Chapter 1

76 16 0
                                        




"Levi alam mo, para ka ng ewan d'yan."


Napatingin naman ako kay Rye, pinsan ko, na katapos lang maglaro ng ML, kaya ngayon ay nakasandal na lang ang ulo niya sa headrest ng sofa bed dito sa kwarto ko.


"Kaya nga. Kanina ka pa pagulong-gulong d'yan. Baliw ka na ghorl?"


Napabaling naman ang atensyon ko kay Lye, kambal ni Rye, nang magsalita siya. Nagbabasa siya ngayon ng libro habang nakahiga sa kama ko.


Friday ngayon at andito kami sa penthouse ko, and guess what. we are doing nothing. Horray! Pare-parehas kaming walang pasok ngayon dahil 'yun ang schedule namin eh. Wala tayong magagawa. At etong kambal na kasama ko ay nambubulabog, dahil ayaw naman daw nilang nagstay sa bahay nila dahil wala rin naman silang kasama doon. Ang daddy kasi nila, si tito Philip daw ay umalis ng bansa para sa isang business trip, si tita Alice naman, mommy nila, ay for sure nasa kompanya at nagtratrabaho.


"Super bored na nga kasi ako! Labas na kasi tayo. Please." Pilit ko sa kanila dahil gustong-gusto ko ng umalis dito.


Nakakabagot kaya dito.


Kanina ko pa sila kinukulit na lumabas pero ayaw nila. Ewan ko ba sa mga 'to. Edi sana nagstay na lang sila sa bahay nila, tutal ganito lang rin naman pala ang gusto nila, diba? Nambubulabog pa sila ng buhay ng may buhay.


Pero kung tutuusin naman kasi ay pwede ko naman silang iwan na lang dito. Palagi ko namang ginagawa 'yun. Pero kasi naman, ayaw ko na kasing umalis mag-isa at magpunta sa kung saan, kasi nga 'yung nangyari sa akin kahapon. Shyet na malupit 'yun mga lods. 'Di ko makakalimutan 'yun. Bumili lang naman ako ng maiinom kasi hindi ako nakapagbreakfast eh.


"Levi, alam mo kasi, kung gusto mong umalis edi umalis ka mag-isa mo. Hindi 'yung gagat na gagat kang umalis, nang-iistorbo ka pa." Napaayos ako ng upo nang sabihin 'yun ni Lye, bago siya tignan.


Ako pa daw ang nang-iistorbo ha.


"Kung iiwan ko kayo dito edi sana nagstay na lang kayo sa bahay niyong mga bruha kayo 'no?." Tapos ay tinaasan ko siya ng kita.


Napatingin naman silang dalawa sa akin na para bang may sinabi akong mali.


"Tanga ka ba?" Biglang sabi naman ni Rye


Oh diba? Natanga pa ako.


"Tagal mo na kaming iniiwan dito sa bahay mo sa ganitong sitwasyon, Levi." Sabi ni Rye.


"Eh kasi naman." Inis na sabi ko at tinignan silang dalawa at pinagbabato ng unan. "Sige na kasi!" Muling pilit ko.


Baka mapapayag ko sila kapag may kasamang pagbato ng unan eh.


"Tinatamad nga kami." Sabay nilang sabi tapos nagbusybusyhan.


Nakakainis talaga itong dalawang ito. Kapag ayaw, ayaw talaga. 'Yun lang ata ang masasabi kong pagkakaparehas nilang dalawa. They are actually identical twins, pero sobrang layo ng ugali nila sa isa't-isa. Kasi si Rye, she's something like, makulit, happy-go-lucky, go with the flow lang siya. While Lye is a serious type of person, pero not super serious na aabot sa point na nagiging kill joy na s'ya. She's always G naman sa mga bagay-bagay.


They're both matalino pero Rye being Rye. Kapag nasa loob siya ng classroom, sige aral. pero kapag wala na, stop na. Though she's doing homeworks pa rin naman and projects, pero hindi niya masyadong pinagtutuunan ng pansin.


Unlike Lye na super grade conscious. And if I said super, it means super-duper mega power with magical spirit serious. Pero never niyang inestress ang sarili niya because of pag-aaral. Kapag nararamdaman na niyang sobrang sunog na ng kilay niya ay magchichill muna siya saglit then go ulit kapag okay na siya.


Never Ending Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon