"Anak ng langgam na violet! Alam n'yo ba, 'yung nanay ko? Pinapapunta ako sa mga ninong ko!" Inis na sabi ni Lianne kaya natawa kami.
Lumaki kasi sa probinsya ang mama ni Lianne, kaya nakasanayan n'ya 'yung ganung tradisyon. Na kapag Christmas magbabahay-bahay ang inaanak para humingi ng pamasko sa ninong at ninang.
"Punta ka, samahan ka namin. Pera rin 'yun." Sabi naman ni Rye, kaya mas nagtawanan kami.
Magkakavideo call kami ngayon. At wala pa akong tulog mga mamser. Kaaga-agang naman kasing tumawag ni Lianne, para lang sabihin 'yun.
Mga ilang oras pa kaming nagkwentuhan bago nila naisipang patulugin kaming tatlo.
"Sige na. Kalalaki ng eyebags niyo." Natatawang sabi ni Sam.
"Tanga, ikaw rin naman." Biro rin ni Rye kay Sam bago magpaalam at ibaba ang tawag.
Dito natulog si Kai at Seb. I mean sa guestroom. Anong oras na rin kasi kaming natapos mag-inuman kanina. Buti nga nakarating pa ng guess room 'yung dalawa ng ligtas at mapayapa.
After ilang days naging maayos naman ang lahat, which is a good thing. Siguro ay nagholiday break rin 'yung taong 'yun. Sana naman ay bibisitahin namin ang bagong taon ng mapayapa at masaya.
"Woy, matagal pa deadline n'yan. Itigil mo muna." Tinignan ko si Rye na kakapasok lang ng study room ko.
Nandito ulit ako sa penthouse ko, umuwi ako day after Christmas and pinasama naman ni tita Alice sa akin ang kambal. So paranoid ni tita, pero okay lang naman sa akin. At least hindi ako loner. Babalik rin naman kami ng day before New year para sama-sama ulit kaming magcelebrate. Umuwi na rin si lola Franchesca sa states, para doon magcelebrate ng New Year.
"Special project na nga ito. Kaya kailangan kong matapos agad. Kapag 'di ko natapos at napasa 'to, for sure marami akong mababagsak." Naglaline ako nang hawakan ni Rye ang kamay ko at binuhat palabas ng study room ko.
"Ituloy mo na lang 'yan after break. Mag-enjoy ka naman. Dinaig mo pa si Lye eh." Sinasabi n'ya 'yun habang sinasarado ang pintuan ng study room ko.
Dinala n'ya ako sa room ko bago ako ibagsak doon sa kama.
"Babalik na tayo bukas sa mansion. Kaya kailangan mong magpalit ngayon dahil aalis tayo."
"Saan tayo pupunta?" Sinubukan kong tumayo pero nakadagan s'ya sa akin kaya hirap ako.
"Grocery. May inasikaso saglit si mommy kaya 'di sila makakapaggrocery ni daddy." Napatingin ako kay Lye na bihis na. "Kaya gumayak ka na."
Tinulak nila akong dalawa sa cr kaya wala na akong choice kundi ang gawin ang gusto nila.
"Kami na kukuha ng damit mo."
After ilang minutes ay natapos na rin ako. Lumabas ako at dumeretso sa closet. Nakita ko naman agad 'yung prinepare nilang damit na susuotin ko. Sinuot ko 'yung bago ako mag-ayos. Naglagay lang ako ng powder at liptint para 'di ako mukhang pale.
Pagkalabas ko ay inaya ko na 'yung dalawa para matapos na rin kami agad. Isa lang dala naming sasakyan, shempre. Alangan tatlo pa, edi mukha kaming tanga, diba? Natraffic pa kami ng onti bago makarating sa mall. Medyo natagalan rin kami. Paano, may malapit naman na mall, pero dito pa sa Duty Free gusto nung dalawa. Eh kalayo nito sa amin.
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
RomanceLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."
