"Levi, 11:30 daw po kayo sa Kiana's." Sabi ni Kimberly pagkapasok na pagkapasok n'ya ng office ko.
"Huh? Ba't 'di mo sinabi agad?!" Gulat na tanong ko nang mapatingin ako sa wall clock ko dito sa office.
"Sinabi ko po kanina." Sabi n'ya habang nakayuko na. Agad naman akong humingi ng paumanhin nang makita ko ang itsura n'ya lng 'yun.
11:25 na, and medyo malayo ang kompanya sa Kiana's kaya sigurado akong malelate talaga ako, kaya naman ay agad na akong umalis para hindi pa ako malate ng bongga. Hindi na rin ako nakapag-ayos ng sarili ko, though I'm confident naman na I'm looking good pa rin. Pero nakakabother pa rin, baka mamaya puro confident lang ako pero---haist, whatever.
Pagdating ko sa Kiana's ay 11:35 na, kaya naman halos madapa-dapa na ako sa pagmamadali kong makapasok sa loob ng Kiana's. Hindi na rin ako nagpalit ng heels para mas presentable naman. Pagdating ko doon ay agad kong nakita si ate Kiana na kalalabas ng kitchen. Nang makita n'ya ako ay agad s'yang lumapit sa akin then hug me. Shyet, 'yung kameeting ko.
"Buti napadalaw ka?" Tanong n'ya nang maghiwalay na kami.
"May lunch meeting kasi ako ate, dito kami magmemeet." Nahihiyang sabi ko. Kaya napa-ohh na lang s'ya.
Hinanap ko agad si Mr. Tiu nang nagpaalam na babalik na si ate Kiana sa kitchen. Nakita ko rin naman agad s'ya, ngunit mukhang naiinip na.
"Sorry sir, I'm late." Paghingi ko nang paumanhin bago maupo sa harapan n'ya.
Actually, I was expecting na it'll be him, 'yung imemeet ko. Pero nung sinabi ni Kimberly na Mr. Tiu daw ay agad akong bumalik sa sarili ko. Like, girl? Tell me, you're not expecting him. Ganern. Then naalala ko, he's a player pala, so malabong maging head s'ya ng event na 'yun.
After ilang minutes ay tapos na kami sa pagmemeeting kaya kumain na lang kami habang nag-uusap.
"Do you know, Kairus?" Agad akong napatigil nang marinig ko 'yung pangalan n'ya. And I thank Xavier na talaga. Kasi hindi pa natutuloy ni Mr. Tiu 'yung sasabihin n'ya ay nagring na 'yung phone ko. Kaya nag-excuse ako saglit.
"Thank you, Xavier." Agad na sabi ko nang masagot ko 'yung tawag n'ya.
"Nasaan ka?" Tanong n'ya at hindi pinansin 'yung pagthank you ko.
"Halla, oo nga pala. Hindi ko nasabi sa'yo, may lunch meeting pala ako ngayon with the head ng CTF." Paliwanag ko sa kan'ya.
"Catch the Flag?" Umoo ako. "Kaya pala hindi mo nasabi sa akin na hindi tayo makakapgsabay na kumain ng lunch." Sabi n'ya.
"Kai is not here. It's Mr. Tiu, head nga ng CTF." Agad na paliwanag ko. Dahil kahit anong sabihin n'ya ay malinaw na 'yun ang gusto n'yang iparating.
"Wala akong sinasabi." Depensa n'ya sa sarili, bago kami nagpaalamanan sa isa't-isa.
"Boyfriend?" Napatingin naman ako kay Mr. Tiu nang itanong n'ya 'yun, pagkaupong-pagkaupo ko.
"No po." Sabi ko at nagsimulang kumain ulit.
Ilang minute lang ay natapos na kami kaya nagpaalam na rin kami sa isa't-isa. Ako naman ay agad dumeretso sa counter para tanungin kung nasaan si ate Veronica. Agad namang s'yang lumabas sa kitchen.
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
RomanceLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."
