Chapter 31

9 1 0
                                    







Nandito kami ngayon sa loob ng bahay nila nanay Merlie at natihimik na nakikinig sa kwento nilang mag-asawa. At oo, kasama namin si Kai.




"'Nay! 'Tay!"




Lahat kami ay napatingin sa dalawang bata, isang babae at isang lalaki, na kakapasok lang ng bahay. Gulat na lumapit sa aking ang bata at hinawakan ang mahabang buhok ko.




"'Nay, ang ganda ng buhok n'ya!" Sabi ng bata kay nanay Merlie.




"Ang ganda ng sapatos, 'tay!" Sabi naman nang batang lalaki na nakaturo sa sapatos ni Kai.




Pinagbawalan naman sila ni tatay Leo at nanay Merlie kaya umupo na lang sila sa tabi ng mga magulang nila.



"Saan ba kayo galing? Basang-basa kayo oh, at bakit dilim na kayo nakauwi?" Tanong ni nanay Merlie at pinunasan ang pawis ng mga anak.



"'Nay, nasa isla po tayo. May dagat." Natatawang biro nung batang lalaki kay nanay Merlie, pero kinurot lang s'ya ni nanay Merlie sa pisngi.



"Nga pala, eto si Lara at eto naman si Dave." Pakilala ni tatay Leo sa mga anak.




Hindi nagtagal ay nagstart na rin kaming maghapunan. Ang ulam namin ngayon ay prinitong tilapia at adobong pusit na narita sa paninda ni nanay Merlie. Nagbigay pa ako ng kahit pandagdag lang, ngunit hindi iyon tinanggap ni nanay Merlie.




"Kain lang kayo ng kain, mga anak." Sabi ni nanay Merlie.




Habang kumakain kami ay makikita ang saya sa mga mukha nila. Kahit na hindi man ganun kalaki ang bahay nila at wala man silang maayos na ilaw ay hindi mo sila makikitaan o hindi mo sila maririnig na nagrereklamo. Lalo na si tatay Leo na laking mayaman.




After namin kumain ay dumeretso muna ako sa kwarto na pagtutuluyan ko ngayon. Pero laking gulat ko nang nandoon rin ang mga gamit ni Kai. Anong ibig sabihin nito?




"Ay, ija, Ayos lang ba na magkasama na lang kayo sa isang kwarto? Wala na kasi kaming bakante eh. Dadalawa lang kwarto namin dito." Sabi ni nanay Merlie nang maabutan n'ya ako sa kwarto.





"Ay, ayos lang po 'nay." Alanganing sagot ko.




Napatingin ako kay Kai na kararating lang ng kwarto.




"Sa living area na lang ako matutulog. Sa upuan." Sabi n'ya sa akin the dumeretso sa mga gamit n'ya. "Pwede pong pahiram ng banyo n'yo?" Paalam n'ya kay nanay Merlie.




"Oo naman, 'nak. Pero walang ilaw doon. Pasensya na." Sabi ni nanay Merlie.




"Okay lang po, magflashlight na lang po ako." Sabi n'ya at nagpaalam na.




Nagpaalam na rin si nanay Merlie kaya mag-isa na lang ako dito. Ang tanging ilaw lang dito ay nanggagaling sa lampara. Binuksan ko rin ang phone ko para sana magcheck ng social media pero naalala ko wala palang signal dito. Tsaka baka malowbat rin phone ko. Isang linggo pa ako dito, wala akong pangcontact sa kanila sa city kapag pauwi na ako.




Dahil wala akong magawa, naisipan ko munang lumabas para magpahangin.





Third Person's POV




Matapos maligo ni Kai ay dumeretso na ito sa kwarto para magbalik ng mga gamit, ngunit napatigil nang makita si Levi na kabababa lang ng hagdan.




Never Ending Tomorrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon