Days have passed after nung lumabas kami ni Kiana. After nga nung bonding namin ay nagpasundo ako kay Xavier sa mall dahil pupunta pa kami sa party ni Red nun. Nagulat nga si Kiana nang makita si Xavier tapos bigla na lang lumungkot ang mukha. Hinintay na rin muna namin 'yung sundo n'ya bago kami umalis ni Xavier.Today is back to work na naman. Super busy, dahil nga sa mga ibang namove kong meetings and stuff. Pero okay lang naman. Nandito rin si Xavier para tulungan ako. Katatapos lang kasi ng isang project nila, kaya marami s'yang free time.
"Kailan 'yung CTF?" Biglang tanong n'ya sa akin habang may inaayos kami.
"Next month pa ata." Sagot ko naman. I don't actually know, kasi hindi naman ako ang in-charge sa reservation ng arena eh.
"Are you goin' to watch the competition?" Tanong n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya, and doon ko nakita na nakatingin rin pala s'ya sa akin.
"Why would I? Kailan pa ako pumunta sa mga events ng mga nagrerent ng mga halls and arena natin? Hindi naman ako dapat nandoon. Tsaka anong gagaw---"
"Oh, tama na. Masyado kang defensive." Sabi n'ya sa akin at nagpatuloy na rin sa ginagawa.
After nun ay tumigil muna kami para maglunch. Dahil sa sobrang kamamadali ko kanina ay hindi na rin ako nakapagprepare ng lunch ko kaya niyaya ko na lang si Xavier na kumain sa labas. Sakto rin naman daw at hindi rin s'ya nakadala kaya pak na pak.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong n'ya sa akin.
Ayaw kong kumakain sa mga fancy restaurants at alam 'yun ni Xavier, kaya tuwing lalabas kami at tinatanong n'ya saan ko ba daw gustong kumain.
"I want unli friend chicken." Sabi ko sa kan'ya, kaya alam na n'ya kung saan puputa.
Pagdating namin sa Prayd She Can ay agad akong bumaba. Prayd She Can ay isang kainan na eat all you can, pero mga fried foods lang nandito. May iba't-ibang flavors rin kaya pak na pak talaga. Favorite ko dito 'yung cheese overload. Super sarap kasi, like super coated s'ya with cheese. Yummy.
Pagdating namin sa loob ay naghanap agad kami ng upuan then nag-order na kami. Gutom na gutom na ako kaya marami akong nakakain. Pang 5 refill ko na nang may mga grupo ng mga lalaki na pumasok. Tinignan sila ng lahat ng tao sa loob kaya pati kami ay napatingin na rin.
"OMG. It's Dominicano."
"Ghad, so gwapo."
Sabi ng isang grupo ng babae sa kabilang table. Well, sila lang ang maingay. 'Yung iba ay nakatingin lang sa kanila.
"Dito gaganapin 'yung CTF this year diba?" Rinig ko pang sabi nung isa pero hindi ko na lang sila pinansin.
"Pocha, bossing, sa iba na lang tayo, maraming—Joke lang pala dito na lang." Biglang pagbago ng isip ni Kier nang mapatingin s'ya sa gawi ko. Yes, sila nga.
Lumapit s'ya sa akin kaya nagsisunudan 'yung dalawa, si AC at Raze.
"Levi?! Halla shet! Ikaw nga." Parang timang na sabi ni Raze.
Tinignan ko naman si AC na mukhang tangang nakatingin sa akin, nakatakip pa 'yung kamay sa bibig at nanlaki ang mata. Parang ewan.
"Oh? Ba't nandito ka na naman kupal?" Nakakunot na sabi ni Kier nang makita sa tapat ko sa Xavier. Napatingin rin naman 'yung dalawa.
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
RomansaLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."