short
"5!"
In just 5 seconds, Christmas na. Nandito kami ngayon sa may living room, sumasabay sa pagcountdown. Tumawag rin si Kai kanina nang magsimula ang pagcountdown lahat. Kaya ngayon hawak ko ang phone ko while Kai is on the screen.
"4!" Sabay-sabay na sigaw namin.
We decided na our Christmas will be a slumber party, para deretso higa na daw mamaya. Char. So now, I'm wearing a black and white short pajama set na stripes.
"3! 2! 1! Merry Christmas!" Sabay-sabay na sigaw namin. Binati namain ang isa't-isa bago kami pumunta sa part of the living room kung saan nakatayo ang Christmas tree.
"Merry Christmas, love." I look at Kai over the phone and greeted him, as well. Before giving him a flying kiss. Umarte naman s'ya na sinapo niya 'yun, kaya natawa ako.
"Hey, baba ko muna 'yung tawag ha? Para magkaroon ka ng time sa family mo, pupunta ka naman dito mamaya. Okay?" Tumango naman siya before we bid goodbye. Grineet pa s'ya nung kambal bago ko ibaba 'yung tawag.
Ngayon, magbibigayan muna kami ng gift bago kami kumain. Ang first na magbibigay ng gift ay si lola Franchesca.
"This is for you, anak." Inabot ni lola Franchesca kay tita Alice ang isang box.
Nang buksan ni tita Alice 'yun ay nagulat kaming lahat, bago magtawanan. It's a set of baby bottles. Aanhin naman daw kaya ni tita 'yun.
"What the?" We all looked at tito Philip, looking shocked and confused.
Sabay-sabay naman kaming napatakip ng bibig nang marealize ang mga nangyayari.
"Mom?! You're preggy?!" Sabay-sabay rin kaming tumili nang tumango si tita Alice sa tanong ni Rye.
Tita looked at tito Philip before going near him. "You're going to be a dad, again."
The gift giving continues after that revelation from tita and lola. Biniro pa nga ni lola si tito Philip eh. Kunware, one box of condom ang regalo.
It took us an hour sa paggigift giving. Kaya after nun ay chineck ko ang phone ko, at sakto namang nagmessage si Kai na he's on his way na daw here.
"'La, papunta na daw po si Kai." Ngumiti si lola bago tumango.
"Si Seb rin po." Tumango rin si lola kay Lye before looking at Rye at hinihintay itong magsalita.
"What?" Iritang tanong n'ya. Kaya natawa kaming lahat.
After how many minutes ay nakarinig kami ng busina from labas. Si lola naman ay mukhang excited, s'ya pa nga ang sumalubong sa dalawa.
"Merry Christmas po." Sabi ni Kai sabay abot ng isang isang box. "It's cupcakes po, from my mom po."
Tinanggap 'yun ni lola bago iabot sa akin. Ginawa pa akong tagahawak.
"Ho! Ho! Ho!"
Lahat kami ay gulat nang pumasok si Seb na may dalang big red bag, naka beard pa s'ya and may malaki ring tyan.
"The heck?!" Maging si Lye ay gulat rin sa pakulo ng boyfriend n'ya.
Nandito na kami sa sala. Kitang-kita namin ang tuwa sa mukha ni lola habang kinakausap ang dalawang lalaki. Paano, puro kami babae. Pati mga pinsan namin sa States, puro babae rin.
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
RomanceLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."