Chapter 25

15 3 0
                                        







Ilang days rin nagstay si Dindy sa hospital, at ngayon ang araw na madidischarge na s'ya. Pinacancel ko rin lahat ng gagawin ko ngayon just to make sama-sama of this baby girl. She wants to go to the mall rin kasi, but his daddy is busy sa work dahil may project silang inaasikaso. Ayaw pa ngang pumayag ni Xavier nung una dahil baka mabinat daw si Dindy pero shempre, spoiled sa akin 'tong batang ito kaya walang nagawa si Xavier.



"Tita mommy. I wanna wide a wowercoastew!" (rollercoaster) Masayang sabi ni Dindy habang may pinopoint sa ipad na hawak n'ya kaya agad akong napatingin  sa kan'ya.



"It's very dangerous, baby." Sabi ko, binaba ko muna 'yung mga gamit namin na inaayos ko bago lumapit sa kan'ya. "Manang ikaw po muna ha." Sabi ko kay Manang na kasama kong nag-aayos.



"But, I wanna wide po." (ride) Sabi ni Dindy tapos binaba 'yung ipad at yumuko. Aw, nagpapacute.



"Dada will get mad, bahala ka." Sabi ko tapos umupo ako sa tabi n'ya then binuhat s'ya.



"Tita mommy, pwease?" (please) Sabi n'ya pa at pinag dikit ang mga palad n'ya then pumikit-pikit. Nakuha n'ya 'yun sa daddy n'ya. Ganun ginagawa nun eh, kapag pinipilit ako.



Tumawa ako kaya mas naging wide 'yung smile n'ya, pero nawala rin 'yung nang umiling ako.



"Nope." Sabi ko kaya yumuko na naman s'ya. "You can ask anything except for that Dindy. Okay?" Tumango lang s'ya before kissing me sa cheeks.



"Yes po, tita mommy."



Simula nung napunta kay Xavier si Dindy ay kasama n'ya ako sa pag-aalaga dito. Hanggang ngayon na patanda s'ya ng patanda. Kaya nasanay na rin siguro s'yang tawagin akong tita mommy. Palagi n'ya kasing hinahanap ang mommy n'ya. One-time sabi n'ya, 'tita, can I call u mommy?' shempre naawa naman ako kaya pumayag na ako. Simula nun tita mommy or mommy na tawag n'ya sa akin.



After nun ay tinulungan ko na ulit si Manang Yolie sa pag-aayos.



"Ma'am, sigurado po ba kayong hindi kayo ang nanay ni Dindy?" Biro sa akin ni Manang habang nag-aayos kami, kaya natawa ako.



"Siguradong-sigurado po ako, Manang." Sabi ko sa kan'ya.




Hindi alam ni Manang kung nasaan at anong nangyari sa mommy ni Dindy. Ang akala n'ya nga dati ay ako ang mommy n'ya, kaya laking gulat n'ya nang malamang hindi nga ko ang nanay ni Dindy. Ayaw kasing ipasabi ni Xavier sa kahit sino, except sa family at close friends n'ya, Basta ang alam lang ng iba, may anak si Xavier, 'yun lang.



Hindi naman nagtagal ay natapos na rin kaming mag-ayos ni Manang kaya binuhat ko na agad si Dindy at lumbas na kami. Nagpatulong na rin kaming magbuhat ng mga gamit sa driver ng family nila Xavier. Tapos pinahatid na rin namin sa kan'ya si Manang Yolie para makauwi na s'ya. Tutal lalabas naman kami ni Dindy kaya wala na s'yang gaanong gagawin.



"Mommy! Tita mommy! I want that! I want that!" Sabi ni Dindy nang mapadaan kami sa isang toy store.




She was pointing at the big unicorn stuff toy. Mukhang mas malaki pa sa kan'ya 'yun eh. Pumasok kami sa loob ng toy store at agad naman kaming nilapitan nung saleslady.



"That big unicorn stuff toy, please." Malumanay na sabi ko sa saleslady then tinuro 'yung stuff toy. "Wala na ba kayong stock nun?" Tanong ko sa kan'ya, pero umiiling lang s'ya.



Kinuha 'yun ng babae at nang kukunin ko na 'yun para tignan ay agad may umagaw nito.



"OMG, thank you." Sabi nung babae.




Never Ending Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon