Chapter 28

16 4 0
                                        







Today na ang CTF, and kagabi, bago umuwi si Kai ay binigyan n'ya ako ng ticket. Oo, umuwi s'ya. Matapos kong marinig ang usapan nila nung kausap m'ya ay medyo nawalan ako sa mood. Nakaramdam siguro kaya napilitang umalis.



What was that? Anong plano 'yun? Is he plaaning something to break me or to ruin my life again? Sa anong dahilan naman ngayon? Well, I'm not gonna let him do the same thing that he has done to me, years ago.



Nalaman ko rin na after ng training nila kahapon ay dumeretso agad s'ya sa penthouse ko, kaya pala mukha s'yang pagod. Pero ang hindi ko nalaman ay ang kung paano n'ya nalaman kung saan ako nakatira. Eh lumipat nga ako ng tirahan diba?



Nandito ako ngayon sa penthouse ko at nag-aayos. Hindi ko nga alam kung pupunta ako ng CTF or hindi eh. After I heard him saying 'tuloy ang plano', sinong hindi maghehesitate diba?



Habang nag-aayos ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell kaya napakunot ang aking mga noo. Sino na naman 'to? Pumunta ako sa pintuan at binuksan iyon. Pagkabukas ko ay agad akong nagulat nang makita si Lianne.



"Bakla! I miss you!" She went closer to me then hug me tight.



Medyo matagal rin kaming hindi nagkita nito, mga 3 days. Palagi kasing labas ng bansa ng loka na ito, dahil sa Cabin Crew na s'ya, pak na pak.



"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at pinapasok s'ya.



Maaga pa naman kaya sure akong hindi ako malelate.



"Tara, nood CTF." Sabi n'ya kaya napakunot ako. "Supportahan lang natin jowa natin-este support natin jowa ko pala." She giggled then did a peace sign.



"Busy akong tao, Lianne." Sabi ko then stand para sana iwan s'ya doon, pero pinigilan n'ya ako.



"Sige na. Lilipad na naman ako n'yan oh." Pilit n'ya sa akin habang hawak ang kamay ko.



"Tanga? May pakpak ka ba?" Taas kilay na sabi ko sa kan'ya.



"'Di mo sure." Sabi n'ya at nagpatuloy sa pagpilit sa akin, at sa huli ay napilit n'ya nga ako mga mamser. Awit.



Nagpalit muna ako nang mas comfortable na suot bago tawagan si Kimberly.



"Kimberly, pacancel lahat nang nasa schedule ko ngayon. Emergency lang. Thank you." Sabi ko pagkasagot n'ya ng tawag ko, hindi ko alam kung may importante ba doon o wala. Pero kasi hindi ako titigilan ng babaeng 'to eh.



"Okay po." Sabi n'ya bago ako ulit nagsalamat sa kan'ya. "Ay ma'am, hinihintay po pala kayo ni sir Xavier dito sa office n'yo po." Sabi n'ya kaya nagulat ako. Kaaga namang mambulabog nun.



"Ah, sige. Tawag ko na lang s'ya." Sabi ko. "And you're calling me ma'am again, Kimberly." Natatawang sabi ko bago magpaalam.



"Tara na?" Sabi ni Lianne pagkalabas ko ng room ko kaya tumango ako.



Habang papunta kami ng elevator ay tinawagan ko na si Xavier, sinagot naman n'ya agad 'yun.



"Woy, kaaga mo naman daw mambulabog sa office ko?" Natatawang sabi ko nang sagutin n'ya ang tawag ko.



"Ha?" Sabi n'ya. "Hakdog." Tuloy n'ya at tumawa.



"Luh."



"Bakit ba wala ka pa? Mag-alas otso na oh." Tanong n'ya.



Never Ending Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon