril.





"Tangina, Sam! Ba't may ganito?!" Galit na sigaw ni Lye na papalapit na sakanila Levi, pero agad na napatigil nang mas idiin ni Sam ang baril sa ulo ni Levi.




"'Wag kang lalapit! Patay 'tong pinsan mo, loko!" Sabi ni Sam at agad na napangisi nang nakita ang takot sa mata ni Lye. "Gusto n'yong malaman ang totoo? Kung bakit ganito? Sige, sasabihin ko sa inyo." Sabi nito at nagsimulang magkwento.





Flashback





College palang sila Anton ay may gusto na s'ya ni Jessica. Kaya naman nang malaman nito na hiring ng bagong sekretarya si Anton ay nag-apply agad ito kahit na maganda naman na ang posisyon n'ya sa dating trabaho.





Tumagal ang pagtratrabaho ni Jessica doon sa kompanya ng halos tatlong taon. Hanggang isang gabi ay nagkaroon nang kasiyahan ang mga empleyado ng Martirez Company kasama ang kanilang boss na si Anton Martirez.




"This is for our successful project." Sabi ni Anton at nagpasalamat sa mga kasama.




Hanggang sa lumapit ang kan'yang sekretarya.





"Sir, drinks?" Maakit na sabi ni Jessica.




Tinanggap iyon ni Anton at ininom, binaba n'ya sa lamesa ang bago bago kumuha ng makakain. Ngunit hindi nagtagal ay nakaramdam ito ng hilo, umupo sa isang tabi at sinandal ang likod nito sa sandalan ng upuan.





Never Ending Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon