Chapter 3

32 13 0
                                        









"Dad, me and Rye can't do that by ourselves lang. Can we at least ask for our friends' help?"



Kararating ko lang ng kusina ng maabutan ko si Lye na may kausap sa telepono. Maybe it's her dad. Pinoproblema na naman nila 'yun. Wala pa namang nangyayari sa akin eh, kaya okay lang, ez life muna dapat kami. Pero sobrang OA kasi nitong si tito Philip eh.



Dalawang lingo na ang nakalipas matapos kaming magpunta sa Uno at ilang araw na ring natutulog dito sila Rye at Lye dahil parehas na nasa business trip ang parents. Nandoon naman 'yung ibang kasambahay nila kaya siguradong hindi mapapabayaan ang mansion nila.



"Tell tito Philip to stay put. Buhay pa ako. Wala pang nagtatangkang pumatay sa akin." Natatawang sabi ko bago umupo sa counter stool dito sa kitchen.



Tumingin si Lye sa akin at tinignan ako ng masama dahil sa pagbibiro ko. Pero kumuha lang ako ng French toast na nakahain dito sa countertop bago tignang muli si Lye.



Nakasanayan ko ng gawing breakfast table 'tong kitchen countertop ko, lalo na kapag mag-isa lang ako dito sa penthouse. Kasi alangan namang doon pa ako kumain sa dining area, eh mag-isa ko lang naman na kumakain. Baka may makiupo pa. Kaya kapag nandito silang magkambal ay ganun na rin ang ginagawa nila.



"Ez, nagjojoke lang ako. Kaskerd ka haa." Muling biro ko nang hindi siya nagsalita.



Nagpaalam siya saglit kay tito Philip at tinignan ako bago magsalita.



"Levi, this thing isn't a joke. Okay? Buhay mo nakasalalay dito. We're just concern." Sabi nito bago umupo mismo sa counter table.



"Yeah, I know Lye. Ang akin lang, 'wag niyo munang isipin 'yun kasi hindi pa time para doon."



Kalmado lang akong kumakain, at pilit kong pinapahalaya sa kan'ya na ayaw ko ng ganitong usapan, masyadong seryoso eh.



"There's no 'hindi pa time' for this kind of stuff, Levi. Kailangan natin maging prepared sa mga pwedeng maaaring. Hindi natin alam baka bigla na lang---"



"Alam mo Lye, matay, nu matay (mamatay, kung mamamatay)."



Halata ko ang inis sa mukha niya sa sinabi kong 'yun. Pero nagpatuloy lang ako sa pagngata ng French toast ko dito at hindi pinansin ang umuusok niyang ilong. Tumayo para kumuha ng milk sa ref nang magsalita ulit siya.



"Alam mo Levi, kung gusto mong mamatay, 'wag mo kaming igagaya sa'yo, 'ne? Kasi kami, ayaw namin. Naiintidihan mo?" Inis na sabi niya bago bumaba sa countertop at umalis ng kitchen. "Pasok na ako."



Naguilty naman ako ng very light, pero hinayaan na lang siyang umalis. Mawawala rin inis sa akin nun mamaya. 'Di ako matitiis nun.



9:00 am palang naman, 10:00 pa first class ko. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko hanggang sa maubos ko ito. Si Rye naman ay kanina pa umalis, kasi 7:30 first class nun every Tuesday, kaya super hate niya ang word na Tuesday eh.



After kumain ay pumasok na rin ako. May sari-sarili rin naman kaming sasakyan ka struggle ain't real. Nakarating naman ako agad sa University after 10 minutes of driving. Pero medyo na napatagal lang ako sa pagpapark, at medyo napalayo rin ako sa Gate 3 na mas malapit sa building ng Archi, kasi nandito ako ngayon sa Gate 1 eh. Magshuttle na lang ako mamaya ah.



Hindi man halata pero Archi student ako. First year ko palang. Simula bata kasi ako ay hilig ko na ang pagdradrawing. Dapat nga magfifine arts ako, pero mas pinili kong mag-architecture dahil na rin kay mommy. She was an Architect bago siya mawala.



Never Ending Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon