This is it, today is the day ng competition nila Kai. And dito s'ya sa DCU gaganapin kaya kapag natalo kami dito, nakakahiya. Natalo kami sa teritoryo namin. Kaya, I'm sure my Kai, I mean, DCU CCS will do their very best to win this competition."Ay pak, girlfriend na girlfriend." Biro sa akin ni Sam nang makita ang suot kong damit.
'Yung laman pala ng paper bag na hawak ni Kai kahapon is a printed shirt na may nakalagay na, 'Kai Nambawan' at sa baba nung ay maliit na 'DCU CCS'.
Ako lang may ganito, shempre ako lang naman ang girlfriend ni Kai, wala ng iba. At kung meron man, ewan ko na lang sa lalaking 'yun. Baka ipangpain ko na lang siya sa gustong pumatay sa akin.
"Oh, nand'yan na si Kai Nambawan mo." Napatingin naman ako sa direksyon kung saan nakatingin si Lye. And there, I saw Kai, smiling.
Hinintay ko siyang makalapit sa akin while smiling back at him. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi nang halikan niya ako sa noo, pagkalapit na pagkalapit niya. Kaya napatakipnako ng mukha ko.
"Why?" Natatawang sabi ni Kai habang pinapaharap niya sa kan'ya 'yung mukha ko.
"'Tol, bakit 'di natin nararanasan 'yung pagkasweet ni master Kai 'no?" Rinig kong sabi ni AC na nasa likod ni Kai.
"Ikaw nga AC, umamin ka. Bakla ka ba?" Sabi naman ni Raze, kaya natawa kaming lahat.
Mga ilang minutes na lang ay magsisimula na ang competition. Ang unang game ay 1v1. So ibig sabihin, dalawang tao lang ang maglalaban. Four universities lang ang nandito ngayon. Kailangan ng apat na player from each school para sa 1v1, at ang kasali sa amin ay si Kai, Kier, Raze and AC.
Para malaman mo kung sino ang makakalaban mo ay may ibibigay sa'yo na maliit na gadget na may pindutan. Tapos kapag pinindot mo nun may lalabas na roleta sa screen na iikot tapos kung kanino magstop, 'yun ang mgakakalaban mo. Kapag natalo ka, laglag ka na.
Ang makakalaban ni Kai ay from University of Santo Benjamin. Which is masasabi nilang easy lang talaga. Kapag nanalo siya doon, next round na for him.
"Cap, easyhan mo muna sa una." Sabi ni Raze nang papunta na sa stage si Kai. Siya na ang makikipagfighting-fighting there. And he doesn't seem to be nervous or what. Siguro talagang easy lang 'yung kalaban niya.
Hanggang sa natapos na silang apat, at good thing, nanalo sila ng first game nila. Pero nang dumating ang second game nila, unang nalaglag si AC, then third game na laglag si Kier and Raze. Hanggang sa last game ng buong competition na 'to. Si Kai and 'yung pinakamagaling na IT student ng Saint Christopher University na lang ang natira.
Last competition daw ay muntik nang matalo ang DCU nang dahil sa kan'ya. Pero mas magaling pa rin naman daw si Kai. Pero hindi pa rin maalis ang kaba sa kanila, dahil nakalaban daw nila 'yun dati, friendly competition lang. And natalo daw sila, kahit meron si Kai.
"Hey, you can do this. Okay?" I held Kai's hand then squeezed it, kaya napatingin siya sa akin. I smiled at him.
"He's easy." Nakangising sabi niya kaya napanganga ako.
The heck? Napakayabang talaga.
Natawa siya sa reaction ko before kissing my forehead. Umakyat na ulit siya sa stage. Nang magshake hands sila, halata ang tension between them. Nakita ko pa ang pagngisi ni Kai nang may sinabi 'yung from SCU.
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
RomanceLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."