Levi's POV
I turn off my phone the moment that I got here in Pale, an Island far from our city. This island is so peaceful, no one dares to go here kasi ang daan papunta dito ay medyo mapanganib. Parang rollercoaster na sobrang tirik tapos biglang pababa, hindi pa nakasemento. Tapos after nun, sasakay ka pa ng bangka, 10 minutes rin 'yun.
Pero walang makakapigil sa akin. Hindi ako pabebe girl, pero walang makakapigil sa akin.
Hindi dahil sa hindi ito dinadagsa ng mga tao ay wala nang mga tao rito. Ang pinagkaiba lang ay ang mga bahay dito ay bahay kubo. Walang ring signal at kahit anong modern things like gadgets and cars.
"Isang napakagandang binibini."
"Ang kinis."
"Mukhang mayaman ito."
All of them are shocked and at the same time amused nang makababa ako ng bangkang sinakyan ko. Halatang hindi sila sanay sa bisita.
"Magandang hapon po. Pwede po ba akong magtanong?" Tanong ko nang makalapit ako sa isang babae na hindi ganun katandaan
"Sige, iha. Ano 'yun?" Sagot nito.
"Saan po ako pwedeng makituloy ng mga ilang araw po? Kahit magbayad na lang po ako ng---"
"Iha, sa bahay ko. Maaari kang tumuloy ng libre." Nakangiting putol n'ya sa akin. "Ako nga pala si nanay Merlie."
Inabot ko ang kamay n'yang nakalahad at nagpakilala rin.
"Napakaganda mong dalaga." Tuloy n'ya pa.
Pinabalik na ni nanay Merlie ang mga kasama n'ya sa kanilang mga bahay, dahil sa nagkumpulan nga sila kanina nang dumating ako.
Tinulungan ako ng pamangkin ni nanay Merlie na dalhin ang mga gamit ko papunta sa bahay nila. Bale, pang-isang lingo ang dala kong damit. Hindi ko rin sinabi kahit kanino kung nasaan ako. Ang tanging sinabi ko lang kay Rye at Kimberly ay mawawala ako ng isang linggo.
"Bakit ka nga pala napunta dito, iha? Mukhang tara syudad ka ah." Sabi ni nanay Merlie nang makaupo ako sa kahoy na upuan nila.
"Nais ko lang po magbakasyon, 'nay." Sabi ko sa kan'ya.
"Alam mo bang minsan kong naranasang manirahan sa syudad?" Sabi n'ya nang makaupo s'ya sa harapan ko. Kaya napatingin ako sa kan'ya. "Para maiunlad ang pamilya ko at mga kasamahan ko dito. Pero iba ang nahanap ko. Nakahanap ako ng isang pag-ibig na magbibigay ng sakit sa akin."
Nakita ko ang lungkot sa mukha ni nanay Merlie habang nagsasalita, but she hides those pain behind her smile. Nang magsimulang magkwento si nanay Merlie ay pinagmasdan ko na lamang ang malungkot n'ya mukha.
"Pagdating ko sa syudad ay tinulungan ako ng isang babaeng nakilala ko na mamasukan bilang isang katulong. Natanggap naman ako dahil sa marunong naman ako sa mga gawaing bahay. At doon ko nakilala si Leonardo, anak ng amo ko. Isang napakagwapo at maginoong lalaki. Mayaman ngunit mabait." Masayang kwento n'ya. "At hindi nagtagal ay nahulog ako sa kan'ya, at hindi ko rin inaasahang ganun rin s'ya."
Umayos s'ya ng upo at tumingin sa akin ng nakangiti.
"Napakasaya namin dalawa, makikita mo ang pagmamahalan. Ngunit nang dahil sa isang aksidente ay nawala lahat ng pangarap namin para sa isa't-isa." Napalitan ng lungkot ang kaninang masayang mukha ni nanay Merlie. "Ayaw sa aking ng mga magulang n'ya, kaya inutusan nila akong makipaghiwalay kay Leonardo. Wala akong magawa, kaya sinunod ko sila. Matapos kong gawin ang gusto ng mga magulang n'ya ay nabalitaan kong naaksidente ito dahil sa kalasingan. Binisita ko sa hospital si Leonardo nang mabalitaan kong nagising ito. Ngunit laking gulat ko nang s'ya na mismo ang nagpalayas sa akin."
Hindi ko napigilan ang aking pagluha nang marinig ang kwento ni nanay Merlie.
"Mahal." Nagulat akong tumingin sa pintuan nang may magsalitang isang lalaki na mukhang halos kaedad lang ni nanay Merlie.
"Mahal." Sabi ni nanay Merlie at tumayo para salubungin ang lalaki. Kaya napakunot ako ng noo.
Pero sabagay, siguro ay nakamove on na si nanay Merlie at piniling dito na lang humanap ng mapapangasawa. Ngunit laking gulat ko nang ipakilala ito sa akin ni nanay Merlie.
"Nga pala, Levi. Ang tatay Leo mo." Sabi n'ya kaya mas napakunot ang noo ko. Lumapad naman ang ngiti ni nanay Merlie. "S'ya 'yung kwinekwento ko sa'yo."
Agad akong napatakip ng bibig nang sabihin n'ya iyon. Paano nangyari iyon?
"Anong sinasabi ni nanay Merlie mo sa iyo, ija?" Natatawang sabi ni tatay Leo at inakbayan si nanay Merlie.
"S'ya po si tatay Leonardo?" Gulat na sabi ko kay nanay Merlie.
"Oo." Natatawang sabi n'ya. "Nang makaalis ako ng syudad ay laking gulat ko nang may sumunod pala sa akin na isang napakagwapong nilalang."
Napabitaw si tatay Leo kay nanay Merlie at mukhang naintindihan n'ya ang usapan namin ni nanay Merlie dahil s'ya na ang nagtuloy ng kwento.
"Nang makalabas ako nang hospital ay nalaman ko ang ginawang pangbabanta ni mama at papa kay Merlie. Kaya lumayas ako ng bahay namin at sinundan s'ya dito sa Pale." Sabi n'ya at umupo sila ni nanay Merlie sa tabi ko. "Minsan kasi, hindi lahat ng naririnig mo ay totoo. Hindi rin pwedeng sa isang side ka lang magstick. You also need to hear the other side of the story. Kasi kung hindi, you'll end up regretting everything kapag huli na."
Sabi ni tatay Leonardo nang nakangiti, bago yakapin si nanay Merlie.
"Tignan mo, kung hindi ko pa malalaman ang totoo ay hindi siguro ako ganito kasaya ngayon." Tuloy n'ya habang nakatingin sa asawa. "Kaya ikaw, kung ako sa'yo. Bago ka maniwala sa mga bagay-bagay, alamin mo muna 'yung buong kwento. 'Wag tayo sa puro tamang hinala."
Naputol ang malalim naming usapan ng makarinig kami ng ingay sa labas.
"Anong meron?" Tanong ni nanay Merlie sa asawa.
"Baka alam ko." Natatawang biro ni tatay Leo kaya hinampas s'ya ng mahina ni nanay Merlie sa braso.
Sabay-sabay kaming lumabas para makiusyoso.
"May bago na namang bisita."
"Napakagwapo."
"Galing rin ata ito ng syudad."
Habang papalapit kami sa kumupulan ay s'ya ring pagbilis ng tibok ng puso ko sa hindi mawaring dahilan. And I can also feel nervous which is very strange.
Nang tuluyan kaming makalapit doon ay laking gulat ko nang maaninagan ko kung sino ang dumating. Bakit s'ya nandito?
Tumingin s'ya sa gawi ko at mukhang nagulat rin nang makita ako dito.
"Iho?" Tawag ni nanay Merlie sa kan'ya nang mapansin napatulala ito, ngunit hindi s'ya pinansin nito kaya tinapik s'ya ni tatay Leo.
"Iho?" Tawag ni tatay Leo kaya napatingin ito sa kan'ya.
"Sorr--- I mean, pasensya na po." Sabi n'ya at nagbow ng kaonti, pero tinawanan lang s'ya ni tatay Leo.
"Ako nga pala si tatay Leo." Pagpapakilala n'ya.
"Ako naman po si Kai." He said before he looked at me.
:)))
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
RomanceLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."
