"Levi! Tagal mo!"Nandito ako ngayon sa room ko dito sa resort, at in just 5 minutes ay magstart na rin ang party.
Inaayos ko na lang ang buhok ko nang kumatok si Rye sa kwarto ko, at pinagmamadali ako.
"Palabas na!" Sabi ko at dumeretso na sa pinto.
Pagkalabs na pagkalabas ko ay isang napakagandang bouquet of flowers ang bumungad sa akin. Sinilip ko kung sinong may hawak nun, ngunit hindi ko makita. Hanngang sa bumaba ang bulaklak at niluwa nito ang mga ngiting nakasilay sa mga labi ni Kai.
"Bye!" Biglang singit ni Rye bago tuluyang umalis at iniwan kami ni Kai
"Hey, beautiful. Happy birthday." Sabi ni Kai at inabot ang bulaklak sa akin.
Natawa na lang ako, pang-ilang beses na bati n'ya na kasi iyon sa akin. Pero nagthank you pa rin naman ako.
"Let's go?" Aya niya sa akin kaya tumango ako.
"You look stunningly gorgeous, Levi." Biglang pangpuri sa akin ni Kai habang inaalalayan ako.
Isa pa 'to sa napansin ko kay Kai. Naging bolero siya. Keenez, kenekeleg eke.
"Para kang ewan." Tanging sabi ko kaya natawa na lang siya.
Nagpatuloy siya sa pangbobola sa akin hanggang sa makarating kami sa hall ng resort, dahil doon gaganapin ang paunang birthday celebration ko. This is a formal celebration muna for formal people rin, tulad ng mga close friends nila mommy. Tapos mamaya ay 'yung parteh, parteh na.
Oo nga pala. Matagal na rin nang makauwi sila tito Philip, kaya kasama sila ngayon sa celebration. And nag-invite rin sila ng mga business partners nila at nila daddy nung buhay pa siya. Ang ilan ay pamilyar na sa akin dahil sa nakita ko na rin sila noon nung bata pa ako.
"Happy birthday, Levi, Anak." Napalingon ako sa aking likuran ng may nagsalita roon.
And there, I saw Tita Alice, looking gorgeous in her red dress. She looks exactly like my daddy. Well, they're siblings.
"Thank you, tita." Sabi ko at niyakap siya.
Kinuha ko 'yung regalong bigay niya bago siya magpaalam para daw ma-entertain ko daw ang ibang bisita ko.
Pumunta muna ako sa mga lagayan ng regalo at binaba doon ang bigay ni tita Alice bago i-welcome ang ibang guests. Medyo nakakapagod 'tong ginagawa ko pero kailangan. I don't wanna be rude.
"Hey, you okay?" Bigla naman akong napatingin kay Kai nang magaslita siya.
Kararating lang niya at may hawak siyang baso ng tubig. Inabot niya 'to sa akin, so i slightly bowed my head bilang pagthank you.
"Yes. Medyo masakit lang lalamunan. Dami kasing bisita eh. Pero keri naman." Sagot ko.
The formal party went great. Walang ano mang nangyaring hindi maganda. And that's good. At hanggang sa matapos ay hindi umalis sa tabi ko si Kai. Nagtatanong na nga 'yung ibang, kung boyfriend ko daw ba siya. Eto namang si Kai, ang sinasagot, 'soon'. Akala mo sure na siyang sasagutin ko eh. Duh.

BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
RomanceLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."