Chapter 4

27 11 0
                                    







"Pasenya na ulit."



Inayos ko lang 'yung pagkapark ko ng sasakyan para makalis siya. Hindi pa naman kasi ako aalis kasi hindi pa naman kami tapos kumain ni Seb.



"Una na ako." Paalam ko naman nang mapagtantong hindi na talaga siya magsasalita.



Edi 'wag kang magsalita. No problem. Duuh



"Yeah. Seems like you have a date."



Pumasok na siya sa sasakyan niya at pinaharurot ito agad.



Okay? What was that?



Nagkibit-balikat na lang ako bago bumalik ulit sa loob. Sinalubong naman ako ni Seb ng isang mapangloko at malawak na ngisi.



"Parang kang asong ulol." Umupo na ako at nagsimulang kumain ulit.



"Ulol lang, walang aso,"



Nagbiruan pa kami ng konti habang kumakain hanggang sa mabusog kami. Pangdinner na nga ata 'yung kinain namin eh.



After kumain ay dumeretso kami sa mall at nagpunta sa arcade. Naglaro lang kami ng naglaro hanggang sa napagod. Tapos bandang 7:00 ay nagsiuwian na kami, kasi for sure pinaghahanap na si Seb ng magulang niyang super strict, kahit matanda naman na siya.



"Bye, Ivel." Tumatawa takbo niya papunta sa kotse niya.



May ubo talaga 'yun sa utak.



Sumakay na rin ako sa sasakyan ko bago umalis na nga kami. Nang pagkarating ko sa penthouse ay nakita ko agad si Lye na nasa living room at nanonood ng Netflix. Nakapajama na rin 'to at hawak niya 'yung favorite niyang stuff toy.



Nang makita niya ako ay tumayo siya baho iabot 'yung ube cake na kanina pa pala nakapatong sa coffee table. Binuksan ko 'to at napasimangot nang makita 'yung nakasulat doon.



'sorry Levitot.'



"Sorry kung nasigawan man kita kanina or what ha." Tumingin ako sa kan'ya pagkatapos ibaba 'yung cake. "Kasi naman, akala nakakatuwa." Patuloy niya ng nakapout bago ako yakapin.



Sabi sa inyo eh, hindi ako matitiis nito.



"Hoy! Ano 'yan? Ano 'yan? Ba't 'di ako kasali?" Tumakbo palapit sa amin si Rye na mukhang kalalabas lang ng room nila dito sa penthouse ko.



Hay. Oh, Lord. I love these girls.



After ng mini drama namin doon ay nagdinner kami. At kahit busog pa ako ay sumabay ba rin ako sa kanila. Konti nga lang ang kinain ko.



Things went smoothly sa aming lahat this passed weeks. Maaga kong natapos ang mga plates ko kaya maaga rin akong nakapagpasa. Ilang beses rin kaming bumalik sa Uno para magchill. Pero sa tuwing nagpupunta kami doon ay halos hindi ako mapakali. Parang palagi akong may hinahanap na ewan.



Ngayon ay papunta kami ulit doon dahil Saturday ngayon at walang pasok bukas. 6:30pm palang ang oras ngayon pero tapos na akong mag-ayos, kahit 7:30 pa naman ang usapan namin. Ewan ko ba parang excited ako ngayon.



Last, last week pa umuwi sila Lye sa bahay nila kaya loner naman ako dito sa tirahan ko ng ilang weeks na rin. Pero okay lang, sanay naman na akong mag-isa. Char.



Tinawagan ko si Lye para sabihin nakaayo na ako. At para ayain na siyang pumunta sa Uno.


"Hello, Levi?"



Never Ending Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon