medyo spg.
It's been a month since nung araw na nagkita kami nila Jieven sa mall. And hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako. Like, man? Magkamukha ba kami ni Dindy? Fake news rin 'yung batang 'yun eh.
"Ano na namang iniisip mong babae ka?" Sabi ni Xavier kaya napatingin naman ako sa kan'ya.
Nandito kami ngayon sa office ko, dumeretso s'ya dito after ng meeting namin kanina. This passed months is really stressing.
As you all know Martirez Company ay hindi lang nagfofocus sa resorts, hotels and arenas. We also build houses sa mga taong gustong magpagawa sa amin. Well, my mom is an architect kaya dinagdag 'yun ni daddy sa business namin para magkasama lang sila ni mommy.
Now, the problem is, meron kaming isang engineer na we can say, nagnakaw. Nauna kasi 'yung payment, full payment 'yung binigay nung nagpagawa ng bahay pero ang nangyari, tinakas n'ya 'yung pera. Hindi na s'ya pumasok simula nung makuha n'ya 'yung pera. Kaya sa amin nagrereklamo 'yung may ari nung bahay, at balak pa kaming ipakulong.
Malaki-laki 'yung nakuha ni Engr. Thomas kaya kapag binayaran namin 'yun medyo aabutin rin kami ng taon para mabawi 'yun. Pero wala akong magagawa kundi ang bayaran 'yun para hindi lumaki 'yung problema.
"Potakte kasi 'yung Engr. Thomas na 'yun. Gagawa na nga ng problema, isasama pa tayo." Sabi ko.
Well, alam na ni tito 'yung nangyari. Alam na ng lahat ng board members, lahat ng empleyado. Lahat ng nandito sa kompanya. Halos lahat sila ay galit na galit kay Engr. Thomas pero wala kaming magagawa, hindi naman namin s'ya makita at hindi rin naman namin ang dahilan kung ba't ginawa n'ya 'yun.
Napatingin naman kami pareho sa pintuan nang may kumatok dito.
"Pasok." Sabi ko. Bumukas ang pinto at niluwa nun si Kimberly. "Kimberly, bakit?"
"Ma'am, nand'yan po 'yung nagpagawa ng bahay na kinuhanan ng pera ni Engr. Thomas." Sabi n'ya, kaya nagulat ako. "Gusto daw po kayong makausap."
Tinignan ko naman si Xavier at nagkibit balikat lang.
"Sige, papuntahin mo sa meeting room." Sabi ko kay Kimberly.
"Tsaka pinapasabi n'ya po na dapat dalawa lang daw po kayong mag-uusap." Sabi ni Kimberly kaya napatingin ulit ako kay Xavier. Nagkibit balikat na naman ang bugok. Wala talagang kwenta.
Nag-ayos lang ako saglit bago ako pumunta sa meeting room. Hindi ko pa nabubuksan 'yung pintuan ay bigla akong kinabahan. Hindi kasi glass 'yung door at 'yung wall ng meeting room kaya hindi ko makita 'yung loob. Oh my gosh. Anong meron?
Binuksan ko na 'yung pintuan, at laking gulat na nakita si Kai sa swivel chair sa gitna.
"What are you doing here?" Inis na sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko at pagkasara na pagkasara ko ng pintuan.
"Why so rude?" Taas kilay n'yang sabi bago tumayo. "Sit." Utos n'ya sa akin pero hindi ko s'ya sinunod.
Nang hindi ako gumalaw ay lumapit s'ya sa akin, pero hindi ako nagpatinag mga beshtie. Strong dapat tayo. Pero potek, ba't palapit ng palapit? Nang nasa harap ko na s'ya ay umatras ako ng kaonti, pero ang kumag ay humakbang rin paharap, kaya umatras lang ako ng umatras hanggang sa maramdaman ko na ang pintuan sa likod ko.
Pota?
His face is so close sa akin, I can also feel and smell his minty breath. Shet, pinapapawisan ako. Nilapit n'ya pa lalo 'yung mukha n'ya sa akin kaya napapikit na lang ako bigla. Then nakarinig na lang ako ng click ng lock ng doorknob pagkatapos ay isang pagtikhim. Pagkadilat ko ng mata ay nakita ko agad si Kai na nakangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/223043272-288-k152533.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Ending Tomorrow
عاطفيةLeviana Kylie Martirez, a girl from a well known family, met Kairus Brian Hernandez, a not-so-serious guy. "I'm willing to forget the painful yesterday just to be with you tomorrow."